PAGKABALIK nila sa mansyon ay nagkulong na si Everlee sa kuwarto niya. Wala rung nagawa si Nita kung hindi ang hayaan ang dalaga. Batid niyang hindi sang-ayon si Everlee sa kasal na magaganap. "Inay, bakit ba 'di mo tinatawag si Everlee? Ang dami- daming trabaho, oh. Siya nasa kuwarto lang pagkatapos tayong dal'wa ang nagpapakahirap sa pagtatrabaho." Halos padabog na sabi ni Gita. "Hayaan mo na. Nagparamdam 'ying tao. Alam mo naman ang nangyari, di ba?" "Kahit na po. 'Di pa rin po tama ang ginagawa niya. Nagtatrabaho pa rin siya dito sa mansyon." Tila may ibig ipahiwatig si Gita sa kanyang sinabi. Katulong pa rin si Everlee ng mga Raven kahit na ikakasal ito sa panganay na anak ng kanilang amo. Walang magbabago kung saan ito nagmula. "Fiancee na siya ni Sir Pace, Gita. Iyon ang katotoh

