AS Pace promised to Everlee, nasa kusina ang binata ng suite nila. Suot nito ang isang apron— pero wala siyang damit sa loob. Nakasalumbaba si Everlee habang pinapanood ang kanyang asawa na abala sa harap ng kalan. Hindi niya matukoy kung ano ang niluluto nito, at kahit na gusto niyang tumulong, ayaw na ayaw ni Pace na nakikialam siya. Hindi siya makapaniwala. Si Pace Pascal Raven, na noon ay hindi niya naisip na magluluto para sa kanya. "Tapos na po ba?" tanong niya, halatang walang ganang magsalita. Napalingon si Pace sa kanya, ang ngiti nito’y abot hanggang tenga, kasing tamis ng asukal. "Mga ilang minuto na lang. Gutom na gutom ka na ba, misis ko?" tanong nito, ang boses puno ng lambing. Nanindig ang balahibo ni Everlee sa narinig. Mula sa tawag na hon hanggang sa misis ko— ano pa

