Sa isang sulok ng kapehan sa lobby ng Grand Empire Hotel, tahimik kaming nakaupo. Sa ibabaw ng mesa ay may dalawang tasa ng cappuccino, bahagyang umuusok pa, pero mas mainit pa rin ang titig na ibinabato ko sa lalaking nasa harap ko. Si Alessandro. Ang lalaking minsang minahal ko. Ang lalaking minsa’y ipinangakong magiging sandigan ko habang buhay. Ang lalaking iniwan kong luhaan sa kabila ng dilim ng aking paningin. Ngayon, narito siya. Buo. Mas tiwasay ang itsura. Malinis ang ayos ng kanyang buhok, naka-ayos ang suit, tila nahigitan pa nito ang aking na-iimaggine noon na Alessandro Pero isang bagay ang agad kong napansin. Wala na ang peklat sa kaniyang mukha. “Wala na,” bulong ko sa sarili ko. Ang linyang dati kong kinakapkap, pilit kong inaabot ang hugis sa kanyang pisngi noon,

