"IYAN na naman..." pa-landing na ang eroplano sa paliparan at mariing napapikit ng kanyang mata si Everlee. "Diyos ko! Mama ko!" Mga nasambit niya habang nakapikit ang mga mata. Napamulagat si Everlee nang may humawak sa kanyang kaliwang kamay. Natitigilan na napatingin siya kay Pace na mariin ding nakapikit at nakatayo sa kanyang tabi. Biglang tumigil ang inog ng kanyang mundo na tila napako ang kanyang mga mata sa asawa. Sobrang bumilis ang pintig ng kanyang puso, parang tambol ang tunog nito. Natutop ni Everlee ang kanyang bibig at pilit ikinurap- kurap ang kanyang mga mata. Pagkatapos ay napahawak sa kanyang dibdib. Isang mahinang pitik sa ilong ang nagbalik sa ulirat ni Everlee. Napatingin siya kay Pace, na may malapad na ngiti sa labi. "You're spaced out. Kanina pa tayo naka-la

