Ang araw ay nagsimula sa tila ordinaryong umaga sa loob ng marangyang mansyon. Sa bawat silid ay may kanya-kanyang ingay at galaw, ngunit ang katahimikan sa isang bahagi ng bahay ay biglang nabasag sa matinis na tinig ni Candy. "Sinabi kong ayoko ng itlog na ganito ang luto! Bingi ba kayo? Ilang beses ko bang uulitin!" Sa loob ng silid na pansamantalang tinutuluyan ni Candy, naroon ang ilang kasambahay na nanginginig habang pinipilit itama ang hindi niya gusto. Nangingilid ang luha sa mata ng isa sa kanila, si Letty, na matagal nang nagsisilbi sa pamilya. Hindi sanay ang mga kasambahay sa ganitong pakikitungo, lalo pa at hindi naman ganito si Alessandro. Ngunit si Candy, sa kanyang pananatili, ay tila kinukuha ang lahat ng gusto niya sa pamamagitan ng lakas ng loob at pangingibabaw. Sam

