Chapter 4

775 Words
Hindi din maintindihan ni Marco ang sarili alam niya sa sarili niya na galit siya kay Jessica pero may mga araw na naawa din siya. Saka isa pang ikinaiinis niya ay gusto niya ang lasa ng mga niluluto nito. Tanda pa niya yong araw na una niyang natikman ang nilutong pagkain ng asawa. Kinabukasaan iyon ng ika isang taong anibersaryo ng kasal nila. Lasing na lasing siya nong araw na iyon at kinabukasan na niya nakain ang mga hinanda nito “Jessica, Jessica” sigaw niya habang bumaba ng hagdan “Marco” nakita niya si Jessica na nagmamadaling umakyat at napahinto ng makita siya “Bakit?” Takot na tanong nito “Nagugutum ako anong pagkain?” “May niluto akong kare-kare saka calderera. Pero kagabi pa iyon. Tama na ba iyon o magluto ako ng bago?” Deretso siyang bumaba at pumuntang kusina nakasunod ito sa kanya. Umupo siya sa may lamesa at tumingin dito “Ipagtimpla mo ko ng kape.” Utos niya dito. Tumango ito at nagmamadali na papunta kusina. “Ihain mo na yung kare-kare at caldereta” aniya “Oo, sandali lang iinitin ko” sagot nito at pumasok na sa loob. Mayamaya ay lumabas ito na dala ang kape “Tikman mo kung tama na yong timpla” sabay abot sa kanya. Tinikman niya at sakto lang ang lasa. Tumango siya at muli itong bumalik sa kusina. Mayamaya ay naghain na ito at inasikaso na ang paglalagay ng pagkain sa pingan ko. Nagumpisa akong kumain at nagulat ako na masarap ang pagkakaluto. Napansin niya na bumalik si Jessica sa kusina nang magumpisa na siyang kumain. Nainis siya na magisa lang siya na nasa dining area “Jessica!” Sigaw niya ulit. Nakita niya na lumabas ito galing kusina na nagpupunas pa ng kamay “Marco?” Tanong nito. Sumandal siya sa upuan at tinitigan ito. Maganda naman ito at pati ang katawan. Pero nagagalit talaga siya kada naalala niya si Mira. “Simula ngayon ikaw na ang magaasikaso ng pagkain ko. From breakfast to dinner, kahit na miryenda, ok?” Tanong niya dito. Tumango ito “Ok”. “And everytime na kakain ako dapat andito ka sa dining sa may likuran ko, nagkakaintindhan ba tayo?” Nakita niya ang sakit na dumaan sa mga mata pero tumango lang ulit ito. Simula nuon ay ito na ang nagasikaso ng pagkain niya may baon pa siyang lunch na kung anung gusto niya kainin ay niluluto nito. Pinakuha din niya si Manang Agnes mula sa bahay ng mga magulang dahil may insidente na umuwi siya na wala ito sa bahay at naggrocery pala. Galit na galit siya na nagintay sa pagdating nito pero ng bumungad ito sa kanya na pawis na pawis habang bitbit ang mga pinamili nawala ang galit sa kanya at naawa siya sa nakitang itsura nito. Pero bumalik ang galit niya ng makitang nakashorts lang itong namili at sa inis niya ay nauwi na naman sa pagpaparusa niya rito. Nang minsan naman ay natagalan itong mamili kasama ni Manang Agnes ay ipinagbawal na niya ang paglabas nito na hindi siya kasama lalo na at ng inihatid ang mga ito ng kaibigan niyang si Larry dahil nakita silang nagaabang ng taxi. Nagdagdag pa siya ng dalawang katulong, driver at security guard sa bahay. At mahigpit na kabilin bilinan niyang hindi itong pedeng lumabas ng bahay na hindi siya kasama. Kaya ng tumawag itong nagpapaalam na lalabas ay hindi siya pumayag at napagsabihan pa niya si Manang Agnes na huwag na huwag tong palalabasin. Katok sa may pinto ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan “Come In” Pumasok ang assistant niyang si Ben “Sir, andito na po si Ms. Reyes” “Ok. Let her come in” tumango ito at lumabas na. Di nagtagal ay pumasok na rin ang isang babae na nakasuot ng pulang bestida na hapit na hapit dito. “Good afternoon, Mr Alvarez” bati nito “Good afternoon” bating balik niya “Have a seat” at itinuro niya ang upuan sa harap ng lamesa niya. Umupo ito at nagumpisa na ang meeting nila. Nang matapos ay napansin niyang mag ala-singko na rin pala. Tumayo siya at inabot ang kamay dito para makipag kamay inabot nito ang kamay niya at naramdaman niya ang pagpisil nito sa palad niya. Napatingin siya dito at nakita niya na nakangiti ito sa kanya na tipong nang aakit. “Shall we have dinner?” Malanding sabi nito binawi niya ang kamay at umupo ulit sa may swivel chair niya at tinitigan itong maigi. “Sure” sabi niya at tumayo na at niyaya itong lumabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD