Nang magkaroon na siya ng kapalit ay agad siyang tumawag sa gobernador. Zion happily answered her call and he seemed excited to work with her. Kinabukasan, maaga pa lang ay may dumating na van para sunduin siya. Soledad faced Aling Minda who was carrying her sleeping son. "Dito na ako, Aling Minda. Sorry, napapasa sayo ang pag-aalaga kay Zeus..." marahan niyang saad. Ngumiti ang ginang at inilingan siya. "Walang problema rito, Sol. Isa pa, hindi mahirap alagaan ang anak mo. Puro tulog at gatas lang. Tapos makikipaglaro sa mga anak ko. Hindi pa iyakin." Napangiti si Soledad at hinaplos ang mukha ng anak niya. She gently kissed his cheek and forehead before walking away. "Good morning, Ma'am," bati sa kaniya ng driver. Soledad smiled a bit. "Good morning po." Habang paalis ang van

