“I CAN'T believe that you did that, lolo!” hindi pa rin makapaniwalang reklamo ni Angelo sa kaniyang abuelo pagkalabas na pagkalabas ng doktor at ng nurse na kapwa ngingiti-ngiti sa tinuran ng lolo niya. Kung puwede nga lang na ora-orada siyang maglaho sa harap ng dalawang babae ay hiniling na niya sa Maykapal, paano'y nang sabihin ng doktora na may asawa at dalawang anak na ito ay ang nurse naman ang tinanong ng lolo niya na nakapaghatid ng alanganing halakhak sa dalawang babae.
“Well, what’s wrong with asking if they are still single?” bagama’t mahina ay maang-maangan na balik-tanong sa kaniya ng lolo niya. “Too bad that both of them are already married,” dugtong pa nito na sinundan pa ng lolo niya nang malalim na pagpapakawala ng hininga.
“You’re unbelievable, lolo! Lahat na lang ba ng makikilala mong babae, tatanungin mo kung single?” iiling-iling na sambit niya bago sumandal sa pader at pinagkrus ang dalawang braso sa tapat ng dibdib niya.
“I’m desperate especially now, Angelo. I need to see you handling the hacienda and of course, I wanted to see you get married bago pa man ako mamatay—”
“Will you please stop thinking that you’re dying? Narinig n’yo naman ang sinabi ng doktor, ‘di po ba? I mean, she said that they are still unsure kung ano talaga ang sakit mo. So, let’s hope and pray that their initial diagnosis is wrong,” sabi naman niya rito bago ito nilapitan.
“I’m not feeling so well, apo, and I know, my time is running out,” paanas na pahayag nito bago mahinang umubo.
Nagpakawala siya nang malalim na hininga bago hinawakan ang kamay nito at pagdaka’y pinisil iyon.
“Lolo, let’s be optimistic, okay? Whatever it is, we’ll make sure that it will not stop you from living the way you wanted to live your life,” pagpapalakas niya ng loob dito.
Nakangiti nitong tinapik ang mga kamay niyang nakahawak sa isang kamay nito bago iyon marahang pinisil.
“Whatever happens, I want you to settle down in the hacienda…” giit pa rin nito na sadyang ibinitin ang huling salita.
“Pero, ‘Lo, alam n'yo naman pong—”
“With a wife,” dugtong pa nito na lalong ikinalalim ng gitla sa noo niya.
He exhaled sharply then put his arms around his grandfather.
“Kung ano-ano ‘yang lumalabas sa bibig n'yo, eh. Let's not talk about it na muna, lolo, okay? Ang importante ay maging maayos na muna kayo. That's our goal,” pag-iiba niya ng topic.
“No, Angelo. I mean it,” seryosong sambit ng abuelo niya. “Gusto kong mag-resign ka na sa trabaho mo at mag-focus sa hacienda. I want you to start a family of your own—”
Hindi na jito naituloy pa ang mga sasabihin nang biglang bumukas ang pintuan ng silid ng lolo niya at iniluwa ang mag-asawang Apolonio at Cita. May bitbit ang mga ito na lutong pagkain at mga kakanin na sigurado siyang inihanda talagang sadya ni nanay ni Dominador.
“Nanay!” bati niya kaagad sa matandang babae nang ganap na itong makapasok sa loob ng silid. Agad niyang sinalubong ang mga ito at saka nagmano sa mag-asawa bago kinuha mula sa matandang babae ang bitbit nito at inilapag sa coffee table na nasa harap ng sofa bago ito iginiya sa may kama kung saan nakaupo ang lolo niya.
“Kumusta na po ba ang lolo mo, hiangpakieamdam n'yo, Don Solomon? Maigi na po ba kaysa kahapon?” usisa ng matandang babae na kababalasan ng pag-aalala ang anyo habang matamang nakatitig sa lolo niya.
“Maigi naman, Cita. Baka nga nakalabas na rin akk mamaya, eh,” nakangiting at mayabang na wika ng lolo niya.
Napapalatak naman ng sabay ang mag-asawa at saka mas lumapit sa may tabi ng lolo niya si Tatay Apolonio niya.
“Manalig kayong hindi namin pababayaan ang hacienda at mga pananim, Don Solomon. Una't higit na mahalaga sa ngayon ay ang gumaling na kayo. Saka n'yo na muna isipin ang trabaho,” payo ng ama ng best friend niya sa lolo niya.
“Aba, eh, sino bang may sabi na pagbalik ko ng hacienda, eh, magtatrabaho agad ako, Oniong? Aba, eh, mula ngayon, magbubuhay-hari na ako sa mansyon dahil mananatili na roon si Angelo,” nagagalak na sambit ng Lolo Solomon niya na ikinapikit na lang niya ng mata niya saka siya napailing sa kawalan ng sasabihin.
“Aba, eh, napakaigi nga, Don Solomon, kung magkagayon,” bagama't bakas ang gulat sa mukha ni Tatay Apolonio ay basa rin niya sa mga mata nito any relief.
Alam niyang hindi basta-basta ang responsibilidad na nakaatang sa balikat nito sa pangangasiwa ng hacienda simula nang pumanaw ang daddy niya. Bagama't makalipas ang isang taon mula nang pumanaw ang daddy niya ay nag-hire naman ang lolo niya ng katuwang ni Tatay Apolonio sa pag-aasikaso sa hacienda. Naging in-charge ang bagong tauhan sa mga importanteng dokumento na may kinalaman mga saka sa hacienda. ngunit makaraan lang ang anim na buwan ay nadiskubre ni Attorney Andrew Lopez, ang abogado ng pamilya nila at kaibigan ng namayapa niyang ama, na may nakabinbin palang kaso ang bagong tauhan. Apparently, the new employee already scammed and targeted old hacienderos who unknowingly sold their properties through the new employee. Good thing that they caught him before he could do such thing. Kaya naman, takot nang magtiwala ako lolo niya ever since.
It was like God's will and it was indeed the best decision his grandfather ever had because he was able to give better opportunity to their already existing employees in the hacienda to showcase their talents. And up to now, they are of great help to their family. Something his grandfather is really thankful for.
“Mas makapagpapahinga na rin tayo kahit papano at nanag makapagsimula na ang mga bata na sila na lamang muna ang mag-asikaso sa hacienda, ano?” dagdag pa ng lolo niya na halatang giliw na giliw.
Hindi na niya naitama pa ang mga sinabi ng abuelo niya at para lamang nawala na sa kaniy ang sentro ng pag-uusap ay kaagad niyang niyaya si Dominador na lumabas pagkapasok pa lamang nito sa kuwarto ng lolo niya.
“May bibilhin lang po kami sa ibaba,” aniya sa tatlong matatanda bago mabilis na hinila papalabas si Dominador na nakakunot ang noo.
“Problema mo?” nagtatakang tanong nito sa kaniya pagkatigil nila sa may nurse station.
Sasagot na sana siya nang bigla silang mapalingon sa may mismong nurse station nang nakangiting nagsalita ang nurse na tinanong ng lolo niya kanina.
“Sir, si Pauline po. Single na single at puwedeng-puwedeng ligawan,” tudyo nito at tukoy sa katabi nitong nurse na tulad niya ay gulat na gulat rin.
Pansumandali siyang natigilan at hindi nakahuma.
“Lumapit ka kaya?” himok naman ni Dominador sa kaniya bago siya itinulak papalapit sa nurse station kung saan namumula sa hiya ang tinawag na Pauline habang ang mga kasamahan naman nito ay kuntodo kilig.
Napatikim siya nang wala sa oras nang ganap na silang magharap ni Pauline. She's pretty, slim and, tall.
“Ahm, hi?” alanganin niyang bati bago muling tumikhim at iniabot ang kamay rito. “I'm Angelo,” sa wakas ay pakilala niya rito.
Mas gumanda ito nang mahiyain itong tumugon ng ngiti sa kaniya.
“Pauline, Sir,” pakilala naman nito bago inabot ang kamay niya at nakipag-shake hands sa kaniya.
“Nice meeting you,” aniya bago tinanguan ang lahat ng naroon at nagpaalam. “Excuse us,” aniya at saka pumihit para lang mapatigil at mapatitig sa noo'y babaeng papalapit sa gawi nila na may bitbit na malaking bag. Nakatungo ito at may binabasa sa hawak nitong notebook.
Napakunot ang noo niya at tangkang lumapit dito ngunit hindi ito nag-angat ng mata dahil sa pag-aakala sa binabasa. Hindi niya alam kung niloloko lang siya ng paningin niya o kung ano kaya naman nang lampasan sila nito ay muli siyang pumihit at sinundan ang paglalakad nito na ang tinutumbok ay ang nurse station na pinaggalingan nila.
Para siyang kinuyog ng mga paroparo nang marinig niya ang pagbating ginawa ng mga nurse dito bilang pagkumpirma na hindi nga siya namamalik-mata.
“What the hell is she doing here?” tanong niya sa sarili niya habang matamang nakatingin sa babae na noo'y nakikipagtawanan sa mga naroon.
“Uy! Baka naman matunaw ang tinititigan mo, ha?” untag sa kaniya ni Dominador.
Ngunit bago pa man siya makapagsalita ay awtomatiko siyang pumihit at saka kinaldkad papalayo si Dominador nang all of a sudden ay biglang sumulyap ang babae sa gawi nila.
“Teka, teka! Sino ‘yon, ha?” usisa ni Dominador at saka pumiksi sa kamay niya nang kumaliwa sila sa may hallway patungo sa mga elevator.
Makailang-ulit siyang bumuntong-hininga nang malalim bago iyon marahas na pinakawalan.
“That is Miracle. My ex-girlfriend,” siwalat niya bago siya lumunok ng laway dahil pakiramdam niya ay pinanunuyuan siya ng lalamunan.
“Si Miracle? Iyong iniyakan mo?” gulat na gulat na wika nito pagdaka’y sinundan nito ng pagtawa nang sinimangutan niya ito. “Eh… bakit ka umiiwas? Dahil ba—”
“Don't start, Dom,” banta niya nang makita niya ang panunukso sa mga mata nito.
“Ewan ko sa ‘yo. Pride na lang ‘yang umiiral sa ‘yo, eh. One great love? May great love bang natalo ng pride?” angil pa nito bago umiling-iling.
Napatiim-bagang na lang siya. Paano ba niya kasi sasabihin dito na iniputan siya ni Miracle sa ulo gayong hanggang ngayon ay hindi niya matanggap sa sarili niya ang panlolokong ginawa ng dating nobya sa kaniya?