"I want to know, bakit ka magpapakasal sa kapatid ko, Everlee?! Do you like Kuya Pace? Sabihin mo!" Bulyaw na mga tanong ni Powell. Hawak niya ang braso ng dalaga at pilit pinapaamin. "Wala naman po akong isasagot sa inyo dahil 'di ko kailangan na sabihin sa inyo ang lahat! Tsaka, bakit ba kayo nagagalit kung magpapakasal man ako sa kapatid n'yo?" Lumaban ng titigan si Everlee sa amo. Mata sa mata pero hindi rin niya matagalan ang mga tingin ni Powell sa kanya. Kaya binawi rin bigla ang tingin. "Parang ang bilis- bilis ng pangyayari sa inyo. Nagtataka lang ako, kauuwi lang niya dito sa Pilipinas from New York. Pagkatapos, ilang linggo lang ikakasal na kayo agad- agad. Gusto mo palang mapabilang sa pamilya namin. Bakit 'di ka na lang sa akin magpakasal? Bakit kay Kuya Pace pa?" Dahan- dah

