Chapter 1
Umaga ng sunod na araw, mag-isa siyang kumain ng breakfast. Matapos kasi ihanda ng mga kasambahay ang pagkain niya ay umalis na sila. Ang mayordoma naman na naroon ay hindi kumain, pinapanood lang siya at naghihintay kung may ipag-uutos man.
"May plano ka ba para sa araw na 'to, Soledad? May gusto ka bang gawin? Sabihin mo lang para maihanda ko para sayo. Marami akong kakilala na makakatulong sa gusto mong gawin. Kung gusto mo sumakay sa kabayo, may rancho sa malapit na ang may-ari ay tiyak na pahihiramin ka. Kung gusto mo maligo at lumangoy, may falls sa malapit," masayang suhestiyon ng mayordoma.
Soledad swallowed her food then sipped on her juice before she answered. “I am happy to hear that I could do those things. Exciting! Pero sa ngayon Nana Rona, gusto ko sana maglakad-lakad muna. Nakalimutan ko na kasi ang lugar na 'to so it would be great if I'll walk around to familiarize myself again," she answered then smiled.
Ang mayordoma ay agad tumango. "Kung gano'n, ipatatawag ko si Oli para samahan ka niya. Bago ko rin makalimutan sabihin sayo, huwag ka magsuot ng may heels na sapatos. Magsuot ka rin ng komportableng damit, hija."
Good thing, Soledad is ready for this day. Naligo na rin siya pero dahil naka-short siya na maong, pinalitan niya iyon. Napili niyang suotin ang itim na flowy skirt na hanggang tuhod. Pinaredan niya iyon ng kulay peach na backless top. To complete the outfit, she wore a strappy flat sandals. She also decided to bring a sunglasses and a wide-brim fedora hat.
Binisita siya ng mayordoma sa kaniyang kwarto upang tifnan kung handa na siya ngunit nang makita siya nito ay bahagyang napangiwi, tila hindi gusto ang damit niya. Soledad raised a brow and looked at herself in front of the full-body mirror.
“Why?” tanong niya sa mayordoma. “Do I look bad?”
Pinadaan pa niya ang mga daliri sa buhok niyang nakalugay lang habang nakatitig sa sariling repleksyon. For her, she really looks fine. She loves dressing up.
Umiling ang mayordoma saka pilit na ngumiti. "Sa damit ba na iyan ikaw komportable, Soledad?" tanong nito sa magaan na tono. Agad siyang tumango bilang sagot. Huminga nang malalim ang matanda. "Kung gano'n... magdala ka na lang ng sunblock pati anti-mosquito na lotion para sa balat mo. Magtatagal ka ba sa may silong ng mga magsasaka?"
The last words made Soledad smile. May malabo kasi siyang alaala kung saan kasama niya ang kaniyang ina at kumakain sila kasama ang mga magsasaka sa kanilang lupain. Simple lang ang mga pagkain pero masasarap. Matapos noon ay mananatili sila sa lilim ng higanteng puno sa harap ng sakahan tapos siya at makikipaglaro sa mga bata na anak ng mga magsasaka. Kapag pagod na siya, patutulugin siya ng kaniyang ina sa papag na naroon na gawa sa mga kahoy at kawayan. Ginawa iyon ng mga magsasaka para may pahingahan sila. That is a memory that she really loves.
“Yes, Nana. I would love to, pero okay lang kaya 'yon? Baka kasi istorbo lang ako…” she uttered with a tone of hesitance.
Nanlaki ang mga mata ng mayordoma saka bahagyang natawa. "Siyempre ay okay na okay iyon, Soledad. Tiyak na magiging masaya sila sa presensya mo. Kahit naman na iba na ang may-ari ng lupang sinasakahan nila, hindi pa rin nila makakalimutan ang kabutihan ng pamilya n'yo no'ng kayo pa ang amo nila." Natawa muli ito saka siya marahan na tinapik sa balikat. "Huwag ka mag-alala, magpapadala ako ng pagkain doon para sa tanghalian na pagsasaluhan n'yo," dagdag nito.
When Soledad went down to the living room, she met Oli, the man that Nana Rona ordered to guide her. Mas mababa ito nang kaunti sa kaniya pero napaka-muscular ng katawan kaya hindi masyadong proportional sa tangkad nito. He's dark-tanned and looks like someone who is always pressured by heavy works. For Soledad, his face is just okay but his wide smile is a bit creepy even it is not his intention.
“Hi, Señorita! Ako nga pala si Oli." Pagpapakilala nito saka lalong lumapad ang ngiti. "Totoo pala 'yung narinig ko. Sobrang ganda mo!" puno ng energy na dagdag nito.
Soledad nodded and forced a smile. Inimbitahan na siya nu Oli na lumabas para makapagsimula na sila. Noon niya napagtanto kung bakit mahigpit ang bilin ng mayordoma na magdala siya ng mga lotion. Ang sasakyan na naghihintay sa kaniya sa labas ay isang lumang motorsiklo na may nakakabit na sidecar. Wala iyon bubong kaya naman masasalo niya ang lahat ng init.
She stared at the vehicle for a while then looked at Oli whose big smile is still plastered.
“That is what I’ll be riding?” hindi makapaniwalang tanong ni Soledad.
Tumango si Oli saka itinuro ang sidecar na gawa sa bakal. Ang parte na uupuan niya ay gawa sa kahoy na paniguradong matigas.
"Doon ka uupo, Señorita. Tapos ako naman dito...." Itinuro nito ang kakabit na motorsiklo ng sidecar. "Ako ang driver, eh!"
Sunod-sunod siyang napakurap, hindi pa rin makapaniwala. Pilit niyang ikinalma ang sarili. Oo, tinanggap niya na noon na muntik na siyang tuluyang maging mahirap. Inihanda na nga niya ang sarili sa magiging bagong buhay niya. Pero ngayon ay biglang-bigla pa rin siya sa sasakyan niya. Namuhay ba naman siya na mayaman sa loob ng labing-siyam na taon kaya sanay na ang sinasakyan ay mga kotse at mamahaling sasakyan. Iyong komportable at protektado siya.
It is her first time today to ride something small and it doesn’t even have a roof.
Iniisip niya bakit hindi van iyon ngunit napagtanto rin agad na baka nagbago na ang mga daraanan. Maaaring ang sasakyan lang na nasa harap niya ngayon ang makapagdadala sa kaniya sa kaniyang destinasyon.
Nagkibit-balikat siya. “Okay! Let’s go,” aniya saka tumungo sa sasakyan.
She put her hat on then her sunglasses. She also put some sunblock on her skin while Oli is still starting the engine. Imposible na makapagpayong siya dahil siguradong babaliktarin lang 'yon ng hangin na sasalubungin nila.
She didn’t have a relaxing ride like what she expected. Maalog ang biyahe dahil sa lubak-lubak na daan, tapos ay maalikabok pa. Dumaan pa nga sila sa isang daan kung saan may mga tao na sinitsitan siya at sinipulan na sinundan ng tawanan. That made her so upset and she can't hide it on her face anymore. She looks grumpy as she cross her arms to hide her boobs that are bouncing because of the bumpy road. Gustong-gusto niyang bumaba sa sasakyan at komprontahin ang mga lalakeng 'yon pero ayaw niyang tuluyang masira ang araw niya.
“Narito na tayo, Señorita,” anunsyo ni Oli matapos ng biyahe na tila napakatagal para kay Soledad dahil sa mga naranasan. Tinanggal niya ang sunglasses saka nilingon ang lalake na nakangit sa kaniya. "Mas mabuti na mamaya na tayo maglakad-lakad, Señorita. Mamaya na kapag medyo mababa na ang araw at hindi na masakit sa balat," suhestiyon nito at tuluyan ng pinatay ang makina ng sasakyan.
She nodded but then her lips pouted a bit in annoyance. Agad siyang bumaba sa sasakyan nang tuluyan na itong huminto. Nanlalagkit ang pakiramdam niya, malamang dahil sa pawis at alikabok na dumikit sa kaniya. Napabuntong-hininga siya sa iritasyon bago inikot ang paningin sa paligid.
Bahagyang nanlaki ang mata niya nang napagtanto na malapit na siya sa pinupuntahan nila noon ng kaniyang ina. Kailangan niya na lang maglakad kaunti at tumawid sa isang tulay.
"Tara na, Señorita?" aya ni Oli.
She shook her head. “Wait, I need to freshen up,” she uttered and opened her small sling bag where she put her essential things.
Kumuha siya ng wet wipes saka nagsimulang punasan ang kaniyang braso, siko, pati ang leeg gamit iyon para maalis ang lagkit na nararamdaman. Matapos noon ay nag-spray siya ng perfume. Sa huli, naglagay siya muli ng sunblock lotion.
She wants to look presentable and fresh when the farmers would see her. At last, she feels better again.
"Kung gano'n mo kaayaw ang init ng araw, hindi ka na dapat pumunta rito o lumabas pa." Narinig niyang arogante na sinabi ng isang baritonong boses na nagpahinto sa kaniya. "Ang arte."
Soledad’s forehead creased. She looked up to see the person who just offended her. “I am not maarte! This is skincare!” she defended herself but froze when she saw the man’s face.
Kinailangan niyang tumingala para makita ang mukha nito dahil sa tangkad ng lalake. She was already intimidated by his stare yesterday when the distance was big. Now that they are closer, she is stupefied. His smoldering amber eyes are intimidating and attractive at the same time. Ito ang lalake na nakita niya kahapon.
Soledad is surprised but the man isn’t. Tila inaasahan na nito na makikita siya.
“Skincare, huh?” he said in a sarcastic tone.
She blinked twice and finally pulled all her sense. “Yes! Sunblock is essential. Skincare is essential.” Muli niyang ipinagpatuloy ang pagpahid at masahe ng lotion sa kaniyang braso.
His intense eyes looked at her skin on that spot and she saw that his thick eyebrows furrowed. Napatingin din tuloy siya sa kaniyang balat at nakita na namumula na iyon.
“See? My skin is sensitive. It is not being maarte. Duh!" she defensively added.
“Hoy, Adi. Tigilan mo 'yang kasungitan mo. Si Señorita Soledad iyan. Alam mo na, Soledad ng mga Valerio!" stress na saway ni Oli saka tinapik ang lalake.
Nagtagpo ang kanilang paningin.
“Alam ko,” ani ni Adi habang nananatili ang titig sa kaniya.
Soledad stared at the man. She already saw a lot of handsome guys but this man is just above them. Now that they are closer, she can clearly see the perfection of his face. The aristocratic proud nose, sharp prominent jaw, and full red lips. His face is just well-sculpted that every detail is quintessential.
Umiwas siya ng tingin dahil ayaw niyang magmukhang tanga na titig na titig sa mukha ng lalake. Ipinagpatuloy na lang niya ang paglalagaty ng lotion sa kabila niyang braso kahit nakararamdam siya ng magkahalong inis at kaba.
Wala siyang kaalam-alam na ang lalake sa harap niya ay titig na titig sa kaniya, tinitignan ang bawat detalye niya. Ito ang unang beses niya na makita ito nang malapitan. Lumaki talaga ito na maganda.
Nakikita lang niya ito sa higanteng litrato doon sa mansion ng mga Valerio. Maliit pa rin ang mukha nito na kayang-kaya niyang ikulong ang kalahati gamit ang isang palad lang niya. Bagsak ang tuwid nitong buhok na kulay lupa at may iilang hibla ang nasa kaniyang mukha. Mataas at maganda tignan ang cheekbones, ang maliit nitong ilong ay matangos, at ang pulang-pulang labi ay bahagyang nakanguso.
Ngunit may isang bagay na nagbago na hindi tulad sa lagi niyang nakikita sa mga batang litrato ng babae. Sa mga larawan na 'yon ay buhay na buhay ang mga mata ni Soledad at tila kumikislap sa saya. Ngayon ay hindi na ito mabasa at masyado pang misteryoso.
"Ako na hihingi ng paumanhin para sa kaniya, Señorita. Pagod lang 'yan. Siya pala si Adi, matalik kong kaibigan. Ang totoo niyang pangalan ay Adolfo pero ayaw niya no'n kaya Adi na lang," ani Oli.
"Itigil mo 'yan, Oli. Hindi mo 'ko kailangan ipakilala," masungit na saway nito sa kaibigan.
Soledad stopped from what she is doing and he looked at the man’s face again. Hindi niya nagugustuhan ang pagiging rude nito at intense. Hinusgahan pa nga siya at ininis, sinabihang maarte. Umirap siya kahit nakatitig sa kaniya si Adi sunod ay pilit na nginitian si Oli.
"No need to apologize on behalf of Adolfo, Oli,” she uttered, stressing Adi’s hated name.
Naningkit ang mata ni Adi sa ginawa ni Soledad. Bahagya lang siyang ngumisi at inirapan ito muli bago niya tinalikuran ang dalawa.
“Let’s go, Oli. I wanna see them na.”
Narinig pa niya ang pabulong-bulong na sermon ni Oli kay Adi bago ito sumunod sa kaniya.
Fine, he is good looking but his manner isn’t good for her. She wants to relax so might as well avoid their paths to cross. Hindi niya kailangan ma-stress at mairita sa kung sino. For the first time, she got interested to a man but his temper isn’t just it.
"SOLEDAD? 'Yung unica hija ng Valerio? Anak ni Stephan at Marian?” tanong ng isa sa mga magsasaka, hinihingi ang kaniyang kumpirmasyon.
Napangiti siya nang marinig ang mga pangalan ng kaniyang magulang saka tumango. Nagsimula siyang palibutan ng mga magsasaka, halatang excited at tuwang-tuwa sa presensya niya. Inulan siya ng mga tanong at pangungumusta. Ang mga medyo bata pa na magsasaka at mga baguhan doon ay nakikinig lang dahil malamang ay hindi siya kilala.
"Ang ganda-ganda mo. Kamukhang-kamukha mo ang mama mo!" ani ng matandang babae. "Halos nakalimutan ko ng wala na siya at akala ko ay ikaw nga si Marian."
Soledad blushed because of their compliments. For her, her Mom is the most beautiful woman in the world. Kaya ang masabihan na kamukha niya ito ay napakalaking bagay.
"Mabuti at may bumalik kahit isang Valerio dito. Akala ko ay hindi na kayo bibisita ulit. Kahit ang mala-palasyo n'yong mansion ay nakalimitan n'yo na nga."
Napangiti si Soledad. "Sabi ni Dad ay pupunta rin siya rito, soon," aniya bilang assurance sa mga naroon.
She is feeling a bit guilty that her family have almost forgotten this place and these warm people. It is really a good choice that she is going to stay here for months.
"Mabuti naman. Maghahanda tayo para doon at magkakaroon nang maliit na selebrasyon. Sabihin mo sa amin, Señorita, kung kailan."
Soledad can’t stop the giggles and laughter hearing the warm words from these people. Iginala niya ang paningin at aksidenteng napunta sa lalake na nakasandal sa higanteng puno. He's at it again, staring at her intensely with his amber eyes. Ang katabi nito na si Oli na lalong naging mukhang maliit ay kumaway sa kaniya na tila bata. Soledad smiled to the small guy before looking back at the people in front of her.
Her plan to walk around didn’t happen when the old farmers keep talking to her. Maaga pa silang huminto sa trabaho dahil gusto siyang makausap. Nagtatanong-tanong sila kung ano ang nangyari sa kaniya simula nang umalis sila sa probinsiya at lumipat sa siyudad.
Soledad answered them honestly especially about her mother’s battle against cancer. Some turned emotional hearing the story while Soledad remained positive because she is there to be happy.
Hindi na niya sinabi ang tungkol sa muntikang pagbagsak ng kanilang kompanya. Hindi rin niya kinwento ang pagpapakasal niya sa isang matandang lalake para maisalba ang kaunting natitira sa kanila pati na rin ang kaniyang ama.
Soledad thinks that it is something that she can’t share anymore to them. Pumunta siya sa probinsiya para kalimutan ang lahat nang 'yon pansamantala at kung sasabihin niya ang tungkol doon, lagi lang siyang mapapaalalahanan ng buhay niya na tila sira na.
Nang tanghali na ay dumating ang mga pagkain na ipinadala ng mayordoma na labis niyang ipinagpapasalamat. She has something to share with the farmers now. They had a happy lunch and everyone is delighted eating the delish meals from the mansion.
Sa tuwing napapatingin siya sa mga naroon ay naalala niya ang mga pagkakataon na kasama niya ang kaniyang mommy noong bata pa siya, sa lugar din na 'yon mismo. It is making her happy and warm.
Napunta ang tingin niya kay Adi na medyo nakadistansya sa kaniya at kumpol ng mga magsasaka. Nalaman niya na anak ito ng isa sa mga magsasaka roon at kaya narito si Adi ay dahil tumutulong sa pagsasaka.
Napunta ang tingin niya sa plato nito. She realized that there is no single trace of food on his plate that came from the mansion. Kung ano ang baon nito na pritong isda ay iyon lang ang naroon pati ang kanin.
Habang silang lahat ay nagsasalo-salo sa pagkain na pinadala ng mayordoma mula sa mansion, walang kinuha si Adi kahit isa mula roon.
“Why don’t you get a food here? Ang dami, oh?” she said, failing to stop herself from being nosy.
Gusto lang naman niya na kumakain nang maayos ang lahat.
Dahan-dahang nag-angat ang ulo ni Adi saka tumitig sa kaniya. Tinaasan niya ito ng kilay saka sinulyapan ang pagkain, sinisenyasan ito na kumuha ng pagkain.
Tinitigan lang siya nito habang kumakain gamit ang kamay katulad ng lahat. Tanging si Soledad lang ang gumagamit ng kutsara't tinidor.
"Hindi na kailangan," tanging turan nito nang senyasan niya muli. Tumutok na muli si Adi sa kaniyang pagkain.
Napasimangot nang bahagya si Soledad. Sa kagustuhan na asarin si Adi ay nilingon niya ang ina ng lalake saka pinigil ang ngisi.
"Nanay Ayen, bakit po hindi kumukuha nang pagkain si Adi? Mukhang tinitipid niya ang sarili niya. Ang daming pagkain..." Umiling-iling pa siya.
She managed to memorize their names when they introduced themselves to her.
Ang ina ni Adi ay agad na nilingon ang anak saka tinignan ang plato nito. Ang lalake naman ay napatingin sa kaniya gamit ang malalamig na titig. Pinigilan niya ang ngiti saka tila inosente na tumutok muli sa pagkain.
“Adi, anak! Kumuha ka rito. Masama na tinatanggihan ang pagkain. Ang dami, oh!" ani Nanay Ayen na sinundan pa ng pag-aya ng iba pang matatanda roon.
Soledad glanced at Adi who immediately moved to follow what his mother just said. Nagtagpo pa ang mga mata nila at mukha itong hindi masaya habang siya ay tagumpay ang nararamdaman. She almost laughed and shook her head in disbelief. How surprising to see a man, a grown man following his mother's order in an instant.
Mukha ng nasa mid 20's si Adi pero sobrang masunurin pa rin sa ina na parang bata. That is just so rare to see! Amazing.
AFTER lunch, the farmers rested a bit before going back to work. Nagpaalam sa kaniya si Oli, may kailangan lang daw gawin saglit. Naiwan su Soledad sa ilalim ng lilim ng higanteng puno. She hugged herself when the cold wind passed by. Gumuhit ang ngiti sa labi niya habang pinagmamasdan ang payapang view. Pakiramdam tuloy niya ay bumalik siya sa panahon na bata pa siya at kasama pa ang kaniyang mommy.
Para mas ma-enjoy ang preskong pakiramdam ay tumayo siya at tumungo sa papag na gawa sa kahoy at kawayan. Sa tabi lang ito ng puno. Doon siya umupo at hindi nagtagal, humiga na rin siya dahil para siyang hinihila nito.
Soledad stared at the leaves and it slowly turned blurry as she fell asleep. Napangiti siya at inisip na naroon pa rin ang kaniyang mommy at hinahaplos siya sa ulo.
In her dream, she saw her young self playing with the other kids. Anak iyon ng mga magsasaka. Among those children, there is a quiet and tall boy who is leaning against a tree. Pinapanood lang siya at binabantayan at sa tuwing nadadapa siya o natutumba, agad siya nitong tinutulungan para makatayo.
Unti-unting napamulat si Soledad nang maramdaman na may nakatitig sa kaniya. Dahan-dahan siyang napaupo at tumingin sa paligid niya ngunit wala siyang nakita na kung sino sa malapit.
Sa hindi kalayuan naman ay abala pa rin ang mga magsasaka sa kanilang trabaho. Her brow rose when she felt something different. Nang yumuko siya ay nakita niya ang isang malinis na sleeveless shirt, nakapatong sa palda niya at pinipigilan ito na umangat dahil sa malakas na hangin. Inilagay iyon doon para hindi makita ang suot niya sa ilalim ng palda.
Dinampot niya 'yon, nagtatakha kung kanino. Inamoy niya pa 'yon at hindi napigilan na purihin ang bango. Bagong laba nga 'yon.
She looked around again. Napunta ang tingin niya kay Adi sa 'di kalayuan, kasasara lang ng bag at pabalik na sa pagsasaka.