ABALA si Emily sa pagwawalis sa bakuran nang mamataan ang dalawang pamilyar na pigura na papalapit sa kanya. Nabitawan niya ang hawak na walis tingting. "Madam, sir? Anong ginagawa n'yo po r'to?" Nagtatakang tanong ni Emily. "Magandang umaga, Emily," may ngiting bati sa labi ni Chloe sa dating kasambahay at tiyahin ni Everlee. "M-Magandang umaga po." Naguguluhang bati rin ni Emily na yumukod ng kaunti bilang paggalang. Umagang- umaga ay napatungo ang mag-asawang Raven sa kanila. "Puwede ba kaming pumasok sa loob nh bahay n'yo, Emily?" Untag ni Alejandro. Napaangat ng tingin si Emily sa among lalaki saka marahang tumango. "S-Sige po. Pasok po kayo," sagot niya na ipinunas ang mga kamay sa kanyang damit at itinuro ang pintuan. Pumasok ang mag-asawa sa loob ng bahay nina Emily. Napaling

