Chapter 3

3079 Words
Inalalayan siya ni Oli para makasakay matapos niyang suotin ang helmet. He also instructed her to hold on Adi's shoulder or waist but she immediately refused to do it. "I don't need to do that. Sanay akong sumakay sa motorcycle," aniya at nagkibit-balikat. Totoo naman 'yon dahil may mga kaibigan siya noon na sinasama siya sa mga road trip paminsan-minsan. But she held on them from time to time. Bagay na hindi niya gagawin kay Adi. Makakauwi siya nang hindi 'yon gagawin. "Pero, Señorita—" ani Oli na hindi natapos. "Hayaan mo siya," saad ni Adi. The motorcycle roared to life as he started the engine. "Drive safe, Kuya," paalala naman ni Adan na pinagmamasdan siya. Tumiim lang ang bagang ni Adi at hindi na nagsalita. Nang umandar na ang motor ay napaayos ng upo si Soledad. Tumikhim siya at napahawak nang mahigpit sa sarili niyang mga hita. It's already dark and the light from the motorcycle is their only guide on their way. Ang kaninang maliwanag na daan at maraming batang naglalaro ay tahimik at madilim na. Malamig pa ang simoy ng hangin kaya medyo natatakot tuloy si Soledad. She bit her lower lip and tried to think about other things. Napatikhim ulit siya. Ang ingay lang galing sa motor ang umiistorbo sa katahimikan ng tinatahak nilang daan. Kapwa sila hindi umiimik. And it was an awkward silence. Mahina siyang napamura nang magsimulang maging maalog ang biyahe. Muntik na siyang mapakapit kay Adi sa pagkataranta na baka mahulog siya. "Dámn it!" she murmured under her breath. Mas nagiging maalog pa ang biyahe dahil sa lubak-lubak na daan. She felt more nervous as she felt that she might fall anytime soon from the motorcycle. Napakurap siya nang bumagal ang takbo ng motor at tuluyan itong huminto sa gitna ng madilim na daan. She watched Adi's broad back in confusion. Nilingon siya nito at naaninag niya ang mukha nito na may bahid ng iritasyon. "Kumapit ka na sa akin dahil hindi malabong umuwi ka ng puno ng gasgas kung ipagpapatuloy mo ang katigasan ng ulo mo," mariin na saad ng binata sa kaniya. Tinaasan niya lang ito ng kilay at sinimangutan. No way. Naiinis siya rito and there's no way na hahawak siya sa binata. Gumalaw ang panga ni Adi at halos irapan siya bago pinaandar ang motor. Biglaan iyon kaya awtomatikong napayakap siya sa bewang ng lalake. Kasabay no'n ay ang pagtili niya. "Jérk!" mariing bulong niya at napilitang hindi na bumitaw sa lalake dahil mas lumala ang pag-alog sa bilis ng takbo ng motor. Mahigpit pa ang kapit niya rito. Her cheeks reddened as she felt her boóbs squished against his hard back. Dama pa niya ang matigas din nitong abs. Walang kaalam-alam si Soledad na tumaas ang sulok ng labi ni Adi para sa isang ngisi. He shook his head a bit. Matigas ang ulo ng Señorita. Pagtigil nila sa harap ng mansion ng mga Valerio, agad bumitaw si Soledad mula sa pagkakayakap sa binata. Tutulungan pa sana siya ni Adi bumaba pero agad niya 'yon ginawa nang sarili lang. Her forehead was creased as she removed her helmet. Ang mayordoma ay lumabas sa malaking pinto ng mansion at pinagsiklop ang mga palad. "Mabuti naman narito ka na, Soledad. Nagabihan ka, mukhang natuwa sa unang araw ng pamamasyal?" nakangiti nitong saad. Tipid na ngumiti si Soledad saka walang tingin-tingin na inabot kay Adi ang helmet. "Opo, Nana Rona. I enjoyed it," tipid niyang sagot at naglakad na palapit dito. Si Adi naman ay nilagay na ang helmet sa compartment sa ilalim ng upuan ng motor niya. Lalong lumawak ang ngiti ng mayordoma. "Mabuti naman kung gano'n..." saad nito at nilingon na si Adi. "Salamat sa paghatid dito sa alaga ko, Adi," aniya saka hinawakan sa braso si Soledad. Nahinto tuloy ang dalaga sa akmang pagpasok na sa mansion at pinagmasdan na rin si Adi katulad ng ginagawa ng mayordoma. Nakasalubong niya ng tingin si Adi. Ang walang kangiti-ngiti nitong mukha ay nagbago nang si Nana Rona na ang tinignan. Ngumiti ito sa matanda. "Walang anuman, Nana Rona. Uuwi na po ako," ani Adi. Tumango ang mayordoma at mabilis na nilingon si Soledad saka nakangiti siyang tinaasan ng kilay, tila may hinihintay na sabihin siya sa binata. Soledad blinked twice when she realized what the mayordoma wants. She sighed. Tama nga naman, kahit parang hindi agad sila nagkasundo sa unang araw pa lang ng pagkikita nila, nag-effort pa rin siyang sunduin nito. Lalo na't mas malapit sa pinagmulan nila ang bahay ng binata kesa rito sa mansion. "Thank you," she uttered monotonously. Tinanguan lang siya ni Adi at sumakay na sa motor. Muli itong nagpaalam sa mayordoma bago pinaandar paalis ang motorsiklo. Nakangiti siyang nilingon ng mayordoma nang naglalakad na sila papasok sa mansion. "Mabuti at nakilala mo na si Adi. Siya ang pinakamapagkakatiwalaan ko rito kapag kailangan kang samahan, sunduin, o bantayan. Kay bait ng batang iyon at responsable pa. Marespeto pa, napakagalang." Kumibot ang labi ni Soledad at may nais sabihin ngunit hindi niya na tinuloy. Ayaw naman niyang kumontra pa sa matandang ginang. Gusto na lang niya maglinis ng katawan at magpahinga. KINABUKASAN, maaga siyang nagising. Natulala pa siya nang ilang minuto sa malaking bintana niya sa kwarto, pinagmamasdan ang magandang view sa 'di kalayuan. She realized that she's really here in province to enjoy her freedom for limited time. She needs to make the most out of it. Naligo na siya at nagbihis. Natuto na siya sa kamalian niya kahapon sa sinuot na outfit. Ngayon ay nagsuot na lang siya ng denim jeans, itim na t-shirt na tuck-in sa kaniyang pantalon, at boots. She tied her head in a high bun, with some of her hair cascading down the both side of her face. Sakto ang outfit niya dahil ani Nana Rona sa kaniya, iniimbitahan siya ng may-ari ng mansion sa 'di kalayuan, pinapabisita siya sa rancho nito. Manganganak daw kasi ang alaga nitong kabayo at nais din sa kaniya ipa-experience talaga ang buhay probinsiya. Malapit na kaibigan daw ito ng kaniyang mga magulang dati noong dito pa sila nakatira. Bago bumaba ay sinigurado niyang masagana siyang nagpahid ng lotion na may mataas na sun protection. She just put liptint on her lips and nothing more. Hindi na siya nag-abala maglagay pa ng make-up dahil mainit lang iyon sa pakiramdam lalo na't baka mabibilad siya sa ilalim ng araw. Isa pa, akala mo'y naka-make up na rin siya dahil natural na kulay rosas ang pisngi niya, makinis ang mukha, at ang pilikmata ay makapal at talagang makurba. She has an effortless beauty. "Kumain ka muna, Soledad. Maya-maya ay darating na si Adi para dalhin ka sa rancho." Natigilan siya at napatingin sa mayordoma na abala sa paglagay ng pagkain sa plato niya. "Si Adi po?" paninigurado niya. Saglit siya nitong sinulyapan saka tumango. "Oo. Siya rin kasi ang tutulong sa pagpapaanak sa kabayo. Anumang oras ngayon ay manganganak na raw iyon kaya minabuti ko na lang na ipasabay ka kay Adi." Tumango na lang si Soledad at tinignan ang pagkain sa plato niya. Tinotoo talaga ng matandang ginang ang sinabi nito. Mukhang kay Adi talaga siya ipagkakatiwala nito sa buong stay niya rito. She shook her head mentally. Nasa kalagitnaan pa siya ng pagkain nang dumating si Adi sa mansion. She stopped on her track and eyed him from head to toe. Katulad niya ay nakamaong pants din ito, itim na t-shirt na perpektong yumayakap sa magandang hubog ng katawan ng binata, at naka-boots din ito na mukhang luma. Nagkatitigan sila at nakita niya ang pagsipat din nito sa kaniya. Nagmistulang terno sila ng suot. She immediately focused on her food again. "Narito ka na pala, Adi. Patapos na rin si Soledad kumain. Ang aga mo naman yata?" bati ng mayordoma. Ngumiti nang tipid ang binata. "Tinawagan na ako ng Don Esteban, dahil nag-labor na raw ang kabayo." Uminom na ng tubig si Soledad para tapusin na ang pagkain niya. She gracefully tapped her mouth with the table napkin. 'Di niya namalayang pinagmamasdan ni Adi ang bawat kilos niya. "Gano'n ba?" ani ng mayordoma at nilapitan si Soledad at tinignan ang plato niya. "Nabusog ka naman ba, hija? Di bale, may pagkain namang ihahanda ang Don Esteban para sayo." Tumayo na si Soledad at tipid na nginitian ang matanda. "Don't worry Nana Rona, I'm full. Aalis na po kami..." Sinamahan sila ng mayordoma palabas ng mansion. Naroon na naman ang motor ni Adi sa harap ng pinto. Inilabas ng binata ang helmet na ipasusuot sa kaniya. "It's fine, 'di na ako magsusuot niyan," tanggi ni Soledad nang iniabot sa kaniya iyon ng binata. Tumaas ang kilay ni Adi. "Suotin mo." Tinaasan niya rin ng kilay ang binata. "Why? Are you a reckless driver kaya need ko 'yan?" aniya sa natural niyang maarteng tono. Mariin na tumikom ang mga labi ni Adi. Pinigil niya ang mapangisi sa kaartehan ng Señorita sa pagsasalita. "Kahit isang beses, hindi pa ako naaksidente pero mas mabuti na ring suotin mo. Kakapit ka rin sa akin sa biyahe." Kumunot ang noo ni Soledad. "What? No way. Maaga na, just avoid the lubak-lubak na daan." Tinitigan lang siya ni Adi saka nagkusa na itong isuot sa kaniya ang helmet. Halos mapaatras siya sa biglaang paglapit nito sa kaniya. Nahigit ni Soledad ang paghinga nang maglapit ang katawan nila. His manly scent invaded her nostril and it made her feel something in her stomach. Napaangat siya ng tingin at nagkatitigan sila ni Adi. His intense amber eyes were staring at her intently as he put the helmet on her head. Napakurap si Soledad at umiwas ng tingin. Mariin siyang lumunok. "Soledad, sumunod ka na lang kay Adi, ha? Mas maalam siya rito. Hindi natin alam ang disgrasya..." ani Nana Rona na siyang nagpaalala kay Soledad na hindi lang sila ni Adi ang naroon. Tumaas ang sulok ng labi ng binata at sumakay na sa motor at agad naman umangkas si Soledad. She sighed in defeat and slowly held on his wait. Nakahawak lang siya ngayon, hindi katulad kagabi na napayakap siya sa pagkataranta. "Adi, pakiingatan si Soledad, ha?" paalala ng mayordoma. She glanced at the old woman. Kahit kontra siya sa mga utos nito na sumunod na lang kay Adi ay hindi na siya nagsasalita dahil alam niyang kapakanan niya lang ang iniisip nito. And it's been a while since she felt that someone genuinely cares for her. She must appreciate it. "Ako na ang bahala, Nana Rona," ani Adi bago tuluyang pinaandar ang motor. Angkas siya ng binata sa motor patungo sa rancho. Maaga pa at hindi pa matindi ang sikat ng araw ngunit marami na siyang nakitang mga tao na abala na sa kaniya-kaniyang trabaho. Lahat ay bumabati kay Adi, tapos ay mapapatingin sa kaniya. 'Yong mga nakakakilala ay binabati rin siya bilang Señorita. Ang iba naman ay curious na nakatitig sa kaniya. Pagdating nila sa rancho ay binaha ng excitement ang dibdib niya. Malawak ang lugar. Maraming puno ng iba't ibang klaseng prutas sa paligid. Sa mismong rancho ay marami ding mga hayop na inaasikaso ng mga kalalakihan na naroon. Napatingin ang halos lahat ng naroon sa kanila nang naagaw ang atensyon ng mga ito dahil sa tunog ng motorsiklo. Itinigil ni Adi ang motor at agad na bumaba si Soledad saka tinanggal ang suot na helmet at inilibot ang tingin sa paligid. "Adi, ipakilala mo naman kami sa kasama mo!" saad ng isa sa mga binata sa kumpol ng mga kalalakihan doon. "Chix ah!" Pabiro itong sinapak ng katabi. "Ang aga-aga ng pagiging babaero mo, tol!" saway nito saka sumulyap din kay Soledad. "Pero pakilala mo naman kami." Soledad didn't mind them. Pinagmasdan niya lang ang paligid. Adi on the other hand, seems to activate his protective instance. Imbes na lumapit sa mga iyon para bumati katulad ng madalas niyang ginagawa ay tinanguan niya lang ang mga kalalakihan na naghihintay sa paglapit nila saka nilingon si Soledad. "Tara na. Hinihintay na tayo ng Don." "Okay," sagot ni Soledad at pinantayan na sa paglalakad ang binata. Nagbulungan ang kumpol ng mga kalalakihan, dismayado sa ginawa ni Adi ngunit walang nagtangkang magsalita sa kaniya. Pinanood na lang nila ang paglakad palayo ng dalawa. Tumungo sila sa kwadra kung nasaan ang mga kabayo na pinapakain ng mga tauhan ng Don. Soledad stared at the animals in awe. Naaalala niya na ilang beses na siyang nakasakay ng kabayo, ang ilan doon ay malalabong alaala no'ng bata pa siya. It's one of the core memories she had when she was still a little girl. Magpi-picnic silang pamilya tapos ay isasama siya ng kaniyang ama sa pangangabayo sa kalawakan ng hacienda nila habang ang kaniyang ina ay masaya silang pinapanood. "Adi, mabuti dumating ka na. Manganganak na si Piper," ani ng matandang lalake na isa sa tauhan na nagpapakain sa mga kabayo roon. Sinulyapan nito si Soledad na titig na titig sa mga kabayo. "Siya na ba si Señorita Soledad? Kay ganda naman talaga niya," saad nito saka humalakhak. Hindi umimik si Adi at nilingon na rin ang dalaga saka siya tumikhim dahil tulala lang ito at hindi man lang bumati sa mga naroon. Napakurap si Soledad saka nilingon si Adi. Ang mga kasama nito ay lahat may edad na. Bakas sa mukha ng mga ito ang pagkamangha na makita siya. She smiled. "Hello po, good morning. Ako po si Soledad," aniya at inilahad ang kamay. "Magandang umaga, Señorita. Ako si Edgar," pakilala ng katabi ni Adi kapagkuwan ay tinignan ang kamay niya. "Naku, marurumi ang kamay namin. Huwag mo na kaming kamayan, Señorita," ani ng matanda at humalakhak. Kaniya-kaniyang pakilala ang mga tauhan ng Don na naroon. Soledad smiled at them genuinely and repeated their names as she acknowledge them. "Ito na ba ang unica hija ng mga Valerio?" malakas ang masayang boses ng Don habang naglalakad palapit sa kanila. Nilingon ni Soledad ang paparating. Halos kaedad lang yata ng Daddy niya ang Don Esteban ngunit halatang malusog pa at malakas ito, hindi katulad ng ama niyang sakitin na. Soledad smiled at the old man. "Ako nga po. I'm Maria Soledad..." pakilala niya at inilahad ang kamay nang makalapit ito. Malakas na humalakhak ang Don saka tinanggap ang kamay niya kapagkuwan ay marahan na inilagay ang palad sa ibabaw ng ulo ng dalaga, animo'y bata ang tingin sa kaniya. "Iilang beses lang kitang nakita no'ng bata ka pa dahil minsan lang ako noon tumira dito sa hacienda. Nakatutuwa na makitang ang laki-laki mo na. Kumusta ang Daddy at Mommy mo? Hindi na yata sila napapabisita rito?" Tipid na ngumiti si Soledad. "Okay naman po si Dad. Under medication siya. Ang Mommy po ay ilang taon ng wala." Napawi ang ngiti ng Don. "Oh, I'm so sorry! Hindi ko alam!" Soledad just smiled and nodded a bit. "Mabuti at pinaunlakan mo ang imbitasyon ko. Gusto kong maexperience mo talaga ang buhay rito sa probinsiya dahil iyon din daw ang gusto mo sabi ni Rona. Feel free to come here everyday if you want, hija!" "Salamat po. I'll definitely enjoy my stay here even more." Marahan na tinapik ng Don ang balikat niya bago bumitaw at nilingon si Adi. "Manganganak na si Piper, Adi. Halika na at tulungan mo sina Fern." Nilingon niya muli si Soledad. "Hindi ka naman ba maselan o takot makakita ng gano'n, Soledad? Kung hindi mo kaya, pwede naman kitang ilibot sa kung saan mo gusto." Mabilis na umiling si Soledad. "I'll go with you po. I want to see it. I'm not scared naman," she excitedly said. Humalakhak ang Don habang si Adi ay umiwas ng tingin at tumaas ang sulok ng labi saka naunang maglakad. Tama-tamang pagdating nila ay manganganak na nga ang kabayo. Agad na naghanda si Adi para tumulong doon. Si Soledad at ang Don ay nasa may gilid lang, nanonood sa pagpapaanak. Dalawang lalake ang kasama ni Adi sa pag-asikaso sa kabayo. "Nanganganak na pala si Piper— Oh, who's this beautiful lady, Uncle?" tanong ng bagong dating. Sabay na napalingon ang Don at si Soledad sa lumapit na lalake. He was a tall man but not as tall as Adi. Maputi ang balat nito at ang mukha ay maamo. But Soledad was sensing something. He's not a good boy as he looks like. "Jake, you're here. Akala ko ba ay hindi ka interesado manood?" Ngumiti lang ang binata, hindi inaalis ang tingin kay Soledad. "Siya ba 'yong anak ng binanggit mong kaibigan mo, Uncle?" Tumango ang Don saka inilahad ang kamay kay Soledad. "Siya nga, Jake, si Soledad. Soledad, pamangkin ko, si Jake. Nagbabakasyon lang din siya rito since 2 months ago." Soledad just smiled a bit to acknowledge him. "Nice to meet you," tanging saad niya. Naglahad ng kamay si Jake kaya tinanggap niya iyon. Imbes na hawakan lang ang kamay ay hinalikan ng binata ang likod ng kaniyang palad. "It's nice to meet you too, Soledad," nakangiti nitong saad habang titig na titig sa kaniya. Binawi niya lang ang kamay at tumango saka nilingon na ang pagpapaanak sa kabayo. Nakasalubong niya ng tingin si Adi ngunit agad nitong binalik ang tingin sa ginagawa. Gumalaw ang panga ng binata na tila may nakagagalit sa kaniyang ginagawa. "Have you tried riding a horse, Soledad?" tanong ni Jake na tumabi na sa kaniya. "Marunong ako. Pwede kitang turuan," dagdag nito. Humalakhak ang Don na nasa tabi rin nila. "Hindi ba't kagagaling lang ng pilay mo mula sa pagkahulog sa kabayo?" natatawang saad nito. Napasimangot si Jake samantalang si Soledad ay ngumiti lang habang nanonood pa rin sa kabayo. "Aksidente lang 'yon, Uncle. Marunong ako." Tumitig siya muli kay Soledad. "So, do you wanna try horse riding?" Soledad nodded. "Yes, I wanna try it pero hindi pa siguro ngayon," aniya, hindi man lang tinapunan ng tingin ang binata. "That's good. Magpapa-fully recovered lang din ako, then isasama kita sa next horse riding ko," excited na saad ni Jake. Nag-angat ng tingin si Adi. "Baka dalawa na kayong mapilayan no'n," aniya. Kumunot ang noo ni Jake. "What?" iritadong tanong niya. Malakas na tumawa ang Don. "Baka gano'n nga ang mangyayari, Adi. Huwag mo na idamay si Soledad, Jake. Kung gusto niya mag-horse riding, si Adi na ang bahala roon dahil siya ang marunong higit sa ating lahat." Tumaas lang ang kilay ni Soledad habang si Adi ay tumaas ang sulok ng labi. Tila may bahid ng pagyayabang ang mukha nang sumulyap kay Jake na tila iritado naman. "Ako na ang bahala sa Señorita," mariin na ani Adi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD