ISA- ISANG ipinapasok ang mga gamit ni Everlee sa loob ng kuwarto ni Pace. Habang ang binata ay nakatayo at pinapanood ang pagbitbit ni Everlee ng maleta nito. "Ang bagal mo naman. Bilisan mo nga!" Iritadong bulyaw ni Pace. Napatayo ng tuwid si Everlee at ibinagsak ang maleta niya. "Ikaw kaya ang magbuhat. Nanood ka lang naman sa ginagawa ko tapos ikaw pa ang nagrereklamo..." Napatiim si Pace at hinaklit sa braso ang dalaga. "Huwag na huwag mo akong sasagot- sagutin. Tandaan mo, ikakasal lang ako sa'yo. Pero mananatili ka pa ring katulong!" Binitawan niya ang braso ni Everlee. Tumarak sa puso ng dalaga ang salitang 'yon ni Pace. Alam niya ang lugar niya sa buhay ng lalaking pakakasalan. Kahit kailan hindi nito matutunan na mahalin ang kagaya niya, isang katulong o alila lang. "PACE, a

