Chapter 2

2521 Words
Lumipas ang mga oras at hindi na masakit sa balat ang sikat ng araw. Naglakad-lakad sila ni Oli sandali bago nito napagpasyahan na dalhin siya sa isang lugar. Oli told her that he knows a place that would be spectacular to go to especially that the sun would start setting soon. Nagpaalam na siya sa mga magsasaka at nangako na bibisita ulit sa mga susunod na araw. Soledad rode the vehicle again so they could go to their next destination fastly. Hindi katulad kanina, na-enjoy niya na ngayon ang biyahe kahit medyo bumpy pa rin ang daan. Lalo na't ang mga nakikita niya sa dinaraanan nila ay mga bata na naglalaro ng saranggola. For her, it is heartwarming to watch them. Excited na excited siya sa pupuntahan nila. Sa paraan kasi ng pananalita ni Oli na puno ng pagmamalaki, naiisip niya na maganda talaga ang lugar. Kaya nang huminto ang sasakyan sa may paanan ng bundok, kunot-noo niyang tinignan ang lalake, nagtatakha bakit ito huminto na. She even looked around to check the place and in her dismay, there is nothing to see there. “We going to watch the sunset... here?” tanong niya nang tignan muli si Oli, bahagya ng naiirita. Ang malapad at creepy na ngiti nito ay naka-display na naman. "Baba ka muna, Señorita. Aakyat tayo riyan, oh!" Itinuro ni Oli ang bundok sa kanilang harapan. "May cliff sa taas niyan. Napakagandang pwesto para panoorin ang sunset," aniya nang puno ng energy. Soledad’s lips parted a bit in disbelief then she chuckled confusedly. "Papaakyatin mo ako sa bundok? Nababaliw ka na ba?" Hindi na niya natago ang sobrang inis. Kabado naman na tumawa si Oli saka napakamot nang nakita ang salubong na kilay ng señorita at namumulang pisngi. "H-huwag ka mag-alala, Señorita. Tignan mo 'yon..." Itinuro niya muli ang bundok, doon banda sa may parte kung saan ang pataas na lupa ay kinorte na hagdanan. Mula sa taas ay may lubid doon na diretso pababa para may hahawakan ang mga aakyat doon. "Hindi mahirap umakyat, Señorita. Pangako, worth it ang view sa taas kaya tara na!" Soledad almost rolled her eyes. She crossed her arms in front of her chest. Annoyed, her lips are a bit pouting. Hindi naman kasi siya handa maging adventurous ngayon. Ngunit napagtanto rin niya na siya ang pumili na mag-stay sa gano'ng klaseng lugar kaya dapat niya i-enjoy ang bawat sandali. She needs to accept the fact that wandering in that province means that she would need to climb a mountain sometimes. Napabuntong-hininga siya at tinignan muli ang nasa harapan. Now that she is calming, she realized that it is just a hill. She was just overwhelmed that she thought that it is a really tall mountain. "Fine! Make sure it would be worth it. Kapag hindi, lagot ka sa akin dahil pinagod mo ako nang sobra!" banta niya saka bumaba sa sasakyan. Napapalakpak si Oli ngunit humina iyon at lumiit ang kaniyang ngiti nang makita ang matatalim na titig ni Soledad. He then stood straightly and gave her a salute like what soldiers do. “Yes, Ma’am!” Pinangunahan ni Oli ang pag-akyat. She looks at his steps to imitate it, para lang masiguro na hindi siya magkakamali at madudulas. Mahigpit ang hawak niya sa lubid bilang pagsuporta sa kaniyang pag-akyat. Ang kasama naman niya ay nililingon siya maya-maya habang siya ay naka-focus sa ginagawa. Napahabol siya ng hininga dahil sa matataas na steps ng hagdan na gawa lang sa lupa. Kailangan talaga niya maging maingat. Habang pataas ay lalo siyang hinihingal nang bahagya. "Malapit na tayo, Señorita. Limang hakbang na lang," masayang ani ni Oli, sinusubukan siyang i-motivate. Soledad rolled her eyes but deep inside, she was relieved. She exhaled sharply when they finally reached the top. Nang tuluyan na niyang naiangat ang ulo mula sa pagtingin sa kaniyang mga paa, bahagya siyang natigilan nang makita ang lugar. Sa tuktok na 'yon ay maraming tao, karamihan ay mga bata na nagpapalipad ng saranggola. Mangha sa nakikita, kumurap siya at wala sa sariling napahakbang para mas makita ang lugar. The trees are tall and huge that the sunlight can’t pass through easily. Ang pinakanakakuha ng atensyon niya ay ang cliff. Marahan siyang naglakad palapit doon para tignan ang nasa baba. She saw houses and some buildings. Nakikita rin niya ang malawak na dagat sa malayo. Ang asul na asul na tubig noon ay lalong nadepina dahil sa puting buhangin. “Beautiful…” she whispered under her breath. "Sabi ko sayo na sayo, Señorita!" tuwang-tuwa na saad ni Oli. A smile slowly crept on her lips. Luminga siya at nakita ang iilang grupo na naroon ay nakaupo sa malaking tela, nagpi-picnic. “Worth it, 'di ba?” excited na ani ni Oli, bahagya pa siyang binangga saka siya kinindatan. Nawala ang ngiti niya saka ito tinapunan nang matatalim na titig. “Yes, it us worth it. If you don’t stop ruining my mood, you’ll be dead!” she warned. Napakurap si Oli saka kabado na tumawa bago umakto na sinara ang labi niya na tila zipper. Napairap si Soledad bago muling tinignan ang view. It's spectacular. “Oli? Oli! Sino 'yang kasama mo, ha!?” Isang eskandalosang tinig ang sumira sa kapayapaan ng lugar. Soledad inhaled sharply in annoyance then looked at that person. Nakita niya ang grupo ng tatlong tao na palipat-lipat ang tingin sa kaniya saka kay Oli. The scandalous girl looked at her angrily while her friends are looking at her with judging eyes. Soledad crossed her arms. “Honeybunch?” kabado na saad ni Oli sa galit na babae. “L-let me explain!” dagdag niya na para bang nasa delikadong sitwasyon. Soledad grimaced because of his words. Kung umarte ito, akala mo ay talagang may namamagitan sa kanila! Tinignan niya ang galit na babae, sunod ay kay Oli at napagtanto na magkasintahan yata ang dalawa. “Talaga, Oli? May iba kang kinakalantari kapag hindi tayo magkasama!?" puno ng panghuhusga na saad ng babae. Hindi na napigilan ni Soledad na makisali kaya naman iritado ang ekspresyon niya nang humakbang. "Excuse me? Ni hindi mo iniisip kung gusto ko ba si Oli. Don't you dare link me to your boyfriend. He's just my tour guide, okay? No one will steal him from you," she uttered, as if she's disgusted. May dunating na dalawang lalake na may mga dalahin. Ang isa ay agad napatitig kay Soledad. Napangiwi si Oli saka napahawak sa dibdib, umaarteng nasasaktan. "Grabe ka naman, Señorita Soledad! Grabe ka magsalita. Ouch! Parang sinasabi mo na 'di ka papatol sa akin!" Soledad's lips twisted a bit. "Hindi nga!" malakas niyang saad at umirap. S “S-señorita Soledad?” Hindi makapaniwalang saad ng babae na unti-unti ng kumakalma. “Oo, honeybunch. Inutusan ako ni Nana Rona na samahan si Señorita at maging tour guide niya." Nanlaki ang mga mata ng girlfriend ni Oli saka nahihiyang ngumiti sa kaniya. "S-sorry, Señorita! Sorry sa ginawa ko. Siyempre, nabigla ako!" Natawa pa ito nang bahagya. "Masaya akong makita ka. Bakit hindi ko ba 'yon naisip, eh kalat dito na darating ka!" Tumingin si Soledad sa babae saka napailing. "It's okay. Nice to meet you...." aniya. Tila nabigla ang grupo sa sagot niya. Malamang ay hindi inakala na gano'n ito kadaling kausap. The man who has been staring at her intently smirked then he stepped towards her. “Adan,” pakilala niya aka ipinakita ang ngiti na laging nakakaakit ng mga babae. Ang kamay niya ay nakalahad din. Soledad looked at the guy then scanned him. He seems familiar.... “Soledad.” Tinanggap niya ang kamay nito. Agad na pinaglayo ni Oli ang mga kamay nila saka sinamaan ng tingin si Adan. "Huwag na huwag mong gagawing target si Señorita! Tigilan mo 'yang pagiging playboy mo, Adan!" matapang na banta nito sa lalake na di hamak na mas malaki pa sa kaniya. Inosente na tinitigan ni Adan si Oli saka kumunot ang noo. "Ano'ng sinasabi mo, Oli? Hindi ako ganon." Mahina itong humalakhak pagkatapos. Soledad eyed the two then she stopped herself to smirk. Hindi niya kailangan ng proteksyon ni Oli kung gagana ang pagiging playboy sa kaniya ni Adan. She is not even affected by his presence. Sanay na siya sa mga gano'ng tactics at kahit kailan ay hindi nahulog. “You're familiar but I can’t remember where I saw you,” Soledad uttered. Tinignan siya ni Oli. "Kapatid siya ni Adi, Señorita. Naalala mo 'yung lalake kanina sa may sakahan, si Adolfo. Magkahawig sila kaya siguro pamilyar sayo." She eyed him and finally understand the familiarity. They have a lot of resemblance! Tinitigan niya si Adan na kinindatan pa siya. Soledad chewed the inside of her cheeks then looked away to hide her smile. Guwapo ito pero para sa kaniya, mas guwapo ang kuya. The other introduced themselves. Oli’s girlfriend is Sonia. Couple din si Ruben at Eliza habang ang tahimik na babae pero palangiti ay si Nina. Naglagay sila nang malaking blanket sa damuhan. Magkakaroon sila ng picnic at inimbita na rin nila si Soledad. Hindi na siya nakatanggi at doon umupo sa may dulo ng blanket para mas malapit sita sa cliff at view. Inihanda naman nina Sonia ang mga pagkain na dala nila. May mga simple sandwich, nilagang saging, hard-boiled egg, tapos orange juice sa isang malaking jug. Nalaman ni Soledad na madalas pala 'yon ginagawa ng magbabarkada bilang bonding. "Hala! Apat na plastic cups lang ang nadala," anunsyo ni Eliza saka nilingon ang nobyo at bahagyang kinurot ito. "Bakit mo kinalimutan magdagdag. Sabi ko sayo, 'di ba?" Nahihiyang ngumiti si Ruben saka napakamot sa ulo. "Ganito na lang, share kami ni Oli," suhestiyon ni Sonia. "Ikaw naman Eliza 'tsaka Ruben, share din. Tapos ang dalawa na natitira ay kay Nina saka—" Nahinto siya saka napatingin kay Soledad at Adan, lito kung kanino mapupunta ang baso. Agad na umiling si Soledad. "Go on, don't worry about me. Okay lang ako. I'm just here for the view." Medyo nahihiya siya na nagkakaroon pa ng komplikasyon dahil sa presensya niya. Ni wala nga siyang dala para sa picnic na 'yon. Agad na nag-ilingan ang magkakaibigan. "Kay Soledad na lang. Saka na ako iinom pagkatapos niya," ani Adan saka siya nginitian. "Oh no, don’t bothe---" Sonia cut off Soledad words and handed her the cup. "Ito po, Señorita. Kunin mo na!" She can’t do anything since they all wanted to give it to her. Nag-share din sila ng pagkain sa kaniya pero dalawang nilagang saging lang ang tinanggap niya. Laughter dominated their area as they talk to each other. Tahimik lang si Soledad at nakikinig sa kanila. Minsan ay napapangiti dahil sa usapan. Ngunit awtomatikong nawala ang ingay sa paligid at huminto sa pag-uusap nang mga naroon nang magsimula ng bumaba ang araw. Soledad stared at the sky. The wind harmonized with the breathtaking view. The sky is now painted with orange, pink, and violet colors making it look aesthetic. The sun is going down slowly like a burning ball of fire as if it is sinking on the vastness of the sea. From above, the crescent moon is a bit hiding behind the clouds, waiting for its turn to the throne. The stars slowly dominated the darker part of the sky. It is a beauty that no one could stop from showing. Anyone, in any age would surely love that view. Soledad smiled a bit in contentment. She’s going to watch every sunsets of her stay there so she would never forget that sometimes, ending is beautiful, too. “Oli.” Ang baritonong boses na 'yon ang bumasag sa payapang katahimikan ngunit nanatili ang mga titig ni Soledad sa kalangitan. The crescent moon is already done hiding behind the clouds. Pinapakita na nito ang sarili niya. “Adi! Dumating ka!" ani Oli. Noon napalingon si Soledad sa banda ng bagong dating. With the help of the lamps that are powered with the solar energy it collected throughout the day, she saw the man standing near their blanket. Their gaze met and she saw his smoldering eyes again. Nang hindi inaalis ang titig sa kaniyang mga mata, nagsalita si Adi. "Ihahatid ko na siya sa mansion. Hinahanap na siya ni Nana Rona." Bumaba ang tingin ni Soledad para iwasan ang titig ng lalake na hindi niya na kaya ang intensidad. Inayos na lamang niya ang skirt niya na bahagyang nagusot. "Ha? Bakit? Ako ang tour guide niya," ani Oli. "Ihahatid mo pa si Sonia, 'di ba?" tanong ni Adi na nagpatahimik sa kaibigan. Tumayo si Adan saka naglakad palapit sa kaniyang kapatid. Comparing their physique, you will know who the older one is. Mas matangkad si Adi at mas matikas ang katawan kay Adan. "Pwedeng ako ang maghatid sa kaniya, Kuya. Baka may gagawin ka pa," suhestiyon ni Adan. Tumayo na si Soledad at siniguradong hindi nakatupi ang laylayan ng kaniyang palda. Hinayaan niya ang dalawa na mag-usap kung sino maghahatid sa kaniya sa mansion. S "Ako na. Nanghihingi ng tulong sa akin si Hugo dahil malapit na manganak ang isa sa kabayo niya. Malapit lang ang rancho sa mansion ng mga Valerio." Si Adi na nga ang maghahatid sa kaniya. Nakatayo lang siya sa tabi habang nagliligpit na ang magkakaibigan. Nang tapos na ay si Oli ang nanguna sa pagbaba. Excited ang mga babae na umuwi kaya nagtakbuhan na ito pababa kaya naman siya ang nasa hulihan pababa sa hagdan. Dahil gabi na at 'di tulad niya ay hindi pa siya sanay sa hagdan ay nahirapan siya sa pagbaba. Sa pangatlong baitang ay muntik na siyang madulas. Mabuti na lang, may nakahuli sa bewang niya bago pa man siya tuluyang bumagsak. Nilingon niya ang nasa likuran at nagtagpo ang tingin nila ni Adi. Kabado siyang umiwas ng tingin. Akala niya ay siya ang nasa huli! Inalalayan siya nitong makatayo nang tuwid saka marahan siyang pinausog papunta sa gilid para makadaan siya. Nang nasa harap na niya si Adi, tahimik nitong pinahawak ang kanang kamay niya sa lubid saka nito hinawakan ang isa niyang kamay gamit ang kanan na kamay. Patagilid itong bumaba sa hagdan at mukhang sanay na sanay na habang pinapanood ang mga hakbang niya, sinisigurado na 'di na siya madudulas. "Nakalimutan ko! Salamat sa pag-alalay kay Señorita, Adi," ani Oli na nasa baba na pati ang iba pa. Ang dalawa naman ay kabababa pa lang. “Thanks…” Soledad said with a low voice and she immediately pulled her hand from his hold. Nagpaalam na ang grupo sa kaniya. Nagpasalamat naman si Soledad kay Oli pati sa kanila. Ang magkakaibigan ay hindi pa rin mapigilan na mamangha sa mabuting pakikisama ni Soledad. "Tara na," saad ni Adi saka humakbang palapit sa isang motorsiklo. Natigilan sandali si Soledad sa pagkalito, kapagkuwan ay napagtanto niya na si Oli ang mag-uuwi ng sasakyan na ginamit nila kanina. Ngayon ay sasakay siya sa motorsiklo ni Adi. Sasakay siya sa may likod nito. Adi gazed at her intensely, waiting for her to come. Nang makalapit na siya ay inabot sa kaniya ang helmet. Napalunok si Soledad nang malalim at tinitigan iyon, sunod ay ang motorsiklo. Why is she suddenly feeling nervous?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD