Simula
Binibilisan kong maglakad at halos tumakbo na dahil sa kita kong malalate na ako papuntang airport. Huminto ako sa sakayan ng bus pero punuan lahat kaya. Wala din akong mahanap na taxi kaya naglakad ulit ako at baka makakita ng taxing walang laman sa daan. Napapahilamos ako ng mukha ng makita kong walang mga taxing dumadaan dito, hindi nagtagal nakatanggap ako ng tawag mula sa aking kaibigan.
"Jenny, where are you? Are you already at the airport? " Glorina said.
"I'm on my way," saad ko at exactly namang may dumating na taxi kaya pinara ko agad ito.
"Sigurado ka ha, naku girl sinasabi ko sayo sasabunin ka ng babaeng yun kapag. Ayaw na ayaw nun ng nalalate kaya umayos ka," banta pa ng gaga. Anong magagawa ko at nalate nga akong gumising sabi ko sa aking isip at di na sinabi sa kanya dahil hahaba na naman ang usapang ito. Ayoko ng makarinig ng sermon na naman at baka ma stress lang ako.
"Oo na...kaya stop ka na diyan will you?" I said at nagpaalam na agad bago pinatay.
"Bakit ba ang sungit ng malditang yun, umagang umaga haiiissssttt," anas ko at biglang sinabunutan ang aking ulo sa inis.
"Hija may problema ka ba?" Tanong ng taxi driver dahil nakita niya ang aking hitsurang ganito. Napaayos tuloy ako ng upo at biglang ayos ng aking buhok bago sumagot.
"Naku, wala po Kuya...Masakit lang talaga ang ulo ko," nakangiwi kong sagot.
"Akala ko kung napapano ka na," nakangiting sabi niya. Ngumiti na lang ako at hindi na sumagot para hindi na humaba pa ang aming usapan. Inaantok pa ako at ilang oras lang ang aking itinulog. "Kung hindi lang importante ang babaeng yun naku, nungka kang manunundo ako," bulong ko.
"Kuya pwede po bang gisingin niyo na lang po ako mamaya pagka dating natin doon at idlip ko lang po saglit," malawak ang ngiting pahayag ko.
"Sige ineng total medyo traffic naman," sagot naman ni Kuyang driver. Nag message ako sa impakta kong kaibigan na malapit na ako doon kaya huwag na siyang message pa ng message.
Pinikit ko ang aking mga mata at wala pang ilang minuto nakatulog na ako. Hindi ko talaga kaya, kahit saglit lang makatulog ako at talagang masusungitan ko lahat ng mga mararaanan ko kapag. Ginising ako ni Kuyang driver pagdating namin ng airport hinatid niya mismo ako sa malapit sa arrival area.
"Ineng dito ka na, ihahatid sana kita sa mismong harapan pero mukhang may importanteng tao na darating sa daming mga tao na nakaabang. Sa tingin ko bawal na ring mag hatid doon at maraming mga security. Ingat ka neng at maraming tao kaylangan mo pang ingatan ang dala mong mga bag." Mahabang paliwanag ni Kuya. Dinagdagan ko na lang ang aking pamasahe dahil mabait naman siya at mapagkakatiwalaang driver. Medyo bangag pa ako ng ako'y palabas ng taxi, hindi ko nga naintindihan ang ibang mga sinabi ni kuya basta nagpasalamat na lang ako bago bumaba.
Pagbaba ko ng taxi nakita kong tumatawag na naman si Glorina, sinagot ko naman at nagsimula ng lumakad. Naiirita nga ako sa mga taong nagsisiksikan. Ano bang meron at akala mo naman darating ang presidente dito? Naka busangot kong sabi sa aking sarili.
"Yes, friendship...nandito na ako kaya huwag ka ng mag alala diyan," inunahan ko na at baka kung ano na naman ang sasabihin.
"Ok kung ganon. Puntahan mo na sa arrival area sa terminal 3, alam mo naman na diba at pakibilisan mo dahil mag three oclock na ng hapon. Baka lumapag na ang sasakyan nila kasi kung minsan naman mas maaga sa time na talagang uwian niya," sunod sunod na sabi ng gaga.
"Oo na Nay sige na at puntahan ko na...dami mo pang sinasabi diyan," ani ko na nakabusangot na.
"Naku Jenny, umayos ka diyan sinasabi ko sayo..." Glorina said.
"Oo na oo na sige na bye," sagot ko at pinatay na ang tawag. Nawala tuloy ang antok ko sa babaeng yun. Naglalakad ako at ng makita kong hindi ako makadaan ng maayos, kaya nakipagsiksikan ako sa mga taong nandito.
Kaylangan ko nang makarating doon at baka nandiyan na nga siya sabi ko sa aking isipan at nag excuse na ako sa mga tao pero ng nasa kalagitnaan na ako bigla silang nagsitayuan at nagsigawan. Napamura ako ng halos itulak na ako magkabilaan dahil sa kamamadali nilang tumakbo. Nagsisiksikan sila at hiyawan, samo't sari ang mga naririnig ko na kesyo gwapo daw, hot at nasa kanya na raw ang lahat. Nilagay ko ang aking cellphone sa loob ng aking shoulder bag at hinawakan to ng mahigpit bago buwelo. Nagsimula na akong lumakad, wlaa na akong pakialam kung may maitulak man ako or what hanggang sa ng malapit na ako sa harapan lalo akong nakarinig ng mga sigawan at siksikan hanggang sa maitulak ako paharap.
Tumilapon ako sa harapan, nabuwag ang pagkakapit ng mga bantay dahil sa lakas ng pagkatulak sa akin, napapikit ako at ini expect kong mag lalanding na ang aking mukha sa may sahig. Good bye magandang kutis, kayo na ang bahala sa akin Lord sabi ko sa aking isipan at naghintay ng pagkatumba pero imbes na sa matigas na bagay ako masusubsob naramdaman kong lumanding ang aking bibig sa isang malambot na bagay pero hindi ako natinag bagkos pumikit pa ako lalo at sumiksik sa isang bagay na nakadagan sa akin. Hanggang sa makarinig ako ng tinig kaya napamulat ako.
"Sir sir are you ok," rinig kong boses kaya napamulat ako at nanlaki ang aking mata ng makitang ang malambot na dumikit sa akin pala'y isang labi. Napalunok ako at napaawang ng mapatingin ako sa kanyang mukha'y makita ko si Nimer na nakatunghay sa akin na nakakunot ang noo.
"Are you done staring? Baka gusto mong tumira na lang sa itlog ko dahil kanina mo pa hinahawakan," sarcastic niyang sabi kaya napatingin ako sa aking kamay at napabitaw ng di oras dahil nakahawak nga ang kamay ko sa kanyang ari. Akala ko pa naman kung ano yung matigas na bagay na yun, akala ko naman pwedeng kapitan s**t s**t shit..this is really embarrassing.
Bumitaw ako sa kanya at tumayo agad ng di oras. Pinagpag ko ang aking sarili at kinuha ang aking bag, halos mangamatis ang aking mukha sa kahihiyan. Hindi ko alam ang aking gagawin kaya ng makita kong inaasikaso nila ang kanilang boss, tatakbo na sana ako ng biglang hilahin ni Nimer ang aking bag kaya napahinto ako at napatingin sa kanya.
"Not so fast....hhhmmm," baritonong saad niya.
"Ask our men to turn off all the online site here and let me cover." Iritang narinig ko pang sabi niya sa kanyang mga tauhan.
"Don't worry Sir parating na rin ang iba nating kasamahan," pahayag naman ng kanyang tauhan na isa at hindi nga nagtagal dumating ang mga sangkatutak niyang tauhan.
"Pwede bang bitawan mo ang bag ko at baka masira na. Hindi ko naman sinadya yun," bulong ko sa kanya ng ako'y lumapit.
"And why should I believed you on that? " sagot na naman ng hudyo. Sasagot pa sana ako ng biglang may tumatawag sa akin kaya kinuha ko ang aking phone at nanlaki ang aking mata ng makita kong tumatawag sa aking messenger tong si Jayjey. Nataranta ako at biglang hinila ang aking bag at buwelo ng takbo kaya hindi ako nahawakan ni Nimer pero nahawakan naman ako ng isang tauhan niya kaya pinukol ko siya ng masamang tingin.
"Jenny nasaan ka na bang impakta ka," sigaw ng aking kaibigan na halos matulig na ang aking tenga sa lakas ng boses.
"Ang lakas ng boses mo, nandiyan na nga.." sagot ko.
"Wait Jen, OMG don't tell me ikaw tong nakikita ko. Humarap ka sa kanan mo," rinig kong sabi niya kaya tumingin ako harapan pero wala akong makita sa dami ng taong nandito. Hanggang sa sumigaw siya kaya napatingin ako sa harapan at nanlaki ang aking mata ng makita ko siya.