Chapter 80

1049 Words

"Kawawa naman si Senorito." Bulalas ng kasambahay habang nakatingin sa may TV, naka-flash kasi roon ang balita tungkol sa pagkakahuli ng kanilang boss. "Anong kawawa? Kasalanan niya yan. Totoo naman na may relasyon sila ni Candy. Hindi sila nakakaawa. Ginusto nila yan. At ang ginawa nila labag talaga sa batas. Mabuti nga sa kanila." Sabi pa ng isang katulong. "Totoo nga! Dapat lang sa mga kabit yan! Makulong silang dalawa. Sa ginawa nila kay Senorita, tama lang yan." "Manang Ising, jusko! Paano na yan? May trabaho pa ba tayo?" Hindi makasagot si Manang Ising dahil simula ng madakip ang kanilang senorito kahapon ay hindi na nila alam ang nangyayari. Nakausap naman niya si Madam Silvia at sinabi na sya muna ang bahala sa mansion. Sa totoo lang ay hindi niya rin alam ang nangyayari.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD