NAGKUKUMAHOG na lumabas ng opisina ng Viejero Travels and Tours si Miracle. Mag-aalas-singko y media na ng hapon at kailangan niyang makarating sa Hermes Hotel bago mag-alas-sais ng gabi para sa wedding event mamayang alas-siete ng gabi.
Napapatda pa siya nang biglang may bumusina mula sa parking lot ng pinagtatrabahuhan niya habang tinatahak niya ang daan patungo sana sa waiting shed.
“Manong Rolly!” nakangiting tawag at kaway niya sa matandang shuttle driver ng travel and tours agency nila.
Binuksan nito ang bintana at saka malakas na nagsalita.
“Halika na rito. Ihahatid na kita,” yakag nito sa kaniya.
Alangan man ay no choice na siya na rin siya. Kung maghihintay pa siya ng masasakyan at sa traffic sa kabilang kalsada na papunta sa Hermes Hotel, pihadong male-late talaga siya kahit pa nga malapit lang naman ang hotel at pupuwede namang lakarin kung napaaga-aga lang talaga siya ng labas kanina.
Mabilis niyang tinakbo ang shuttle bus at sumakay sa may likuran ni Manong Rolly.
“May nadagdag ba pong turista sa raket ninyo mamaya, manong?” usisa niya sa matandang driver. Dapat kasi sana ay siya ang makakasama nito sa evening tour ng mga turistang estudyante na mula sa Bahrain, ang kaso nga lang ay may schedule nga siya ng event mamayang gabi kaya si Lucy at Joey ang mga tour guide na kasama nito mamaya.
“Oo, neng. Heto nga't pinapakuha si Ma’am Ambeth ‘yong mga pagkain para sa kanila mamaya galing sa restaurant gawa nang wala pa raw makakapag-deliver at na-traffic daw ang driver nila,” paliwanag nito at tukoy sa restaurant na ka-tie up ng Viajero Travels and Tours at nagsu-supply ng pagkain sa kanila kapag may mga package tour sila at special menu para sa mga turista na hawak nila. Iminaniobra na nito ang shuttle bus at dumaan sa kabilang kalsada para maiwasan ang traffic.
Well, mukhang naaayon sa kaniya kaniya ang pagkakataon dahil bukod sa makakalibre na siya ng pamasahe ay hindi pa siya male-late sa duty niya. Sana lang ay suwertihin din siya mamaya sa event at mag-tip nang malaki-laki ang kliyente nila na isang sikat na singer ng bansa.
Mag-iisang taon na siyang nagtatrabaho sa Hermes Hotel bilang isang permanent casual waitress sa banquet events ng hotel dahil na rin sa tulong ni Ms. Ambeth at so far, nai-enjoy naman niya ang pagtatrabaho roon. Mababait ang mga boss niya at magaling ding makisama ang mga permanenteng staff sa kaniya. In terms of salary, mas malaki ang kita niya roon kaysa sa ibang mga hotel na pinagraraketan niya.
“Mira, libre ka ba sa Sabado?” nakangiting tanong sa kaniya ni Sally, ang bartender na kasing-edarin niya, nang pumunta siya sa bar para kumuha ng drinks para dalhin sa bridal suite.
“Ha? Bakit? Ano’ng meron sa Sabado ng gabi?” usisa naman niya rito bago binuhat ang tray ng inumin.
“Birthday ni Jake, nag-iimbita sa kanila,” sabi naman nito.
Ngumiti siya rito.
“Sige, check ko kung libre ako,” aniya bago pumihit at naglakad papasok ng ballroom.
Maingat siyang pumasok sa loob ng bridal suite kung saan kasalukuyang naroon ang bride, ang mga babaeng kamag-anak at abay nito. Maganda at mukhang anghel na talaga kahit sa screen si Charity Rose pero mas maganda ito sa personal. Kahit pa nga na-starstruck siya, pinigilan niya ang sariling mapasigaw sa paghanga. Ilang beses na siyang natoka sa bridal suite at ilang beses na rin siyang nakasalamuha ng mga celebrities pero iyon ang unang beses na talagang natulala siya pagkapasok pa lang niya sa bridal suite pagkakita niya rito.
Hindi rin nagtagal ay nagsilabasan na ang mga tao sa loob ng bridal room at natira na lang ang bride at ang sikat na hair and makeup artist nito na si Facundo Yu na suki rin sa Hermes Hotel dahil ito talaga ang pangunahing inirerekomenda nila sa mga clients nila kung naghahanap ang mga ito ng HMUA.
“Ahm, Miss Waitress?” Kasalukuyan niyang inililigpit ang mga plates, glasses, and cutleries na ginamit ng mga bisita kanina sa loob ng bridal suite nang tawagin siya ni Charity habang nire-retouch ni Facundo ang makeup nito.
Mabilis at maingat naman siyang lumapit sa mga ito at nakangiting nagtanong. “Yes, Ms. Charity?”
Matamis itong ngumiti sa kaniya bago tumikhim at sinulyapan si Facundo pagdaka’y muling inilipat ang tingin sa kaniya.
“My manager is stuck with the guests outside; would you mind assisting me in the… bathroom?” medyo alanganin pang tanong nito sa kaniya.
“Of course, darling, she could do that!” maarteng sambit naman ni Facundo habang ang mga kamay at mata ay abala sa ginagawa.
Malapad rin siyang ngumiti at saka tumango.
“No problem, ma’am,” maliksing tugon niya.
“Okay, get up, darling,” ani Facundo at saka tinulungan si Charity na tumayo mula sa makeup chair habang siya naman ay nakaantabay rin. “You’ve done this a hundred times, darling, ‘di ba?” baling naman sa kaniya ni Facundo at saka siya kinindatan.
“Oh, thank you so much!” bulalas nito pagkatapos nitong umihi bago namumulang nagpatuloy. “I felt like my bladder was about to burst!” anito na hindi maitatatwang na-relieve sa stress ng pagpipigil ng ihi kanina.
Tangka pa sana siya nitong yayakapin nang pigilan niya ito.
“Naku, ma’am, baka po magusot ang gown ninyo!” tanggi niya at saka ngumiti rito bago binuhat ang train ng wedding gown nito at maingat na sumunod rito nang lumabas ito ng bathroom.
Nang muli itong umupo sa makeup chair ay inaayos niya ang pagkakalaylay ng gwon nito sa lapag bago siya tumayo.
“Ma’am, kung may kailangan pa po kayo, tawagin n’yo lang po ako,” masiglang wika niya at saka tumalikod na nang nakangiti itong tumango.
Binalikan niya ang iniligpit niya kaninang mga ginamit na platito, baso, at mga kutsarita na nasa tray na, bago siya nagpaalam sa dalawa na lalabas na muna. Nagdiretso siya sa back area at dinala roon ang mga dala bago bumalik sa bar at kumuha ng tubig para sa bride.
Pabalik na siya sa bridal suite nang mapatigil siya sa paghakbang na sinabayan naman ng pagbilis ng pagsikdo ng puso niya nang mamataan ang lalaki na noon ay kalalabas lang ng bridal suite. Kunot ang noong sinundan niya ng tingin ang lalaking naka-itim na suite. The man with the towering height and excellent body built was undeniably charming and such an eye-candy with his dashing looks. His expressive chinky hazel brown eyes were dancing and his deep dimples on both cheeks became more visible as he greeted back the staff and guests who greets him.
“Angelo?” anas niya saka napalunok nang gumawi sa banda niya ang tingin nito.
She immediately turned around and walked away as if she didn’t see him… just like what she always does whenever their path crossed after they broke up.