Isang napakabigat na katahimikan ang bumalot sa buong silid-kainan. Ilang segundo, o marahil ilang minutong tila napahinto ang oras. Lahat sila, nakatitig kay Liza na tila nahigop ang lahat ng lakas sa paglalakas-loob na sabihin ang katotohanan na buntis si Romina. Nabitawan ni Silvia ang hawak na bag, Nabuga ni Candy ang hangin sa pagkagulat, at si Alessandro, natigilan sa kinatatayuan niya. Ang mga kasambahay ay napayuko, hindi alam kung aalis ba sila o mananatili, kahit ba lihim ang pagbubuntis niya ay nakakahalata na rin ang mga ito sa paraan ng pagprotekta nila Manang Ising kay Romina lalo na sa mga kinakain nito. Subalit ay nakisama rin sila sa pagtatago ng sikreto ng kanilang senorita, lalo pa at nang malaman nila ang relasyon ni Alessandro sa iba. Pero isang bagay ang sigurado, wa

