Chapter 3

717 Words
Pumasok na siya sa loob ng mawala sa paningin niya ang sasakyan ni Marco. Sinalubong sya ni Manang Agnes na alalang alala “Iha” tawag nito at niyakap siya “Pasensya ka na. Pinakialaman ko ang pagkain ng asawa mo” hingi ng paumanhin nito sa kanya. “Wala po kayong dapat ihingi ng despensa” pag alo niya dito “Alam niyo naman po laging mainitin ang ulo nun ni Marco” “Nagtataka talaga ko diyan sa asawa mo.” Iiling na sabi nito. “Galit sa iyo pero luto mo lang ang kinakain at alam na alam niya pag hindi ikaw ang nagluto” sabi nito “Hayaan na po natin iyon” nangingiti na sabi niya kung meron man siyang pangpalubag ng loob ay tama nga si Manang. Luto lang niya ang kinakain ni Marco. Tandang tanda pa niya ang araw na iyon. Ika isang taon nila ng maghanda siya at umuwing lasing na lasing si Marco na panay sigaw. As usual nauwi na naman sa pananakit ang araw na iyon at nakatulog ito. Nang kinaumagahan ay nagsabi itong nagugutom at ininit niya ang mga pagkain na niluto niya ng nakaraang gabi. Simula ng araw na iyon ay siya na ang naghahanda nang pagkain nito mula almusal hangang hapunan. Gabihin man ito ng uwi ay hindi pede na hindi ito kakain ng niluto niya. Pati lunch ay nagbabaon ito at nagrerequest pa ng ulam kahit na pagalit ang paraan ng pagkakasabi nito. Nangiti siya at nagisip ng ihahanda para sa hapunan. Hindi ito nagsabi ng gustong kainin kadalasan ay nagsasabi ito ng hapunan na gusto pero pag ganito na hindi ito nagbilin ay siya na lang ang nagiisip ng pagkaing iluluto na sa tingin niya ay magugustuhan nito. “Manang, meron ho ba tayong mushroom saka asparagus?” Tanong niya “Naku, wala Jes” Anito “May mga beef pa po ba?” “Meron ung nakaslice na” “Kailangan kong mag grocery” balak niyang magsteak “Iha, alam mo namang hindi ka pede lumabas at sigurado magwawala na naman ang asawa mo” anito. Natatandaan pa niya ang araw na iyon na lumabas siya para mag grocery napaaga ito ng uwi at ng hindi siya datnan sa bahay ay puro sirang gamit ang inabutan niya at ang galit nito. Halos tatlong araw siyang hindi makalakad dahil sa parusang inabot niya dito. Simula noon ay hindi na siya nakabas ng bahay. Nakakalabas lang siya pag kasama ito at kadalasan pa noon ay kung sa mga magulang niya o nito ang punta nila. Hindi na siya nakalabas kahit pumunta sa mall dahil ayaw nito. “Kung magpaalam ako” nagaalinlangan na sabi niya “Ikaw pero alam mo naman iyon” nagaalangan sabi nito. Tumango tango siya at sinubukang tawagan si Marco. Nagriring lang ang phone at hindi nito sinasagot. Ibinaba na niya at nagdecide na maguutos na lang. Nagulat siya sa pagring ng phone niya at nakita niyang si Marco ang natawag. “Bakit?” Galit na tanong nito ng sagutin niya ang cellphone “Magpapaalam sana ako na lalabas para maggrocery” natatakot na tanong niya “Grocery? Bakit hindi mo iutos kila Manang at ikaw pa ang lalabas” “Kase lulutuan kita ng steak mamaya baka hindi tama ung..” “Hindi ka pede lumabas. Asan si Manang?” Galit na sabi nito Naiiling na lang siya at inabot kay Manang ang cellphone “Oo iho naiintindihan ko” tumatango tango pa na sabi nito “Iha kakausapin ka daw ulit” at binalik ang cellphone sa kanya “Hello” “Huwag na huwag kang lalabas” galit na sabi nito at pinatayan na siya ng cellphone “Iha, uutusan ko na lang si Linda. Ibillin mo na lang kung ano kailangan bilin” naiiling na sabi nito. “Hindi ko talaga maintindihan yang asawa mo.” “Pasensya na po, Manang” hingi niya ng pasensya dito “Linda” tawag nito sa isang kasambahay. Mayamaya ay lumabas na ito “Magpunta ka ng grocery at bilhin ang ililista ng Mam Jess mo at sinasapian na naman si Sir Marco” naiiling na sabi nito at pumunta na sa kusina. Napabuntong hininga na lang siya at sumunod na lang din dito sa may kusina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD