Ayos ka nga lang ba talaga, Marco? Tanong niya sa sarili. Naiiling siya, hindi na niya alam kung ano nangyayari sa kanya. Alam niya sa sarili na dapat galit siya kay Jessica pero may parte ng sarili niya na tumatangi na galit siya.
“Ma-Marco?” Narinig niya ang pagaalangan sa boses ng asawa nang tawagin siya nito ulit. Tumingin siya dito. Hindi niya alam kung ano ang dapat na maramdaman niya. Nakita niya ang takot sa mga mata nito ng titigan niya.
Bumigat ang pakiramdam niya ng maintindihan niyang ito ang epekto niya kay Jessica, takot, iyon ang nararamdaman ng asawa niya sa kanya at walang dapat sisihin kundi ang sarili niya. Siya ang naglagay ng ganung pakiramdam kay Jessica, ang matakot sa kanya.
Hindi ba iyan ang gusto mo? tuya niya sa sarili ang matakot at mahirapan siya sa kabila naman na kasalanan mo ang lahat. Napailing siya, ayaw niya tanggapin na siya ang may kasalan ng lahat. Kasabay ng pagkatitig niya sa asawa ay ang pagdaloy nang alaala kung bakit asa ganitong sitwasyon sila
“Marco” naabutan niya si Mira na nagaantay sa kanya sa may pintuan ng condo niya. Hindi niya alam kung kanina pa ba ito o kadarating lang. Yumakap ito sa kanya pero hindi siya yumakap pabalik “I’m sorry” sabi nito na umiiyak “Hindi ko lang talaga maiwasan na magselos alam ko naman na importante siya sa iyo” sabi nito.
Sa hindi mapaliwanag na dahilan ay bigla siyang nakaramdam ng pagod sa inaarte ni Mira. Marahan niya itong tinulak at tinignan. Pinakiramdaman niya ang sarili at wala siyang makapang saya habang tinitignan ito hindi kagaya dati na pag nagkita niya ay may nararamdaman siyang saya.
“Marco?” Nagtatakang tanong nito sa ginawa niya. Bumuntong hininga siya at ng oras na iyon ay nagdesisyon siya sa isang bagay na alam niyang dati pa niya dapat ginawa “I’m sorry, Mira. But I think we should end this. Pareho na tayong nahihirapan sa nangyayari” aniya.
“Wh-What?” Anito na umatras patalikod at Umiiling na tumingin sa kanya “Hi-Hindi kita maintindihan?” Naguguluhan na sabi nito
Nakita niya na iiyak na ito pero he needs to do it. Hindi naman ito ang unang beses na nakipaghiwalay siya dito pero laging hindi natutuloy dahil sa pagiyak nito. Pero alam niya na sa pagkakataong ito ay dapat tapusin na niya ang lahat.
Hindi siya naging tapat dito at dapat panagutan niya si Jessica hindi fair na pabayaan niya ito. “I’m breaking up with you, Mira” mahinahon na sabi niya dito. “Our relationship is not working anymore” patuloy niya “Hindi ka masaya, hindi ako masaya. Patuloy lang tayo nagaaway. It’s better to end this”
“Anong hindi tayo masaya? Hindi kita maintindihan, Marco.” Patuloy ang pagiling nito “Masaya tayo at mag 2 years na tayong magkasama. Hindi ba at napaguusapan na natin ang pagpapakasal paanong sasabihin mo na hindi tayo masaya?” Balik na tanong nito sa kanya. Tama naman ito minsan na rin nilang napagusapan ang pagpapakasal pero hindi seryosong usapan.
Umiling siya at tumingin dito “I’m so sorry, Mira. Pero it’s my final decision. Let’s break up” tinalikuran na niya ito at nagtangkang pumasok sa loob ng unit niya. Pero napatigil siya ng maramdaman ang suntok sa likuran niya “F@ck you, Marco!” sigaw ni Mira habang patuloy na sinuntok ang likuran niya
“Ang kapal ng mukha mo na hiwalayan ako. Hindi ako papayag na basta iwanan mo na lang. Pagkatapos ng lahat iiwanan mo ako. Nagkakamali ka kung sa tingin mo ay basta na lang akong papayag” patuloy na sigaw nito at walang patid na suntok sa likod niya.
Hinarap niya ito at hinawakan sa mga kamay. “Kahit anong sabihin mo hindi din ako papayag na hindi tayo maghiwalay” sigaw niya dito. “Tapos na tayo kaya tumigil ka na at pakawalan ako. Hindi mo na ko madadaan sa mga iyak at pagwawala mo.” marahan niya itong tinulak “Leave bago ako tumawag ng security para pakaladlad ka” aniya at tinalikuran na ito.
“Si Jessica ba?” Anito na galit na galit “Siya ba ang dahilan?” Napahinto siya sa akmang pagbubukas ng pinto. Nilingon niya ito na nakakunot ang noo “What do you mean?” Naguguluhang tanong niya.
“Nagpunta ka lang sa party kagabi kung saan makikita mo si Jessica tapos ngayon nakikipaghiwalay ka na?” Nanguuyam na sabi nito “Bakit narealize mo na ba na ang katotohanan?” Nakangisi na sabi nito. Lalo siyang naguluhan sa sinasabi nito “Huwag mong idamay si Jessica.” Galit na sabi niya dito.
Tumawa ito at tinitigan siya ng masama “Napakatanga mo, Marco. Akala mo ba na hindi ko nararamdaman na hindi mo ko mahal. Pilit mong kinukumbinsi ang sarili mo na mahal mo ko pero isa kang malaking hangal para lokohin ang sarili mo.” Nanguuyam na sabi nito sa kanya. “Sa pagdedeny ng nararamdaman mo at pagprotekta sa pagkakaibigan niyo ni Jessica hinayaan mo ang sarili mo na saktan siya at tuluyang lumayo sa iyo kasabay ng pagkakasira ng pagkakaibigan ninyo” patuloy na sabi nito sa kanya.
Napapatitig siya rito at isang katotohanan ang gumising sa kanya. Hindi niya mahal si Mira, Oo at nagkagusto siya dito pero gusto lang at hindi pagmamahal. Pinaniwala niya ang sarili niya na mahal ito at na overwhelm siya sa pakiramdam ng ayawan ito ng karamihan at masarap sa pakiramdam ng pinaglalaban niya ito.
Pero ang hindi niya alam ay unti-unting natakpan ang pagmamahal niya kay Jessica ng piliin niyang magpabulag sa naramdaman kay Mira. Tinitigan niya ito “We’re finished Mira. Tapos na tayo and your right. Natauhan na ko kagabi and tama ka napakalaki kong tanga na nagpaloko sa paniniwalang ikaw ang mahal ko pero ngayon alam ko na kung sino talaga ang mayari ng puso ko” galit na sabi niya at pumasok na sa loob ng unit niya.
Napasandal siya sa may pintuan at pinakiramdaman ang sarili niya. Parang may mabigat na pasanin na naalis sa kanya. Narinig pa niya ang patuloy na pagiyak ni Mira sa labas ng pintuan pero binalewala niya iyon at naglakad papasok sa kuwarto niya.
Humiga siya sa kama at tumitig sa kisame. “Jessica” anas niya. Pumikit siya at naalala niya ang mga nangyari kagabi kung paano niya inangkin ito. Napakatanga niya para isipin na mahal niya si Mira, nagpabulag siya sa pinakita nito sa kanya na hindi niya namalayan na unti unting nawawala sa kanya ang mahal niya.
Oo ngayon kaya na niyang aminin sa sarili niya na mahal niya si Jessica. Kung dati ay hindi niya maamin sa sarili niya at iniisip niya na pagmamahal bilang kapatid lang ang tingin niya dito kagaya ng kay Leila pero ngayon kaya na niyang aminin na mahal nga niya ang kababata at isang malaking kasalanan ang ginawa niyang pagiwan dito at pakikipagrelasyon kay Mira.