Valentin and I ended up at his house. Nasa sala kami nang kunin niya ang laptop niya at sabay kaming naupo sa couch habang hinahanap niya sa email niya ang video na pinadala ni Archie sa kanya. "He's brace to do this," wala sa loob na sambit ko habang naghihintay. "Malakas na ang loob niya dahil nakalayo na sila," sagot sa akin ni Valentin. "What do you mean na nakalayo na sila? Umalis na siya sa work niya? Sa lugar nila?" tanong ko kay Valentin. Naiinip na sa tagal niyang ayusin yung player ng laptop niya. "He left the country with his family. I'm quite sure na magiging abala si Papa sa mga susunod na araw sa kahahanap sa kanya." "He left the country?! Pero hindi ba siya mati-trace ng Papa mo? Wala ba siyang kakilala sa bigating tao sa airline company?" Lumingon sa akin si Valen

