"Maupo ka, Alessandro," utos ni Silvia habang itinuro ang silyang kaharap niya. Tahimik itong sumunod. "Son," panimula niya, mababa ang tono ngunit matigas, "hindi ako boto kay Romina. Alam mo 'yan mula pa noong una. Pero ngayong buntis siya, may responsibilidad ka." Nagbaba ng tingin si Alessandro, at sandaling natahimik. Wala siyang maisagot. "Kung ako lang ang tatanungin, gusto kong hiwalayan mo siya. Pero hindi ako bulag sa katotohanan. Mas mabuting siya ang kasama mo kaysa kay Candy. Kabit siya, Alessandro. At habang pinapabayaan mo 'yang sitwasyon ninyong dalawa, unti-unting nababahiran ang pangalan ng pamilya natin." "I know, Mom," mahina niyang tugon. "Hindi mo lang dapat alam. Kailangan mong kumilos. Romina is pregnant. I hate the fact but she's your wife. Kaya ayusin mo ang

