Ang katahimikan sa opisina ay tila sumabog sa damdamin ni Alessandro. Hawak niya pa rin ang envelope na naglaman ng isang mundong tuluyan nang naglaho. Sa ibabaw ng mesa ay nakalatag ang annulment papers, malinaw ang bawat linya, pormal ang bawat salita. At sa dulo ng dokumento, isang pirma. Isa lang ang sigurado siya, pirma ni Romina. Hindi niya namalayang muling bumagsak ang kanyang tingin sa calling card na kalakip ng dokumento. Sa isang iglap, hinablot niya ang cellphone at agad tinawagan ang numerong nakasulat doon. Ang puso niya ay kumakabog sa kaba at pag-asang, kahit papaano, baka siya ang sumagot. Baka boses ni Romina ang marinig niya. Baka sakali ay marinig niya muli ang boses ng babaeng pinakamamahal niya. Ang anak nila na hindi niya minsan nasilayan. Isang tanong ang pumas

