Unknown Disease
17 | Shoot, Run, Never Look Back
_______________________________________
Astrid
"Hey Ash! You still there?" Nabalik ako sa sarili ko nang marinig ko ang boses mula sa hologram watch ko.
"Yes, yes I'm still here!" Mabilis na sagot ko nang makabawi ako sa malalim na pag-iisip.
"Parang awa niyo na po please! Kailangan kong makapasok! Please po!" Nagmamakaawang saad ng tingin ko'y ka edad ko lang.
"Papasukin niyo na kami! Tangna naman oh!"
"Just let us in. Hindi naman kayo 'yong mamomroblema kapag nahawaan kami ng sakit!"
Kanya-kanyang daing at sigaw ng mga taong pilit na pumapasok sa loob.
"Ash? Asan ka na ba? Kailangan na kailangan ka na namin!" Narinig ko pang sigaw mula sa kabilang linya.
"Hindi nga ako sabi makapasok sa city dahil sa harang na nilagay nila!" I holler out of frustration. I even biting my fingers. I'm nervous and at the same time frustrated from what is happening.
"Ash— Oh my gosh! Nagsasara na 'yong bintana! No! No!" I heard from the other line.
"Ngina Ash 'san ka na! We—" biglang naputol ang kabilang linya bago pa man matapos ang sasabihin ni Froy. f**k.
"Hey! Hey! What's happening?" I asks as I redial the number, but I can't contact it anymore. Sinubukan ko rin tawagan si Minna pero hindi ko na siya ma-contact. Sinubukan ko rin ang numero ni Brenda pero maging siya ay hindi ko na ma-contact.
Nagpabalik-balik ako nang lakad habang kagat-kagat ang daliri ko dahil sa sobrang kabang nadarama ko.
"What to do? What to do?" Paulit-ulit kong inuusal. Nababaliw na ako sa kakaisip nang gagawin. Think Astrid, think!
Napahawak ako sa buhok ko at natigilan ako nang makapa ko ang metal chopstick na nilagay ni Mom pang-ipit ng buhok ko. Mariing napapikit ako nang may biglang pumasok na ideya sa utak ko. s**t. I'm sorry Mom and Dad. Please forgive me sa susunod kong gagawin. I just left with no choice but to do this.
"I will kill this girl if you won't let us in!" Malakas na sigaw ko as I hostage a girl using my metal chopstick na mukhang metal weapon sa kanilang point of view. f**k. Astrid.
"Ate! Bitawan niyo po ako. Parang awa niyo na," Naluluha-luhang pakiusap niya sa akin.
"Don't worry, it's just a metal chopstick. I don't have any plans on killing you. Just stay still," I whisper at her. Nakita ko naman si Kuya Manuel looking at me in disbelief. Mabilis na nag-iwas ako nang tingin kaagad sa kanya.
Shit. Sana hindi niya ako isumbong kayla Mom.
Wala na akong ibang maisip kaya ginawa ko 'to. I know na deep inside of him, nandoon ang responsibilidad niya na tumulong. I hope that I'm making the right decision because if I don't well then I'm doomed.
"Huwag mo siyang gagalawin miss!" Sigaw ng nagbabantay na dumagundong sa buong kalsada.
"Just let me in and I'll set free this girl!" Sigaw ko pang muli at dahan-dahang naglakad paabante sa harang.
Great. It works. All I have to do now is to concentrate and calculate my every move.
Nakita ko ang takot sa mga mata ng mga tao sa ginagawa ko, but I need to do this and remain still. This is the only way that I can think off.
"Huwag kang gagalaw sa puwestong kinatatayuan mo. Hindi ako magdadalawang isip patamaan ka kapag umapak ka sa puting linya!" Sabi niya pa as he aim his g*n at me.
Well, f**k.
"Ate ano ng gagawin mo?" She nervously asks.
Instead of following his instructions ay nagpatuloy ako sa paglalakad papalapit sa puting linya kung nasaan ang mga barikada. Narinig ko ang pagsinghap ng mga tao sa ginawa ko at ang panginginig ng babaeng hawak ko.
I notice that he's positioning his sniper towards my direction and about to trigger the g*n. I felt a rush of adrenaline as I immediately snagged the pistol that I've seen earlier from the guy's waist on my left side and turned my weight to the right to elude the bullet coming in my direction and shoot that man's hand that made him drop his sniper. s**t! I got it! I'm sorry I just really need to pass thru the barrier.
Agad akong tumayo at pinagpag 'yong damit ko. Narinig ko ang hiyawan ng mga tao na nagkakagulo na sa pagpasok at sinamantala ang sitwasyon. Nagsimula na rin akong tumakbo papasok ng ngayong nakabagsakan ng mga harang. I need to hurry.
"Ate—" Narinig kong tawag ng babaeng tinutukan ko ng chopstick.
I didn't look back at her and just waved my left hand at her in response.
Nagkakagulo na sila sa pagpasok at kanya-kanyang tulak ng mga barikadang nakaharang. Iyong iba ay kinuyog 'yong lalaki na walang awa sa pagbabaril sa mga taong lumalagapas kanina sa linya, but I just ignore and continue from running. I can't feel any pity to him. He almost shoot an innocent kid and hurt many civilians.
Nakakita ako ng bisikleta sa gilid ng daan kaya 'di na ako nagdalawang-isip pa at agad itong sinakyan. I pedal as fast as I can. I need to get there as soon as possible.
Hindi ko maiwasang 'di manghinayang sa mga nasira na kagamitan sa paligid. May iilang gusali at kabahayan ang tinutupok ng apoy habang ang kalsada naman ay punong-puno ng mga kotseng nagkabangaan. May mga nagkalat din na natapon na mga inumin at pagkain dahil sa sobrang pagkakagulo. The pandemic wreak havoc to the city.
Wala akong ibang ginawa kundi ang umiwas nang umiwas sa mga dinadaan ko habang patuloy sa pagpapatakbo ng bisikleta. Natatanaw ko na 'yong hospital namin sa 'di kalayuan pero naalarma naman ako nang makita kong unti-unti itong nagsasarado. s**t.
Mas binilisan ko pa ang pagpedal Hindi alintana ang mga nakaharang at nang makalapit ako ay mabilis na itinapon ko ang bisikleta sa gilid. Agad akong tumakbo at pigil hininga na pinadulas ang katawan ko sa sahig papasok bago pa man ito tuluyang magsara. Napahinga ako ng maluwag nang makapasok ako bago magsara. I did it. s**t. Akala ko 'di na ako makakaabot.
Now, I just need to find them.
Nang makatayo ako ay agad nangunot ang noo ko nang mapansin kong walang kahit sinong tao sa lobby? Asan sila? Asan ang mga tao? Aware ba sila sa magaganap na lockdown kaya nagsialisan silang lahat?
I just ignore it at nagkibit-balikat. Kahit pa nababagabag pa rin ako sa sitwasyon ay mas pinili ko ng magsimula sa paglalakad. I don't have time to waste.
Asan na ba sila? Masyadong malaki ang ospital namin kung iisa-isahin ko ang bawat kwarto at palapag.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at paghahanap sa aking mga kaibigan. Sinisigurado ko na nasuri kong mabuti ang bawat sulok ng daan bago pa man ako nagpatuloy.
Pinihit ko ang sedura ng kwarto sa aking kaliwa ngunit tanging bakanteng kama lang ang bumungad sa akin gano'n din sa kabila kaya minabuti ko na lang magpatuloy sa paglalakad. Nakakailang kwarto na akong nadaanan at natinggnan ngunit hindi ko pa rin sila mahanap. Ramdam ko ang pagod pero 'di ako tumitigil sa aking paghahanap sa kanila. Natigilan ako sa aking paglalakad at agad nangunot ako noo nang makakita ako ng bakas ng mga dugo sa puting tiles ng sahig at dahil sa aking kuryosidad ay napagdesisyunan ko itong sundan.
Hindi ako sigurado kung saan ako dadalhin nito. Nagpatuloy lang ako sa pagsunod sa bakas ng dugo hanggang sa makarating ako sa hagdanan malapit sa banyo kung saan natigil ang bakas. Napalingon ako sa kanan ko at kamuntik na akong matumba sa pag-atras nang makita ko sa 'di kalayuan ang hindi mabilang na mga taong na trap sa isang hallway. May harang na nakalagay sa daanan kaya hindi sila makaalis at ang puting sahig na inaapakan nila ay halos 'di na makita dahil sa dugong nagkalat na nanggagaling sa kanila. Agad akong nag-iwas ng tingin.
In any chance, kasama ba sila sa kumpulan ng taong na trap diyan?
"Miss, tulungan mo kami!"
"Maawa ka sa amin!"
Napapikit ako ng mariin nang makita ang kalagayan nila. I wanted to help them but I know that I can't do anything about it. Our ospital is powered with a MCI so called holographic system. Kung saan kontrolado ng mga IT at professionals ang buong security ng building na ito. Sila lang ang maaring makapagsara at bukas ng mga pinto, ilaw at marami pang iba. Kaya wala akong ibang magagawa kundi ang pagmasdan lang sila.
Tumalikod ako mula sa kanila bago malakas na bumuntong hininga. "Don't worry. Everything's gonna be fine. Trust the process. Maliligtas kayo, tayong lahat," Marahang sabi ko bago ako nagsimulang maglakad papalayo sa kanila.
Magbigat man sa aking kalooban na iwan sila ro'n ay wala naman akong ibang choice kundi ang umalis. Maaaring sabihin niyo na madaling sabihin para sa akin na pagkatiwalaan nila ang prosesong walang kasiguraduhan dahil wala ako sa kalagayan nila, pero kahit wala man ako sa kanilang sitwasyon ay nahihirapan din ako na makita silang nahihirapan habang ako itong walang magawa.
Nagkibit balikat na lamang ako at pilit na nagbulag-bulagan sa nakita. After all na sa ospital namin sila. Hindi sila pababayaan nina mom and dad at sa bagay na 'yon ako sigurado.
Nagpatuloy na lamang ako sa aking paglalakad at binalik ang isipan sa dahilan ng aking pagbalik. Alam kong wala sila ro'n. Narinig ko kanina na may bintana raw. Kaya siguradong na isang kwarto sila ngayon. Pero sa laki ng ospital saang kwarto sila pumunta?
Nalunod ako sa malalim na pag-iisip habang iniisip ang maaari nilang kinalalagyan. In the first place, bakit ba kasi sila napunta rito? Alam naman nila ang tungkol sa lockdown 'di ba and knowing their family malamang sa malamang ay nasagap na nila ang balita tungkol dito at pinalipad na sila papaalis sa siyudad.
Napahinto ako sa paglalakad ng may naalala ako. Priam, they are here for him. Agad-agad na akong sumakay sa elevator ng mapagtanto ko na ang lahat at mabilis na pinindot ang ika-lima at huling palapag ng ospital.
Wait for me guys. I'm coming. Just stay still.
∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆