Chapter10

1318 Words
Pagkatapos kong kumain, dumiretso ako sa pantry at nag timpla ng kape bago umakyat. Nagpasalamat muna ako kay Ate Ekang sa masarap niyang luto. Nakangiti akong umakyat sa taas ako na din ang nagbukas ng aming department dahil sa aga ko. May pakanta kanta pa ako bago pumasok. Binaba ko lahat ng aking dala at inayos ko ang aking mesa saka inopen ang computer ko. Ako na rin ang nag bukas ng mga bintana, iba pala kapag nakakain ka ng matino. Ang gaan gaan ng aking pakiramdam na may pakanta kanta pa hanggang sa nagsidatingan na ang aking mga katrabaho. Dumating na din ang aming tagalinis dito, inayos niya ang aming CR at nag lagay ng mga kaylangan doon. Hindi na siya naglinis sa aming mga table at di na rin nag mop dahil sa hapon niya ito ginagawa. Tinataon niyang wala nang tao para daw walang istorbo. Nagbatian kaming lahat hanggang sa magsimula ng magtrabaho, bandang alas diyes ng umaga tumawag ang aking kapatid kung anong oras daw ako magpapadala. Sinabi kong paalis pa lang ako dito. Napabuntong hininga ako pagkatapos naming mag usap. Kinuha ko ang aking bag at nagpaalam sa aking mga kasamahan na lalabas muna ako. Sinabi kong nakapaalam na ako sa aming hr kanina, naiiling sila at nalulungkot para sa akin. Yung iba nga naawa na yata kaya kung minsan sila na lang ang nagpapakain sa akin, binibigyan pa ako ng pamasahe yung iba. Naiiyak na lang ako minsan at naawa sa aking sarili. Pagod na pagod na ako pero bawal akong mapagod at sumuko dahil maraming naka sandal sa akin. Pagbaba ko sumakay ako nag lakad ako ng ilang metro saka sumakay ng tricycle nang may makita akong dumaan. Sinakay ako at hindi na siningil ng makarating ako sa padalahan. Kilala na kasi ako ng mga tricycle driver dito, yung iba naing suki na nga ako sa tuwina. Pagdating ko doon nagpadala ako agad at tinawagan ang aking kapatid na naipadala ko na ang pera. Binilin ko rin siya na yung iba doon ibili niya ng gamot si Nanay. Bumalik din agad ako sa trabaho pagkatapos ko makapagpadala. Sinabi ng aking mga kasamahan na matulog na lang muna daw ako dahil halata daw na wala na akong katulog tulog pa. Tututol sana ako pero pinagsabihan akong huwag na matigas ang ulo, wala daw ang boss naming mataray nasa bakasyon daw kaya ok lang. Napangiti ako sa narinig at sing bilis pa sa kidlat na pumunta sa resting area. Sinabihan ko silang gisingin na lang ako kapag. "Huwag kang mag alala sabay sabay tayong kakain mamaya. Pumunta ka na doon, anong oras na kaya," ani isa kong katrabaho. Nakangiti akong nagpasalamat at pumasok na sabay hilata sa sofa bed na nandoon. Wala pang five minutes nakatulog na ako, nagising na lang ako nang gisingin na ako ng mga katrabaho ko. Kumakain kami ng biglang makatanggap na naman ako ng tawag mula sa aking kapatid. Sasagutin ko na sana ng biglang mamatay ito. Lobat na pala ako, charge ko na lang muna at mamaya na tatawag ani ko. Pagkatapos naming kumain nauna na akong umakyat dahil mag chacharge ako ani ko sa kanila. Pag akyat ko I charge my phone quick bago nagpunta ng banyo para mag tooth brush at mag bawas. Paglabas ko nagtaka ako sa aking mga kasama dahil nakatingin sila sa akin ng makahulugan kaya hindi ako nakatiis at tinanong ko na sila. Inamoy ko pa nga ang aking sarili at baka amoy tae ako pero hindi naman. Tinaasan ko sila ng kilay at tinanong kung bakit nila ako tinitingnan ng ganon. "What? Anong problema ninyo at kung makatingin kayo wagas?" Tanong ko na natatawa pa, mag sasalita sana si Lita ang pinaka ate namin dito ng biglang may tumatawag na naman sa aking cellphone. Baka ang kapatid ko na naman to, tumatawag pala siya kanina sabi ko sa aking isipan kaya nagmamadali akong lumapit dito pero nakita kong si Jayjey ang tumatawag. "Bakit ba hindi ka sumasagot? Kanina ka pa namin tinatawagan," pagalit na pagkasabi niya. "Bakit ba? Nasa banyo nga ako at nalobat naman kanina ang cellphone ko," sagot ko sa kanya. "Huwag ka nang magsalita diyan pumunta ka na agad dito. Hindi mo pa ba nabasa ang mga message namin sayo. Magpaalam ka na diyan at pumunta ka dito sa Antipolo Medical Hospital ngayon na," ani Jeyjey. "Anong gagawin ko diyan? May nangyari ba sayo?" Mga tanong ko sa kanya dahil hindi ko siya maintindihan. "Magdadakdak ba ako sayo kung ako ang nahospital," aniya na naman. "Ano nga? Sino ba nahospital?" Tanong ko na lang para matapos na, marami pa akong trabaho kaya hindi ko to pwedeng iwan. "Ang nanay mo nahospital gaga. Antipolo nga..Taga dito ba a-" hindi ko na siya pinatapos dahil nabigla ako kaya napatayo ako agad. "S- s si Nanay ba ang nahospital?" Utal kong pahayag dahil hindi ako naniniwala, gusto kong ulitin niya at baka nagkamali lang ako ng pandinig. "Yes Jenny...ang nanay mo nga ang tinakbo dito sa hospital kaya utang na loob pumunta ka na-" pinatayan ko siya ng cellphone at napaiyak na sa nalaman. Kinuha ko agad ang aking bag para umalis na ng bigla akong pigilan ng aking mga kasamahan dito. Niyakap nila ako at may binigay na naka sobre. Bumunghalit na ako ng iyak nito, umiiyak din sila na yumayakap sa akin sabay sabing pakatatag ka Jen para sa pamilya mo. Heto lang nakayanan namin para sa kakaylanganin ng iyong ina tanggapin mo na. Para to sa kanya at hindi sayo, alam naming hindi mo na naman tatanggapin. Sige na pumunta ka na ani nila. Naiiyak akong nagpapasalamat sa kanila. Sinabi nilang sila na daw ang magpapa file ng leave para sa akin. Sila na daw ang bahala sa lahat dito. Sa sobrang bait nila wala na akong masabi kundi salamat. I can't thank them enough pero yun na lang muna sa ngayon ang kaya kong ibigay. Makakaraos din ako someday at maibabalik ko din sa kanila ang tulong na naibigay nila sa akin. Umiiyak akong bumaba at sila na rin ang tumawag ng taxi at nagsabi kung saan. Binayaran na rin nila, wala na akong lakas para tumutol pa dahil hindi din ako mananalo sa kanila kaya hinayaan ko na lang. Pagdating ko sa hospital namumugto na ang aking mata sa kakaiyak. Sinundo ako ni Glorina sa baba at pagkalabas ko sa taxi bigla akong niyakap nito. Umiiyak na naman ako sa kanyang balikat na halos hindi na makahinga sa daming mga problemang dumarating sa akin tapos ganito pa si Nanay. Inaya niya ako sa taas dahil ongoing na daw ang operasyon. Pagdating ko doon niyakap ako nila Jeyjey at si Tatay. Nandoon din ang aming bunsong kapatid. Nasa Grade eight na ang kapatid kong ito kaya binata na rin. Sinabi ni tatay na mukhang malabo daw na makauwi sila kuya dahil may bagyo daw sa Davao. Doon na sila lumipat ng tirahan sa pamilya ng kanyang napangasawa. Silang mag asawa na daw ang nangangasiwa sa mga sakahan ng pamilya ng asawa niya. Malawak daw yun at sa ngayon hindi pa nila kayang magbigay ng tulong sa amin dahil kakasimula pa lang daw nila. Binabayaran pa lang daw nila ang mga sakahan nila na nalugi at muntik nang maibenta. Sinalo daw nila yung mga yon tsaka buntis pa daw ang asawa kaya mukhang malabo na makakapunta sila dito. Mag tatatlo na rin ang kanilang anak. Napabuntong hininga ako at tinanong si Tatay kung ano bang nangyari kay Nanay. "Bakit siya inoperahan Tay? Anong nangyari sa kanya? Nakausap ko lang siya noong isang araw ah!" Sabi ko ng naguguluhan. "Sumakit bigla ang kanyang likod, akala namin dahil sa kakaupo niya lang at higa pero bigla na lang nag colapse kaninang umaga. Mabuti na lang at umuwi si Mattew galing sa paaralan wala daw silang pasok kaya nang umuwi siya yan na ang naabutan niya sa bahay," ani tatay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD