Chapter 15

1262 Words
Nakatayo siya at hawak ang tray na may kape habang pinapanuod ang asawa niya at si Leila na naguusap. Nasaksihan pa niya ang pagyayakapan ng dalawa. Hindi niya alam kung ano ang dapat gawin, naninikip ang dibdib niya at nararamdaman niya ang namumuong luha sa mga mata. Nakita niyang humalik si Leira sa pisngi ni Marco at umalis na. Bumuntung hininga siya at naglakad na palapit sa asawa pero napahinto siya ng makitang tumingala ito at “Mira” rinig niyang usal nito. Tuluyan ng tumulo ang luha niya at umikot siya pabalik sa kusina. Nilapag niya ang tray sa may counter at pinikit ang mata. Tama na luha, tama na bulong niya sa sarili. Napahawak siya sa dibdib ng maramdaman ang paninikip niyon dahil sa pilit niyang pagpipigil sa pagiyak. Hangang kailan ka magtitiis tanong niya sa sarili. Kung sana pinili mo na lang ang tama ng araw na iyon ay hindi ka makakaranas nang ganitong paghihirap. Kung sana pinili mong maging matatag at humindi ka sana wala ka sa ganitong sitwasyon. Sana puro sana. Pero ano pa nga ba ang magagawa ng puro sana niya. Naalala pa niya ng magising siya kinabukasan pagkatapos ng gabing may nangyari sa kanila. “Nagising siya at narealize niya na magisa na lang siya sa kama. Nalungkot siya nang hindi na magisnan sa tabi niya si Marco. Ibig sabihin lasing lang ito at hindi ginusto ang nangyari sa pagitan nila. Napakatanga mo Jessica sisi niya sa sarili. Ikaw ang nasa matinong pagiisip dapat tumutol ka pero paano siya tututol kung gusto din niya ang nangyari. Gusto din niya ang mga haplos nito ang mga halik. Naisip niya na baka gusto na rin siya nito. Pero mali pa rin pala ang iniisip niya dahil hindi man lang ito nagintay na magising siya bago umalis. Para itong magnanakaw na basta na lang umalis ng makuha ang gusto. Natawa siya sa naisip niya, wala naman ninakaw si Marco sa kanya kusa niya binigay ang sarili niya.” “Jessica” tawag na nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. “Ano yon, Marco?” aniya sa nanginginig na tinig at nagsimulang magpunas sa counter. Pilit niyang kinakalma ang sarili at nilingon ito sa kabila ng sakit na nararamdaman. Nakatitig lang ito sa kanya na tila nagiisip “May kailangan ka pa ba? Gusto mo ng kape? Si Leila? Ilalabas ko tong kape sa garden” aniya na pilit pinapasaya ang boses “Iintayin kita sa kuwarto” sabi nito at umalis na. Sinundan niya ito ng tingin, napabuntong hininga na lang siya. Kaya pa ba Jessica? Tanong niya sa sarili. Ano laban pa ba? Hindi na niya alam kung ano ba ang dapat niya gawin talaga. Pagkapasok ni Marco sa kuwarto ay dumeretso na siya ng banyo para maligo. Pumailalim siya sa shower at kasabay ng pagagos ng tubig ay ang pagbalik niya sa nakaraan na siyang naging dahilan ng kasalukuyang sitwasyon nila ni Jessica. “Pagkapasok nila sa guest room at nang masara ang pinto. Sinandal niya si Jessica sa may pinto at saka hinalikan. Naramdaman pa niya ang pagkagulat nito at tangkang pagtulak sa kanya pero hindi din nagtagal ay tumugon ito sa mga halik niya na siyang lalong nagpainit sa kanya at nangahas na siyang hawakan ito sa may dibdib na ikinasinghap nito. Lalong lumakas ang loob niya at bumaba ang halik niya sa may leeg nito. “Marco” tawag nito sa kanya pero hindi na niya ito binigyan ng tsansa na tumutol at hinalikan ulit. Hinapit niya ito sa bewang at nagumpisa nang maglakad papunta sa kama. Nang makarating sa gilid ng kama ay hininto niya ang paghalik dito at tinitigan ito sa mga mata. Hinahanap niya ang pagtutol sa mga mata nito sa balak niyang gawin pero hindi niya nakita iyon sa halip ay nakita niya ang pagsangayon nito sa nangyayari sa pagitan nila. Pinatalikod niya ito at binuksan ang zipper ng suot nitong gown. Pagkatapos ay hinarap niya ito sa kanya at sinimulang hubarin ng tuluyan ang damit nito. Nakaharap ito sa kanya na ang tanging suot na lamang ay ang itim nitong panloob. Naramdaman niya ang paninigas ng pagka****ki niya at alam niya sa sarili na walang makakapigil sa kanya na angkinin ang kababata. “Marco” anito “Mali ito” sabi nito sa mahinang boses at sinubukan pa siyang itulak. “Walang mali dito kung pareho nating gusto” aniya at tumingin sa mga mata nito “Hindi mo ba gusto?” Tanong niya. Nakatitig lang ito sa kanya at sa mahinang tinig ay tumugon ito “Gusto” iyon lang ang hinihintay niya. Hinalikan niya ulit ito at tinangal ang bra na suot nito. “Ma-marco”. sabi ni Jess ng dahan dahan niya itong hiniga sa kama at saka siya tumayo para maghubad. Nakatitig siya kay Jess sa buong durasyon ng paghuhubad niya na nakita pa niyang napakagat sa labi ng tuluyang mahubad niya ang pantalon at ang tanging naiwan ay ang suot niyang boxers. Pumatong siya dito at hinalikang muli, kumapit ang mga braso ni Jessica sa may batok niya ng hawakan niya ang isang dibdib nito at pisilin. Bumaba ang halik niya sa may leeg nito pababa sa may dibdib. Hindi niya pinalagpas ang pagkakataon na matikman ang malulusog nitong dibdib. Bumaba ang halik niya patungo kung saan alam niyang tuluyang magpapabago ng relasyon nilang dalawa. Huminto siya para titigang muli ang mukha ni Jess gusto niya makita kung sa huling pagkakataon ay mayroon itong pagtutol pero kagaya kanina ay wala siyang nakita bagkus ay ang nakita niya ay ang kahandaan nito sa magaganap sa pagitan nila. Hinubad niya ang kahuli hulihang saplot na nakapagitan sa kanila at nakita niya ang kahandaan nito para sa kanya. Bumaba ang mukha niya sa pagitan ng mga hita nito at doon ay sinimulan niyang iparamdam dito kung paano maging maganap na babae. Napasabunot si Jessica sa buhok niya ng marating nito ang sukdulan. Pumantay siya dito at pinaghiwalay ang mga hita. Dahan dahan niyang pinasok ang nakasarang pagka****e nito. Ramdam niya ang sikip at narinig niyang napasinghap si Jess at naluha ang mga mata. Hinalikan niya ito para mapawi ang naramdamang sakit. Nang tumugon ito ay nagumpisa siyang maglabas masok ng dahan dahan pero di kalaunan ay bumilis ang bawat galaw niya at humigpit ang yakap nito sa likod niya na senyales na nilabasan ito kasabay ng ungol nito na lalong nagpainit sa kanya. Hindi nagtagal ay nilabasan din siya at hindi siya nagtangkang ilabas kundi idiniin niya ang sarili lalo dito at hinayaang sa loob nito labasan. Hindi lang isang beses niya inangkin si Jessica ng magdamag na iyon. Hindi siya nakuntento sa isa lang, ilang beses pa niya nilasap ang sarap na dulot ng pagiisa ng katawan nila. Pero ng dumating ang umaga at nang mawala na ang init na naramdaman ay natauhan siya sa ginawa. Nakaramdam siya ng pagsisi na pinakialaman niya ang kaibigan at nagtaksil siya kay Mira. Kaya bago magising si Jess ay dali dali siyang nagbihis at nilisan ang kuwarto na iyon na naging saksi sa naging pagniniig nila. “Marco” katok at tawag sa pinto ng banyo ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. Pinatay niya ang shower at inabot ang tuwalya. Nagpunas siya at tinapis sa may bewang ang tuwalya. Pagkabukas ng pinto ay napagbuksan niya ang asawa na akmang kakatok ulit. “Ayos ka lang ba?” Tanong nito “Kanina pa ko kumakatok pero hindi ka nasagot” Tumango siya at tinitigan ang asawa. Bakit nga ba sinisi niya ito sa kasalanang hindi naman nito ginawa?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD