NAGULAT si Everlee nang hindi sila bumaba sa kotse. Diretso lang na pumasok ang sinasakyan nila papunta sa paliparan. "Stay. Don't panic, ako ang kasama mo," sambit ni Pace nang mapansin ang kanya sanang pag-alma. Napaupo ng maayos si Everlee. Hinayaan na lang si Pace sa plano nito. Huminto ang kotse na sinasakyan nila sa tapat ng isang hindi naman kalakihan na eroplano. "Private plane ba 'to?" Usal ni Everlee sa isip. Napatigil siya sa pagmumuni- muni nang bumukas ang pinto na nasa kanyang tabi. Nakalabas na pala sa kotse si Pace, 'to nga at pinagbuksan siya ng pinto. "Get out of the car..." mahina pero may diing sabi ni Pace. Napipilitan na lumabas ng kotse si Everlee. "Good morning, sir and ma'am," bati sa kanilang dalawa ng stewardess na sumalubong sa kanila. Kakaiba ang ngiti

