Unknown Disease
16 | Lockdown
_______________________________________
Astrid
"Kuya Balik tayo sa Sta. Mesa," Utos ko kay Kuya Manuel, ang driver namin, pero tinignan lamang ako nito na parang disgusto sa aking sinabi.
"Kuya please sa Sta. Mesa tayo. My friends need me and I know your family needs you too. Kailangan nating makabalik sa Sta. Mesa sa lalong madaling panahon bago pa mahuli ang lahat," Pagpupumilit ko pa.
"Pero ma'am utos po kasi ni— Kuya please! Ako na po ang bahala sa kanila!" Pagpuputol ko bago pa man niya matapos ang kanyang sasabihin. Sa bawat minuto na lumilipas ay mas umiikli ang aking tiyansa na makabalik sa aming hospital bago ang lockdown.
"I'm begging you Kuya Manuel... you don't need to think about me and my safety anymore. Please, your family needs you more than I do. And I know, I know how selfish I am to wish for you to come with me to Batangas while your family where left in Manila. So please kuya. Balik na tayo sa Sta. Mesa my friends needs me. I can't lose them," Desperadang sabi ko kay Kuya Manuel at nakita ko ang paglambot ng ekspresyon mula sa kanyang mga mata at ilang segundo lang ay mabilis niya nang iniliko ang sasakyan papabalik sa Sta. Mesa.
"Thank you. Thank you po ma'am. Salamat po," He thank me and at mabilis na pinatakbo ang sasakyan pabalik sa Sta. Mesa. He don't need to thank me. Ako dapat ang nagpapasalamat sa kanya. He's been very loyal to our family. Kahit pa sinigurado na nila Mom ang kaligtasan ng pamilya niya ay alam ko na mas kailangan nila ang suporta ng kanilang haligi ng tahanan sa panahon ng crisis na kinakaharap namin ngayon.
Labing limang minuto na lang bago tuluyang magsara ang siyudad at medyo malayo na kami sa Manila ngayon kaya hindi ko mapigilang hindi kabahan na baka hindi kami makaabot.
"Wait for me. I'll come help you guys."
"We'll wait for you Ash," Brenda says as the call ended.
"Kuya please drive faster. Malapit na magsara 'yong city," Sabi ko kaya mas binilisan pa ni Kuya Manuel ang pagpapaandar ng sasakyan papabalik.
I know it's a crazy idea going back there. Walang kasiguraduhan kung anong mangyayari sa akin 'pag bumalik ako ro'n. Pero isa lang ang sigurado ako. Handa ako sa ano mang mangyayari basta't kasama ko sila. I'm now taking a risks.
Napahinto 'yong sasakyan namin ng may mahabang traffic ang bumungad sa amin. I look at the front, but I can't see any from my point of view. That's why I decided to open the window of the car and insert my body there. Tiningnan ko 'yong dahilan ng traffic at natanaw ko nga sa 'di kalayuan ang napakahabang barikada na naghaharang sa mga sasakyang papasok ng siyudad.
What the hell? Bakit ang bilis? Hindi na ba kami nakaabot?
"Hey! Ano ba! May importante pa akong appointment!" Napatingin naman ako sa mga driver na kanya-kanyang busina at rant na mukhang walang kaalam-alam sa mga nangyayari.
"Minamahal naming kababayan. Pansamantalang naka-lockdown ang buong siyudad ng Metro Manila sa buong Pilipinas dahil sa banta ng pagkalat ng virus sa ating bansa. Minamahal naming kababayan. Pansamantalang naka-lockdown ang buong siyudad ng Metro Manila sa buong Pilipinas dahil sa banta ng pagkalat ng virus sa ating bansa. Maraming salamat sa inyong pag-unawa," Dumagundong sa buong kalsada ang anunsyo na 'yon na siguradong-sigurado akong galing sa ina ni Maggie.
"Bakit biglaan?"
"Ano bang nangyayari?"
Mga tanong galing sa mga tao, pero napatigil ang lahat sa pagbubusina ng umalingawngaw ang matining na boses ng babae.
"My gosh! Let's go! Umalis na tayo! It's not safe in there!" Hysteriang sabi niya na ikinahatak ng atensyon ng mga tao.
"Hey, miss what's going on?" Someone from the other car asks.
"Go check your hologram watch! Halika na umalis na tayo! Ayoko pang mamatay!" Huli niyang sinabi bago mabilis na pinaharurot ang kanyang sasakyan papalayo.
Naging hudyat ang sinabi ng babae na iyon para kanya kanya nilang tingnan ang kanilang mga hologram watch.
"Oh my gosh!"
"No way!"
"Legit ba?"
Pinanood ko lamang sila habang pinapanood ang naturang balita mula rito at matapos no'n ay nagsimulang nang magkaguluhan ang mga tao matapos makita ang balita mula sa hologram watch. Nagulat na lamang ako nang mabilis na nagturn over ang kotseng katabi namin na kamuntik ko ng ikinihagip kung hindi lamang ako mabilis na nakabalik papasok sa kotse.
Tangina. Papatayin niya ba ako?
Hindi ko naiwasang hindi sigawan ang may ari ng kotse dahil sa asar at kabang naramdaman ko. Ngunit nawala ang atensyon ko mula rito nang maging ang kotse sa aming harapan ay mabilis na nagkanya-kanyang turnover para lamang makaalis. Dalawang kotse pa ang nagkabanggaan dahil sa sobrang kagustuhan nilang makalayo kaagad. Habang ang iba sa kanila ay pilit na pumapasok papunta sa loob at ang iba ay pilit na nagsisi-alisan.
Mahinang napamura na lang ako sa nangyayari. Makaalis naman lahat eh, they just need to do it the right way! Bakit ba sila nagpapanic kaagad at bakit ba walang nag-aassist sa mga tao papaalis?
"Mukhang hanggang dito na lang po ako Kuya Manuel. Mag-iingat ka po kuya and wear that mask and never take it off," Huling sinabi ko kay Kuya Manuel bago ko napagdesisyunang lumabas ng sasakyan. May sasabihin pa sana siya, pero agad ko nang nasara ang pintuan at mabilis na tumakbo papalabas.
Nagkakagulo na 'yong mga tao. Mga nagbanggaang kotse. Mga ingay ng busina, kaliwa't kanang sigawan at mga taong nagpupumilit na makapasok. Gosh. Hindi ko inaasahan na ganito kagulo ang mangyayari sa oras na mangyari ang lockdown.
Pilit ko itong ipinagsawalang bahala at tumakbo papalapit sa barrier. Iwas lang ako nang iwas sa bawat kotse at tao na nakaharang sa daan para mabilis akong makarating sa unahan. Mabuti na lang at naka-mask ako dahil sa usok na hatid ng mga kotse nilang pilit na pinaandar papalayo.
Iwas, takbo ang ginawa ko para lamang makapunta sa barrier pero halos mapa-atras ako nang makita 'yong babaeng pilit pumapasok na binaril sa braso. What the hell! Why are they shooting civilians?
I scan the place and see a sniper four meters away from here. He's ready to shoot anyone who will try to enter the gate.
Napatalon ako sa gulat nang makarinig muli ako ng putok na b***l. Sa 'di kalayuan nakita ko ang isang lalaki na pinatamaan din sa braso sa pagtatangka niyang pagpasok sa barikada na nakaharang. Mabilis na nilapitan ko 'yong lalaking na natamaan sa braso na siyang pinakamalapit sa akin.
"Are you alright?" Nag-aalang tanong ko nang makalapit ako sa lalaki.
"I can handle," Sagot niya pero tinulungan ko pa rin siya sa pag-upo ng ayos.
"Kailangan kong makita si Grace," Ani niya kahit pa nahihirapan at patuloy pa rin sa pag-dugo ang kanyang tama sa braso. Kagaya ko mukhang nandito rin siya para balikan ang taong mahalaga sa kanya sa city.
"Let me see the wound," Paghihinging permiso ko sa kanya na kaagad niya namang ginawa. Naghanap ako ng maaaring pantapal dito pero wala akong nakita kaya wala akong nagawa kundi ang gamitin ang panyo ko at tinapal ito sa tama niya para matigil sa pagdurugo.
"Parang awa mo na! Kailangan ako ng anak ko! Papasukin mo ako!" Pagmamakaawa ng babaeng na b***l sa balikat kanina lamang.
Sinubukan niya pa ulit lumapit sa barrier pero pinatamaan lang siya ulit sa kanang braso. Agad akong tumakbo papalapit sa kanya bago pa man siya muling bumagsak. Tangina naman. This is against the human rights. Bakit kailangan nilang gumamit nang dahas para pigilan ang mga tao sa pagpasok? This isn't even legal.
"Miss kaya mo pa ba?" I ask and I don't know whether I should touch her or not.
"O..okay lang ako," Uutal-utal na sagot niya.
Napakagat labi ako nang makita ko ang walang tigil sa pagdurugo na tama niya sa kanyang magkabilang braso. Kung hindi ito magagamot ay baka maubusan siya ng dugo. Chineck ko ang dala kong bag at wala akong nakitang maaring ipantapal sa sugat niya dahil na gamit ko na sa lalaki kanina ang panyo ko. Hindi na ako nagdalawang-isip na tanggalin ang cardigan na suot ko at pinunit ito sa dalawa. This may work.
Mabilis na nag-dial ako ng ambulance para agad makarating dito. Narinig ko ang mahinang pag-aray niya sa sakit nang maingat kong kinuha ang kanyang sugatang braso.
"Sorry. Pero kailangan nating pigilan ang sugat mo sa pagdurugo. Don't worry I'm a med student," I assures her na alanganing ikinatango niya sa 'kin. Dahan-dahan kong kinuha 'yong braso niya at pinatong ito sa mga hita ko.
Mabilis kong nilagyan ng pressure ang kaliwang braso niya gamit ang kalahati ng cardigan ko. Nakailang tapal at ikot pa ako para mapigilan ang walang tigil sa pag-agos ng dugo mula sa braso niya. Gano'n din ang ginawa ko sa kabila. Sinigurado kong mahigpit ang pagkakatali ko para hindi kaagad ito mahulas.
"Salamat," She thank me and I just reply her with a smile. Narinig ko na ang paparating na ambulansya ngunit hindi ito makapasok dahil sa g**o ng sasakyan at nagkakaguluhang mga tao.
Muling tumunog 'yong hologram watch ko at nakita ko ang parehas na unknown number na ginamit ni Maggie kanina pantawag sa akin. I immediately pick up the call.
"Where are you Ash?"boses lalaki ang sumagot sa kabilang linya na sigurado akong boses ni Keil. 'Di rin nakatakas sa akin ang sigawan nila. Anong nangyayari? Bakit sila nagsisigawan?
"Nahihirapan akong makabalik. Binabaril ang sinumang nagtatangkang pumasok sa city!" Sigaw ko para marinig niya ako. Nagkakagulo pa rin ang mga tao kaya sobrang ingay sumabay pa ang putok ng mga b***l.
Nanlaki ang mga mata ko nang matanaw ko sa 'di kalayuan ang kamuntik nang mabaril sa braso na batang babaeng walang ka muwang-muwang
"Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo? This is against humans right!" Malakas na sigaw ko at mabilis na tumungo sa direksyon ng batang babae.
"If anyone stepped on the white line I will shoot you in sight! This is an order from the high officials!" Dumagundong ang anunsyong 'yon ng nag-iisang sundalo na nakabantay.
"Baby are you fine?" I asked the little girl.
"Yong ate ko po naiwan. Ate, 'yong ate ko po. Ate please. Babalikan ko lang siya. Magkakasama pa kaming pupunta sa Palawan," She says as she burst into tears.
I pity her. Masyado pa siyang bata para maranasan ang ganitong mga bagay. She doesn't deserve this. Dapat ang isang katulad niya ay naglalaro at nagpapakasaya pa lamang.
I just caressed her hair. "Don't worry, kung nasaan man ang ate mo siguradong ayos lang ang lagay niya," Ang sabi ko para pakalmahin at patahanin siya.
"Ano bang pangalan niya and you, what's your name lil girl?" I ask her as I continue caressing her hair.
"I'm Les po. Lelie at 'yong ate ko po si Stefanie. Stefanie Villegas," Sagot niya at mas lalo pa siyang naiyak.
"Shh. Hush lil'girl. I'll find your ate for you. Okay ba 'yon?" Sabi ko na lang para mapatagil na siya sa kakaiyak.
"Totoo po ba ate?" She asks na biglang lumiwanag ang mukha kaya tumango na lang ako sa kanya.
"Promise po?" Sabi niya at nilahad niya pa sa harapan ko kamay niya para makipag-pinky promise.
"Promise," Nakangiting turan ko bago tinanggap ang pinky finger niya para i-seal ang promise namin.
"Leslie!" Someone shouts her name from a far kaya agad akong napatingin sa taong tumawag sa kanya.
"Mama! Papa!" Sigaw niya bago patakbong sinalubong ang tinawag niyang mama at papa.
"Ayos ka lang ba anak? Natamaan ka ba? May masakit ba sa 'yo?" Suri ng kaniyang Ina sa kanya.
"Okay lang po ako Mama," Sagot niya sa Mama niya.
"Halika na anak. Kailangan na nating umalis," Aya naman ng kanyang Ama sa kanya bago ito binuhat.
Napabuntong hininga na lang ako at umiwas na nang tingin sa kanila.
"Ate!" Tawag niya sa akin kaya lumingon muli ako sa direksyon nila.
"Promise ah," Paalala niya kaya tumango na lang ako sa kanya na may ngiti sa labi. Nadagdagan na ang pasanin ko ngayon.
Sa ngayon, kailan kong mag-isip ng paraan kung paano ako ligtas na makakapasok sa mga barikadang naghaharang sa amin para makapasok.
∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆