Lumipas ang mga araw na parang ulap na mabilis na dumaan ngunit walang iniwang bakas. Si Alessandro, sa kabila ng yaman, impluwensya, at kapangyarihan niya, ay nakaramdam ng isang bagay na hindi kayang bilhin ng kahit anong halaga, ang sakit ng pagkawala. Sa bawat sulok ng mansyon ay tila naroroon ang alaala ni Romina. Ngunit ang kanyang presensya ay nawala na parang bula, kasabay ng malamig na katahimikan ng gabi. "Ano nang balita? Hindi ko kayo binabayaran para hindi gawin ang mga trabaho niyo!" "Wala pa rin po kaming natatanggap na impormasyon, Senorito Alessandro," ulat ni Joel, isa sa mga tauhan ng private investigation team na inupahan niya. "Pinuntahan na po namin ang lahat ng ospital, mga terminal, at pati mga katrabaho ni Capt. Lewis, lahat negatibo, hindi rin nila alam kung na

