CHAPTER 7

2463 Words
“YES, Tom?” salubungin na tanong kaagad ni Bernard sa manager niya nang i-excuse siya nito sa conference room pagkabalik nito roon matapos sagutin ang isang phone call. Nangunot ang noo niya nang hilahin siya nito sa opisina nito at doon siya kausapin. Humugot pa muna ito nang malalim na hininga at hindi na nag-abala pang anyayahan siyang tumayo. Sa halip pa nga ay hindi ito dumistansya sa kaniya. “I spoke to your friend, Dominador,” umpisa nito at tukoy sa kababata niya na lalong ikinalalim ng gitla sa noo niya. “Really? Why?” Humalukipkip siya saka matamang pinagmasdan ang boss niya. Bakit tila mabigat ang pakiramdam niya sa nababasa niyang kilos ng kaharap. Naging mailap din ang mga mata nito at umiiwas na magtagal ang titig sa kaniya. Muli itong humugot ng hininga at saka siya tinapik sa balikat. “Go to your place and pack your things. This time, you need to see your grandfather, okay?” anito sanakauunawang paraan. “What? B-Bakit? At panong nangyari sa lolo ko?” Para bang sinuntok ang sikmura niya at binalot ng pag-aalala ang puso niya. Humugot muna ito nang malalim na hininga bago nagsalita ulit. “He was sent to Emergency Room and he is now unconscious…” paliwanag nito. “O-Okay,” tumatangong pagsang-ayon niya. “Okay. He is currently at the Lucena United Doctors,” imporma niya rito. Tumango ito at mapait na ngumiti. “Alright, Tom. Thank you so much,” wika niya bago pumihit papalabas ng opisina at nagmamadaling nagtungo parking area. Pagdating sa parking spot kung saan nakaparada ang gray na jeep wrangler niya at nagmamadali siyang sumakay roon bago iyon matuling pinaandar palabas ng parking area ng Department of Agriculture, Regional Office sa Batangas. “Dom,” tawag niya kaagad sa kababata nang sagutin nito ang telepono. “Gelo,” may kungkot at pag-aalalang usal nito. “How's my Lolo?” bagama't labis na kinakabahan ay pinilit niyang kalmahin ang sarili. “Nanikip na naman daw ang dibdib niya tapos mayamaya, eh, bigla na lang siyang nawalan ng malay. Kasalukuyan siyang under observation ng mga doktor kaya huwag kang masyadong mag-alala, ha. Tumawag lang ako para ipaalam sa iyo—” “I'm on my way there. Please stay with lolo until I arrive there, all right?” putol niya sa sinasabi nito. “Aba, siyempre naman!” kumpirma niya. “Ikaw, ha  mag-ingat ka sa pagmamaneho. Take your time, kami ang bahala ni Tatay sa Lolo mo,” paalala at pangako nito. “Thanks,” bulong niya at saka pinatay ang telepono at saka itinuon ang mata sa daan. He can't help but not to worry about his grandfather . This is the second time that his grandfather was sent to Emergency Room due to pain in his chest. Good thing, the first one was just a chestpain due to hypertension and not yet a heart attack. Makalipas ang mahigit-kumulang dalawang oras ay narating na niya ang ospital kung saan kasalukuyang naka-admit ang lolo niya. Nalipat na sa ward ang lolo niya sa pagkakataong iyon at kasalukuyang under close monitoring. “Anong sabi ng doctor?” baling at tanong niya sa mag-amang Tatay Apolonio at Dominador matapos niyang matamang titigan ang abuelo. Kasalukuyang natutulog ang lolo niya nang datnan niya. “Hindi naman daw atake sa puso, Gelo, pero, tulad ng dati, kung hindi raw naagapan, malamang na doon din daw nauwi,” tugon ni Tatay Apolonio. “Ano ba po kasi ang ginagawa niya? Napagod ba siya?” bagama't hindi naman siya iritado, puno naman ng pag-aalala ang tono ng boses niya. “May dumating kasing mga tao kaninang umaga sa hacienda. Hindi naman namin alam kung ano ang mga napag-usapan dahil ang gusto ng lolo mo, eh, sila lang ang magkausap-usap sa loob ng opisina niya sa mansyon. Ayos pa naman ang lolo mo nang umalis ang mga bisita niya ng mga bandang alas-diyes. Nakapalibot pa nga kami sa mga nagte-treser at nakakain pa ‘yan ng pananghalian, eh. Aba, eh, noong nanghihingi na ng mimirindalin sa hapon, eh, biglang sinakitan ng dibdib at saka nawalan ng malay,” kuwento pa ng ama ni Dominador. Muli siyang bumaling sa lolo niyang natutulog bago bumuntong-hininga saka pinisil nang marahan ang kamay nito. Makalipas ang ilang sandali ay humarap siyang muli sa mag-ama. “Sige na po, ‘Tay. Ako na muna pong bahala rito.” Marahan niyang tinapik sa balikat ang matandang lalaki bago nakipag-fistbump kay Dominador. “Sigurado ka ba? Pinapunta ko na naman sina Diego doon sa nagte-treser para sila muna ang mangasiwa roon kaya naman ayos lang na narito ako,” alanganing tanong ni Tatay Apolonio. Tumango siya at saka pilit na ngumiti. “Opo, ‘Tay. Baka mayamaya ay gumising na rin si lolo. Mas maigi rin na makapagpahinga na muna kayo lalo at baka matagalan na ‘di kayo masasaktan ni lolo sa pag-iikot sa hacienda,” kumpirma niya. “Kuu, eh, hindi na naman talaga kailangan na peesonal siyang sumama sa paglilibot doon. Kainaman ay may mga tauhan naman na nagpupunta sa mansyon kada gabi at nag-uulat sa ‘min ng lolo mo,” sabi pa ng matandang lalaki bago bumaling sa abuelo niya bago ibinalik sa kaniya ang tingin at mataman siyang tinitigan. “Hindi kaya't oras na para sagutin mo na ang hacienda, Gelo? Isang taon na rin naman na nagtatrabaho ka sa gobyerno, baka naman puouwede mo nang pagbigyan ang lolo mo?” Nagpakawala siya muli ng hininga bago muling tiningnan ang abuelo. Noong isang araw lang ay muli nga iyong nabanggit ng matanda sa kaniya, at muli, sinabi niyang hindi pa siya handa. Marami siyang natutunan sa mga nakatataas sa Department of Agriculture, a mga programa na palagi na ay pinangangasiwaan ng naturang ahensya ng gobyerno kaya naman ayaw niyang mawala ang pagkakataong iyon na mas marami pa siyang matutunan. But if his grandfather's health is at stake, he might reconsider it. Tumikhim si Dominador bago siya siniko sa braso. “Ihahatid ko na muna ang tatay sa hacienda at babalik ako,” untag sa kaniya ng best friend niya. “Ah, sige, sige,” saad na lang niya saka niyakap ang ama nito. “Salamat po, ‘Tay, sa lahat,” mula sa pusong sambit niya. Hinagod naman ng matanda ang likod niya at saka tinapik-tapik ang braso niya nang pinaalpas niya ito. “Sige na. Bukas, eh, babalik ako,” sabi pa nito bago muling sumulyap sa lalo niya at saka pa lamang tuluyang lumabas ng private room ng lolo niya. Kumaway naman sa kaniya si Dominador bago nito tuluyang isinarado ang pinto. Mahigit isang oras na siya sa ospital at nakausap na rin niya ang doktor na nag-rounds kasama ang dalawang nurse. Tulad ng sinabi ng mag-amang Tatay Apolonio at Dominador, pulmonary hypertension ang sanhi ng paninikip ng dibdib ng lolo niya. May ilang tests pa raw na gagawin sa lolo niya bago nito makumpirma kung may underlying disease pa ang lolo niya bukod sa naunang diagnosis. Marami pang ibinilin ang doktor sa kaniya bago ito nagpaalam. Tumawag rin si Tom at ilang malalapit na kasamahan sa kaniya para kumusta hindi ang lolo niya. Tom gave him a two-week emergency vacation kahit pa nga tumanggi siya. “Gelo, Gelo.” Mahinang yugyog sa balikat niya ang nagpagising sa kaniya mula sa pagkakatalungko niya sa ibabaw ng kama ng lolo niya. Nakatulog na pala siya roon habang hawak ang kamay ng abuelo niya na may nakatundo na IV. “Nagpadala ng baon ang nanay. Tara, kain na tayo,” yaya pa nito sa kaniya. Pupungas-pungas siyang tumayo at saka sumunod kay Dominador. “Kumusta si Nanay Cita?” tanong niya sa kaibigan habang magkapaabay na silang kumakain. Menudo ang ipinatong ulam ng nanay ni Dominador at saka pansit gisado para sa meryenda raw nila mamayang hating-gabi. May mga prutas ding panahon si Tatay Apolonio na mga bagong pitas. Uminom na muna ng softdrink si Dominador bago siya sinagot. “Abala ngayon lolo’t sa isang linggo na ang kasal ni Daniela,” balita nito at tukoy sa bunso at nag-iisang babaeng kapatid na babae nito. “Oo nga pala, ano? Nalimutan ko,” iiling-iling na sambit niya bago sumubo ng pagkain. “Sa huwes lang naman ang kasal ng mga ‘yon, ewan kay nanay kung bakit nagpapakaabala pa,” reklamo ng kaibigan niya. Bukod sa dismiyado ito sa pagkakabuntis ng kapatid sa murang edad na disiotso at ang biglaang pagpapakasal ng kapatid, muli na naman kasi itong maghihintay ng isa pang taon bago nito maaaring magpakasalan ang nobyang kababata rin nila na si Adelaida. Dalawang beses nang naurong ang kasal ng mga ito, noong una ay dahil naman sa pagkamatay ng ama ni Adelaida at ngayon nga ay ang biglaan namang pagpapakasal ng bunsong kapatid nito. “Anong sabi ni Ady?” usisa niya rito habang patuloy pa rin ang pagkain. “Wala naman. Eh, may magagawa pa ba kami? Ayaw naman naming manganak si Daniela na walang asawa at hindi maging legal na anak ang magiging pamangkin ko,” katwiran naman nito. Tanging pag-iling na lang ang naitugon niya rito. Ayaw naman din niyang magkomento lalo at mainit pa ang issue. Pagkatapos nilang maghapunan ay nagkuwentuhan pa muna sila ni Dominadot bago nagpaalam ang kababata niya at sinabing babalik na lamang ulit bukas kasama ng magulang nito. Sa buong magdamag ay hindi siya umalis sa tabi ng abuela niya para kung sakali mang magising ito ay siya kaagad ang magisnan nito at nang matawag niya kaagad ang mga nurse. Ngunit nagising na siya't lahat kinabukasan ng alas-siete ng umaga nang muling mag-rounds ang doktor ng lolo niya ay hindi pa rin nagigising ang abuelo niya. Ang sabi naman ng doktor ay dahil iyon sa gamot na itinurok sa suwero ng lolo niya kahapon at sinabing baka gumising na rin ito anumang oras sa araw na iyon. Pagkaalis ng mga ito ay pumasok na muna siya sa loob ng banyo para umihi at maghilamos. Pagkalabas niya ng banyo ay nanlaki ang mga mata niya nang makitang nakadikit na ang lolo niya at tila ba disoriented na may nakatusok sa kamay nitong suwero. “Lo!” Mabilis siyang tumakbo papalapit dito at saka ito pinigilan na tanggalin sapilitan ang nakatusok na suwero. “Lo, saglit po at papupuntahin natin dito ang mga nurse, okay?” aniya habang hawak ang isang kamay nito at pagdaka'y pinindot ang isang button mula sa remote control na nasa may ulunan ng kama ng hospital bed para papuntahin doon ang nurse. “Angelo?” Tila hindi rin makapaniwalang pinagmasdan siya ng abuelo bago kumot ang noong iginala ang mga mata sa paligid. “What am I doing here?” Nagpakawala siya ng hininga at saka marahang pinisil ang kamay ng matanda. “You had pulmonary hypertension and lost your consciousness yesterday, lolo,” imporma nito. “Ano?” tila wala pa rin sa sariling tanong nito bago nagpumilit na bumangon ngunit pinigilan niya ito bago bumaling sa bagong bukas na pintuan na pinasukan ng isang doktor at isang nurse. “They’ll explain it you, ‘lo,” sabi na lang niya rito. “Hello, Mr. Solomon, I'm Dr. Villanueva,” nakangiting bati ng babaeng doktor bago siya nginitian nang matipid habang ang nurse naman ay tinitingnan din ang vitals ng lolo niya. “How are you feeling now? Is there any sharp pain in your chest?” tanong ng doktora habang suot ang stethoscope pagdaka'y pinakinggan ang dibdib ng lolo niya nang umiling ang matanda. “Breathe in, Mr. Solomon…  okay, now breathe out… good. Can you do it again? Breathe in… breathe out…” anang doktora pagkuwa'y nagsulat sa chart na iniabot ng nurse dito at saka iyon ibinalik sa nurse bago bumaling sa kaniya. “How's my grandfather, doc? Okay na ba siya? Kailangan ba niyang operating or—” tanong niya rito sa nag-aalalang paraan na pinutol naman nito sa pamamagitan ng pagtaas ng kamay. Ngumiti ito saka pinaglipat-lipat ang tingin sa kanila ng lolo niya. “He’s chest and vitals are quite fine right mula kaninang madaling araw, but we're still waiting for the  results of the tests na ginawa sa kaniya ng iba pang doktor to make sure that we'll make a right call,” paliwanag nito. “Our initial findings show that Mr. Solomon might be suffering from pulmonary hypertension, though the tests will confirm it later on,” patuloy nito bago bumuntong-hininga. “You see, pulmonary hypertension is a serious condition and you really have to take good care of your health starting now, Mr. Solomon, as the right side of your heart had to work harder to pump blood through your veins… to your arteries, to be precised. And unfortunately, most of the time, it leads to heart failure if the patient is not careful. “So, it means na may possibility rin na hindi masyadong seryoso ang nangyari kay Lolo? That it may be because of stress only?” He wished that she would say yes, however, she shook her head then took a deep breath. “If it is pulmonary hypertension, it might be worse,” malungkot na pahayag nito. Napalunok siya at saka pinisil ang kamay ng abuelo niya. “But… but it's curable right? I mean, he could undergo operation or take medicine, right?” Again, he was hoping that she would say yes… yet again, she shook her head. “If it is indeed a pulmonary hypertension, then it's incurable…” “What!” bulalas niya sa nanlalaking mga mata. “But don't worry, there are several treatments for the condition that may vary depending on what is really needed. It may also help the patient not to permanently damage on his pulmonary arteries… anyway, marami nang paraan para maagapan ang paglala ng sakit if ever. It may be incurable but it is manageable,” pahayag ng doktor. Kapwa sila napalingon sa lolo niya nang tumikhim ang matanda. “Lo, humiga ka lang po,” pigil niya rito nang muli itong magtangkang bumangon. “It's okay. We'll adjust her bed,” anito bago inutusan ang nurse na iangat ang bandang ulunan ng kama. “Better, Mr. Solomon?” nakangiting tanong ng doktora sa lolo niya. “Yes, but…” anas ng lolo niya at saka sumulyap sa kaniya bago ibinalik ang tingin sa doktora. “But what, Mr. Solomon? Do you need anything else or do you have any question?” “Are you still single, doc?” out of the blue ay tanong ng lolo niya na ikinagulat niya maging ng doktor at ng nurse. Kung pupuwede nga lang na lumubog siya sa kinatatayuan niya ay hiniling na niya ora mismo! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD