"GOOD morning po, inay." Masayang bati ni Gita sa ina. Kasalukuyan silang nasa kusina. Naghahanda si Nita ng almusal para sa pamilya at sa kanilang mga katulong. "Umupo ka na, Gita. Nakapagluto na ako ng almusal natin," utos ni Nita saka muling napaharap sa kalan. Napalinga si Gita. "Si Everlee po?" tanong niya at umupo na. Napatigil ang ina at napaharap sa kanya. "Hindi ko alam. Baka nasa kuwarto pa niya." Nakapamewang si Gita habang kumakain ng agahan sa harap ng lamesa. Pinutol niya nang madiin ang itlog gamit ang tinidor at sabay taas ng kilay. "Palaging mas maagang nagigising si Everlee sa akin tuwing umaga. Himala! 'Di pa siya lumalabas ng kuwarto niya." "Hayaan mo na si Everlee. Baka napagod 'yon. Alam mong kaarawan niya kahapon," saway ni Nita, abala sa paghahanda ng almusal s

