Maagang nagising si Romina kinabukasan. Tila may bahid ng kabang hindi niya maipaliwanag habang nakatanaw sa langit na unti-unti nang nabubuhay sa liwanag ng araw. Nakaugalian na niyang gumising ng maaga upang masiguradong handa na ang lahat bago magising si Joaquin. Subalit ngayong umaga, may ibang init ang kape sa kanyang palad, may ibang kabog sa dibdib habang inaalala ang nangyari kagabi. Hindi niya akalaing darating ang araw na si Alessandro mismo ang uupo sa hapag nilang mag-ina. At higit pa roon, hindi niya akalaing makikita niyang masaya si Joaquin habang nakikipagkulitan sa lalaking matagal niyang inilayo sa buhay nila. Subalit kahapon ay tila isinulat ng tadhana ang isang bagong pahina. At ngayon, panahon na upang ipagpatuloy iyon. Maya-maya, nagmulat na ng mata si Joaquin. Aga

