Ang sabi ni Valentin, Miguel won't ever love me. And if ever he will love someone, it will never be me. Sampal iyon sa akin. Saksak nang direkta sa puso ko. Iyon ang reyalidad sa kanya na ibang-iba sa reyalidad ko. Hindi ako naniniwala na ni kaunti, walang nararamdamang pagmamahal sa akin si Miguel. He loves me. Ramdam ko iyon. Hindi niya ako pahahalagahan kung hindi niya ako mahal. Hindi niya ako tratratuhin nang maayos. Hindi siya magiging mabait sa akin. Hindi niya ibibigay ang mga hinihiling ko. Siguro nga, mas mahal niya si Archie kesa sa akin pero alam ko na mahal rin niya ako. Ramdam ko iyon sa tuwing magkasama kami, sa tuwing nginingitian niya ako, at sa tuwing inaangkin niya ako. Nagsisinungaling lang si Valentin sa akin. Sinasamantala ang mga nangyayari sa ama niya at kay

