Maagang gumising si Romina kinabukasan. Bagamat hindi pa siya lubusang nakakapag-adjust sa oras sa Pilipinas, ay siniguro niyang handa na siya para sa trabaho. Isa ito sa mga araw na kailangan niyang iwan muna si Joaquin. Hindi kagaya ng trabaho niya noon na pwede kahit saan o kasama ang anak, ngayon ay nirequest na on-site ang magiging trabaho niya 5 days a week sa loob ng dalawang buwan. Hindi man siya sanay, alam niyang kailangan niya itong gawin. Lumapit siya sa kanyang anak na himbing pa rin sa pagkakatulog, at hinalikan ito sa noo. "Baby, aalis muna si mommy ha? Magtatrabaho lang ako. Diyan ka lang muna kasama si Yaya Lucia," bulong ni Romina habang pinapahid ang isang hibla ng buhok ng bata mula sa noo nito. Narinig niyang humilik si Joaquin nang bahagya, at ngumiti siya. Paghar

