Nalaman naming may pneumonia pala siya at napuno na ng tubig ang kanyang likod at nasakop na ang bara niya. Kaya dali dali nilang inoperahan. Tinanong ko si Tatay kung sino ang nagdala ng hospital, sinagot naman agad ni Mattew na si Jeyjey daw ang tinawagan niya. Wala daw kasing sumasagot sa amin ni Kuya, wala din daw dalang cellphone ni tatay habang namamasada kaya wala din tong kaalam alam. Mabuti na lang daw at nakita niya ang number ni jeyjey kaya tinawagan ito. Tumingin ako sa aking mga kaibigan at hindi ko sila mahanap kaya napatanong ako kila tatay.
"Nagpunta sila sa baba ate at nag settle ng bill, kaylangan kasing mabayaran na agad ang pagpapaopera nila kay Nanay kundi hindi nila ito ooperahan," ani ng kapatid ko. Napatango ako at hindi na umimik pa.
Thanks God at may kaibigan akong kagaya nila. Hinding hindi ko ito makakalimutan, utang ko sa kanila ang buhay ng Nanay ko. Nagpabalik balik kaming tatlo habang hinihintay na matapos ang kanyang operasyon. Naghintay kami ng halos isang oras na mahigit bago ito natapos. Tinanong ko agad ang doctor ni Nanay pagkalabas nito, nagdarasal na sana ok lang siya at sana successful ang operasyon.
"She's ok. Successful ang operasyon don't worry and by the way may kidney failure din siya na nakita pero pwede pa namang makuha sa gamot. Be mindful next time at kumuha kayo ng magbabantay sa kanya muna for the meantime hanggang sa gumaling siya,"pahayag ng doctor nakahinga kaming lahat.
"Ikaw ba ang asawa niya sumunod ka sa opisina ko at kaylangan kitang kausapin," dagdag pa niya na ikina kunot ng aking noo.
"Hindi mo ba pwedeng sabihin dito na lang Doc. wala naman pong iba sa amin dito. We are a family after all," ani Glorina na sinang ayunan naman ni Jeyjey. Nandito na pala silang dalawa hindi ko man lamang namalayan ang kanilang pagdating. Nakita kong may hawak na mga prutas at mga pagkain ang dalawa.
"Yung head of the family lang muna ang kakausapin ko and the rest siya na ang bahalang mag decide kapag," ani naman ng Doctor.
"Pwede bang ako na lang po ang makikipag usap sa inyo," ani ko naman at natatakot ako na baka hindi makayanan ni tatay kung ano pa man yan.
"Kaano mo ang pasyente," ani ng Doctor.
Nagpakilala akong anak niya at sumusuporta sa kanila kaya napatango ito at pinasunod ako. Sinabihan ko sila Tatay na ako na lang ang magsasabi sa kanila. Bantayan na lang si Nanay sumenyas ako sa dalawa kong kaibigan na tingnan sila Tatay, nag thumbs up naman sila kaya sumunod na ako sa Doctor ni Nanay.
Kumatok muna ako bago pumasok, pinaupo ako ng Doctor at nagsimula na siyang magsalita. Nagulat ako ng sabihin niyang may nakita pa silang mga bukol sa kanyang matress. Base sa kanyang observation mukhang lumalaki ang mga to, hindi ako nakapagsalita at natulala sa nalaman. Pinakita niya sa akin ang mga outcome ng mga test result ni Nanay, pina check pala nila siya mula ulo hanggang paa.
Yun nga nalaman lahat ng sakit nito. Yung puso niya mukhang naging ok naman na daw dahil sinusunod naman daw niya ang instruction ng Doctor. Sinabi din ng Doctor na dito muna mag stay si Nanay para ma obserbaran ang kanyang kalagayan. Medyo mataas din daw ang sugar niya kaya pinayuhan kaming dumito muna siya hanggang sa siya'y gumaling.
Halos mabaliw ako sa nalaman, tulala akong lumabas sa opisina ng Doctor ni Nanay. Hindi ko alam kung pinaparusahan ba kami or karma ko na to sa mga nagawa ko. Pero sa tuwing naiisip ko naman na wala akong inagrabyadong tao nalulungkot ako at napapatanong kung bakit kami pa ang pinaparusahan ng ganito.
Gusto kong umiyak pero hindi ko magawa lalo na at nakaharap ang aing ama sa akin. Tinanong niya kung anong sinabi ng Doctor, sinabi ko lang na kaylangan pang mag stay ni Nanay dito dahil kaylangan nilang tingnan ang mga bukol na tumubo sa kanyang sinapupunan. Sinabi kong sinabi ng Doctor na makukuha pa naman ng gamot ito pero kung hindi na talagang ipapatanggal na natin ani ko sa kanila.
Halos manlumo si Tatay sa narinig, nalipat na pala nila si Tatay sa isang pribadong kwarto. nangunot ang noo ko at nag protestang ilagay na lang siya sa hindi priate at baka hindi ko makayanang bayaran ito pero nag insist ang dalawa kong kaibigan. Sinabi nilang sila na daw ang magbayad sa kwartong tutuluyan ni Nanay. Mangiyak iyak akong napayakap sa kanila, I don't know what to do kung wala sila sa tabi ko.
"Ssshhhh, stop crying...remember we're in this together so please don't hesitate to ask help from us," ani Jeyjey.
"True...higit pa sa kaibigan ang turing namin sayo kaya ok na ok yan. Ayaw mo bang bigyan ng magandang kwato ang Nanay mo. Kaylangan niya ng ganitong room para sa makapag pahinga siya ng maayos," ani naman ng isa.
Umiyak si Tatay at nagpapasalamat sa dalawa kong kaibigan. Sinabi nilang sila na ang bahalang magbayad dito sa hospital, huwag na daw akong mag isip ng kung ano ano basta mag trabaho na lang daw ako at isipin ko na lang ang kaylangan ng dalawa kong mga kapatid. Inakay kami ni Tatay na pumasok sa kwarto para daw makita namin ang Nanay.
Naiiyak akong nakatingin sa aking ina, pumayat pala siya at maraming mga aparato na nakalagay sa kanyang katawan. Sinabihan ko si Tatay na huwag na munang pumasada at siya na lang muna ang magbantay kay Nanay. Binilin ko din ang aking mga kapatid na bantayan ang isat isa. Sinabihan ko sila na si tatay muna ang magbantay kay Nanay, sa tuwing week ends sila naman dito at si Tatay naman ang sa bahay.
Sa tuwing pagpasok nila hinahatiran muna nila si Tatay ng pagkain, litong lito ako ng umuwi ako kinaumagahan. Hindi na ako nakapasok sa aking trabaho kagabi dahil sa problema. Pagdating ko sa bahay na aking inuupahan nagulat ako ng bigla na lang itapon ni madam Connie (land lady) ang aking mga gamit sa labas. Mag aalas sais pa lang nito pero puro kamalasan na ang nangyayari sa akin.
Naki-usap ako pero hindi ako pinakinggan at lalo pa akong minura. Sinabi niyang maghanap na lang daw ako ng ibang lilipatan, may titira na daw na iba dito. Hindi ako makapaniwala sa kanyang ginawa, hindi man lang ako binigyan ng palugit. Saan ako ngayon nito? Paano na ako ngayon?
"Ma'am Connie please bigyan mo naman ako ng palugit nito. Saan po ako ngayon titira? Kahit dalawang araw man lang sana please," pagmamakaawa ko pero matigas talaga ang kanyang puso. Hindi ako pinakinggan sa kahit na anong sabihin ko.
"Sinabi ko nang magbayad ka na diba? Paulit ulit mo na lang akong tinatakbuhan, hindi mo naman kayang magbayad kaya mas mabuti pang umalis ka na lang at maghanap ng ibang matitirhan kung may magkagusto sayong paupahan ka," sigaw niya sa akin.
"May mga problema lang po ako at nasa ho-" hindi ko natapos dahil bigla akong binulyawan nito.
"Wala ng pero pero at ayoko nang makarinig ng mga paliwanag mo pa. Pagod na ako, araw araw na lang ba...umalis ka na kung ayaw mong ipapulis kita," aniya kaya napaiyak ako ng tuluyan.
Ang saklap naman ng kalagayan kong ito. Hindi ako makapaniwalang mararanasan ko itong kahihiyan na to. Nagsisitinginan sa akin ang aking mga kapit bahay, yung iba mga naawa sa sinapit ko. May mga bulungan pa akong naririnig na hindi daw kasi ako marunong magbayad, yung iba makunat daw ako magbayad. Pero mostly naman sa kanila naawa sa akin, alam kasi ng iba ang sitwasyon ko kaya awang awa sila.
Umiiyak akong inayos ang aking mga gamit. Tinulungan din ako ni Aling Martha na ayusin ang iba kong mga gamit at binulunga ako. Inaya niya ako ng matapos akong makapag ayos sa mga damit ko na nasa sahig na.