"Ano ang plano mo? Pupunta ka ng Maynila para hanapin ang ama ni Zeus?" tanong sa kaniya ni Aling Minda. Gabi na, tulog na si Zeus sa bahay nila at iniwan niya ito saglit para lang makausap si Aling Minda dahil hindi siya makatulog. She needs to let out her thoughts. "Iyon ba ang tamang gawin?" she asked. Bumuntong-hininga ang ginang. "Handa ka naman ba?" tanong nito sa kaniya pabalik. Agad umiling si Soledad. "No. Ang kinakatakot ko ay makita ako ni Simon. Kapag nangyari 'yon, baka hindi na ako makabalik kay Zeus kahit kailan..." Kumunot ang noo ni Aling Minda. "Sa tingin mo ba hahayaan kong mangyari 'yon? Sol, kahit hindi ko alam ang Maynila, pupunta ako roon at hahanapin ka. Sasabihin ko kung sino ang posibleng kumuha sayo kapag hindi ka na nagparamdam." Napangiti siya sa sinab

