I tried myself to free from the grip of his men but I can't. Nakarinig ako ng mura pero hindi ko naman narinig kung ano yun, binitawan ng kanyang tauhan ang aking kamay kaya ang alam ko ok na. Aalis na sana ako ng bigla na namang hawakan ang aking bag. Sasapakin ko na sana ang kanyang tauhan ng mahawakan niya ang aking kamay at pinaharap sa kanya.
"Shit...shit...shit...ano bang problema mong impakto ka ha at ayaw mo akong bitawan? pahayag ko dahil nakita ko ang mga taong nagtitinginan sa amin at naghihiyawan. Hinihila niya na ako papunta sa kanya kaya nataranta ako at hindi alam ang gagawin, hindi kami pwedeng magkita at mag usap pa.
"Jayjey, help please"...sigaw ko. Biglang may tumamang sapatos sa mukha ng isa niyang kasamahan kaya nagkagulo ang kanyang mga tauhan. Doon naman bumwelo ang aking kaibigan, siya pala ang nagtapon ng sneakers dahil iisa ang sapatos na nakarating sa amin. Natatawa ako sa technique na kanyang ginawa, mukhang may natutunan sa kanyang mala yelong kasintahan dati.
"Tang ina mong lalaki ka, hanggang ngayon ba naman ayaw mo pa ring tantanan ang aking kaibigan," sigaw niya at pinagpapalo si Nimer. Hindi ako nakahuma sa kanyang ginawa, naging eskandalosa na rin ata ang babaeng to.
"Stop...stop...stop it," sigaw din ng isa na ilag ng ilag sa mga palo ni Jayjey. Kinuha ko ang aking sumbrero at sinuot to, ayokong may maka kuha ng picture sa aking mukha at baka maging headline pa ako. Alam ko namang gagawan ni Nimer ng paraan to pero mas maigi ng ready ako kapag. Hinila siya ng isang guard ni Nimer at tinutukan ng baril pero inawat siya nito.
"Put the gun down, stop all of you"...Nimer said.
"Pero Sir....he's treating you badly at baka kung sino-" bigla siyang sinapok ni Nimer at binulungan. Nakatingin lang kami sa kanila ng biglang baba lahat ng mga baril at humingi pa paumanhin. Nagtataka kaming nakatingin dahil sa mga inaasta nila. Napangiwi pa ako ng biglang yumuko ang tumutok ng baril sa kanya at humihingi ng tawad.
"No, its ok...Alam ko namang trabaho ninyo na protektahan ang inyong amo...kasalanan ko din naman dahil bigla bigla na lang akong sumusulpot," naka ngiwing pinapatayo ang tauhan niya dahil lumuluhod naman na sa amin.
"Hindi pa tayo tapos gago ka. Makita pa kitang hinaharass ang aking kaibigan makita mo," masamang tingin ang pinukol niya kay Nimer pagharap niya dito. Binaba ko ang aking sumbrero para hindi magtagpo ang aming paningin.
"Ma'am ang kaibigan naman po ninyo ang may kasalanan dahil po-" hindi niya naituloy ang kanyang sasabihin dahil sinabihan siya ni Nimer na huwag ng magsalita. Tumaas lang ang kilay ng aking kaibigan sa narinig at walang pakealam na kinuha ang aking kamay at nag martsang umalis na.
" Tumabi kayo at dadaan kami," sabi niya na nakataas ang kilay. Akala mo naman reyna ang gaga sabi ko sa aking isipan pero mas ok na ang ganyan kesa naman sa maiwan ako dito na kasama ang lalaking to. Nagsi pagilid sila at binigyan kami ng space para makaraan.
Humawak ako sa kanya at deretso kaming umalis na. Hindi siya umiimik habang naglalakad pero alam ko may gusto yang sabihin pero nagtitimpi lang. Alam ko na ang ugali ng gagang to hindi nagtagal narinig kong tumatawag si Glorina kaya sinagot ko para mawala ang kabang nararamdaman ko. Papaaminin ako ng gagang to I am sure of that.
"Nasaan na ba kayo, kanina pa ako naghihintay dito," bulyaw din ng isa kong palengkerang kaibigan.
"Paalis pa lang dito kaya hintayin mo na lang kami, nasaan ka na ba?" tanong ko naman pero biglang hinablot ni Jayjey ang phone at siya na ang nakipag usap.
"Buy me a pair of slippers, nawala ang isang sapatos ko dahil sa magaling mong kaibigan," sabi niya sabay sulyap sa akin ng masama.
"What happen with your shoes? Care to explain"...sabat naman ng isa.
"Tell you later, paalis na kami...bye for now...miss you bess," rinig kong sabi niya. Pagpasok namin sa sasakyan bigla siyang humarap sa akin.
"Care to explain..what's that all about?" panimula ng gaga.
"Hindi ko namang sinasadya na makakabangga ko siya sa airport no. Hindi ko alam na siya pala ang hinihintay ng mga tao doon. Alangan naman na hintayin ko din siya diba! Un expected lang yun, tinulak ako sa likod kaya nabangga ko siya. Hinahabol ko na ang oras kaya binibilisan ko. Ayan na, is that fair enough bruha," inis kong paliwanag.
"Naku!!!Kalbuhin kaya kita, ngayon lang tayo magkita yan agad ang bungad mo sa akin," aniya.
"Aba!!! At anong gusto mo? I miss you bess...I love you...ganun, manigas ka...nagkandahirap nga ako sa pagsundo tapos sangkatutak pang dakdak ang inabot ko," nakanguso kong sabi.
"Ganon, at sino ba naman kasi ang matutuwa...halos magkakalahating oras na ako sa kakahintay doon. Kung hindi pa kita namukhaan sa malayo di hindi pa sana kita nakita. Alam mo bang wala pa akong kain dahil hinihintay kita," drama naman ng bruha.
"Kaya nga nag so sorry diba, hindi ko po sinasadya. Hayaan mo at ililibre tayo ng kaibigan nating galante," naka ngisi kong sagot.
"Hhhmmppp, may hindi ba ako nalalaman diyan. Si Glorina galante, sure ka...Anong meron at galante siya?" daming tanong ng babaeng to kaya hindi masagot sagot ni James dahil sa ugaling ganyan...ugaling skwater parang hindi na america ang gaga sabi ko sa aking sarili.
"Bakit ganyan ka kung makatingin?" tanong niya.
"Wala...ang ganda mo kasi," pag iiba ko.
"Matanong nga kita bess, sabihin mo sa akin ang totoo...hindi ka ba nagwapuhan kanina kay Nimer," aniya na ikinalaki ko ng mata.
"Pwede ba huwag na natin siyang pag usapan pa ok. Close book na kaming dalawa at ayoko ng maalala pa ang mga nakaraan namin," ani ko.
"Sabagay, ikaw ba naman mawalan ng anak at ipagpalit sa babaeng higad...ang sakit nun diba! Puro sakit ang dinulot ng lalaking yon sayo kaya huwag mo na siyang balikan if ever manligaw muli. Napa walang bisa na ba ang kasal ninyong dalawa?" daldal pa niya.