"I don't know, alam ko namang gagawin niya yun dahil atat na siyang pakasalan si IVY dati," ani ko.
"Pero wala kang balita, walang nagsabi sayo...ganon," aniya naman.
"Yah!!!Simula ng maghiwalay kami, tinanggal ko na sila sa aking buhay. Ayoko ng may connection pa sa kanila at lalo lang akong masasaktan. Remember umiyak pa nga si Aling Tonia ng umalis ako. Gusto niyang may connection kami at napamahal na rin sila sa akin, ako din sa kanila pero pinili kong magpakalayo para makalimot. Mahirap pero kinaya naman awa ng Diyos at salamat sa inyong nagmahal at sumuporta sa akin," mahaba kong paliwanag.
"Aba!!!!Nagdadrama ang gaga, may kaylangan ka ano?" ania na ikinatawa ko.
"Parang ganon na nga pero totoo lahat ng sinabi ko girl. I miss you big time, mabuti na lang at bumalik ka na. Ikaw kumusta naman, kumusta kayo ng fiance mo," sabi ko.
"Wala naman akong boyfriend, fiance pa kaya" sagot naman niya na natatawa. Nangunot ang aking noo at napatingin sa kanya , I look at her from head to foot. Wala naman akong napansin na kakaiba, akala ko ba ok sila ni James. I know before na pumunta siya sa america to pursue her dreams at the same time sundan si James doon para isurprise sa nalalapit nilang kasal.
"Don't tell me"...hindi ko natuloy ang aking sasabihin ng siya'y tumango. Napatutop ako sa aking bibig ng makuha ko ang ibig niyang sabihin.
"For real?" nalilito kong sabi pero hindi siya sumagot at nginuso ang kanilang driver. Chismoso nga pala to, mahirap ng magkwento at malaman ng mga kapamilya niya.
"Gonna tell you later with Glorina para malaman niya rin," sabi niya na halatang malungkot. Hindi na lang din ako umimik pa hanggang sa makarating kami.
"Beeessss"...tili ni Glorina pagkakita sa amin. Napayuko ako dahil tumakbo din ang isa at nagyakapan sila na akala mo sila lang ang mga tao dito. Nagsisitinginan ang mga taong nasa paligid namin. Lumapit ako sa kanila at bumulong bago pumasok.
"Pumasok na kayo, nakakahiya ...ang lalakas ng mga boses ninyo...akala mo galing skwater," ani ko. Pumasok ako sa restaurant at tinanong sa isang waitress kung nasaan ang aming upuan.
Iniwan ko ang dalawa at nahihiya ako sa kanilang mga pinaggagawa, akala mo naman wala ng ibang araw na magkwentuhan. Kumain na lang ako sa mga pagkaing nasa harapan ko, umorder talaga ang bruha kong kaibigan ng masasarap na pagkain. Mga favorite naming tatlo. "Hhhmmpp, not bad" bulong ko at nauna ng kumain. Bahala na sila sa kanilang mga buhay basta ako kakain sabi ko sa aking sarili at nilantakan na ang mga pagkain. Ngayon ko lang naramdaman ang matinding gutom, hindi ko maramdaman kanina dahil sa hindi kaaya ayang pagkakataon na nangyari.
Hindi ko sinasadyang makita siya kanina, napakatagal na panahon ko siyang iniiwasan. Ginawa ko na ang lahat para makawala sa pesteng pagmamahal na to which is gumana naman. I erase all the person involved with him, ayoko nang may nagpapaalala pa sa kanya. Pinalipat ko na rin sila Nanay ng tirahan noong nakapag ipon na ako ng konti, binenta namin ang bahay at lupa sa Cavite at lumipat sa Antipolo. Isang kakilala ng pamilya ni Jayjey ang may ari ng lupa at bahay na yun, nag migrate na kasi sa america ang may ari noon kaya nabili ko siya ng hindi gaano mahal pero para sa akin mahal na yun.
Ayoko sanang bilhin dahil nasa 3 milyon ang balor non. Hindi ko kaya dahil ang perang hawak ko lang ay nasa 1.2 milyon lang siya kasama na doon ang aming pinagbilhan ng bahay at lupa. Pinag sama sama namin lahat ng aming pinag bentahan at ng aking kaunting ipon para mabili yun. Pinautang ako ng dalawa ng mahigit kalahating milyon para pandagdag pa. Kasama ko silang dalawa ng mabili yung bahay na yun, ok lang naman sa may ari na yun na lang muna nag ibigay ko. Pwede daw installment, bayaran ko na lang daw kapag nakaluwag luwag na ako.
Tuwang tuwa ang aking mga kapatid ng makita ang bagong bahay namin. Hindi rin mapagsidlan ang saya ng aking mga magulang kaya napabili ako ng di oras. Pinapinturahan ko at pinaayos ng konti bago ko sila pinalipat. Malaki at maluwang kasi dito kaya mahal. Kung sa iba daw mga nasa sampong milyon daw ata ang balor nito, wala naman daw iba iba kaya ok na daw yun. Naawa ata ang may ari sa amin sabi ko pa dati. Nasa 600 square meter ang luwang ng lupa. Ang sukat ng bahay nasa 200sq.meter sa baba at ganoon din sa taas. may apat na kwarto sa taas. May dalawang kwarto sa baba kwarto nila Nanay at isang stock room, salas at dining area. Sa taas may apat na kwarto, tig isa kami at isang guess room. may dalawa na ring banyo.
Bigla akong tinapik ng dalawa ng makita nilang nakatulala ako. Nabalik sa hinaharap ang aking diwa lalo na ng paluin ni Glorina ang aking tagiliran. Sinimangutan ko siya ng mapatingin ako sa kanya.
"Stop spacing out pwede ba, alam mo ba girl simula ng wala ka nag umpisa na siyang mag ganyan. Hindi ko alam kung namimiss lang ba niya ang kanyang ex or ano pa man," naka ngiwing nag kwekwento ang gaga.
"Aba at nakapagsalita ang magaling," ani ko naman.
"Siyempre magaling nga diba!!!pambabara niya.
"Naku, kung hindi lang kita kaibigan matagal na kitang iniwanan...nakakaloka kang impakta ka," naka busangot kong pahayag.
"Ano ba kasing iniisip mo at kanina ka pa namin kinakausap pero lutang ka?..sagot naman ni Jayjey. Napangiwi ako sa kanyang sinabi.
"May naalala lang ako, grabe naman kayong dalawa kung maka judge," drama ko naman.
'Ang sabihin mo naalala mo na naman ang nangyari kanina sa airport," bwelta ni Jayjey.
'Hindi noh!!! depensive kong sagot.
"Sigurado ka, alam mo girl ang nangyari kanina kaya kami natagalan. Ganito kasi yu-" hindi niya natapos ang kanyang sinasabi ng biglang may humiyaw sa aming likuran. Napatingin kaming lahat sa kanila.
"Ano pong meron?...tanong ni jayjey sa isang waitress na lumapit.
"May viral na video kani kanina lang po naganap," ani ng napag tanungan ko.
"Ano pong video? sabay naming banggit na tatlo. Kampante naman ako dahil alam kong binura naman ni james lahat ng mga nasa camera or mga nag vivideo kanina lang.