Chapter 4

3035 Words
Nang successful ng nanganak ang kabayo ay inasikaso na ito nina Adi kasama ang ibang tauhan at sumama ang Don. Naiwan tuloy si Soledad kasama si Jake na walang tigil sa kakadaldal tungkol sa kung anu-anong bagay. Nakaupo sila sa may porch sa harap ng mansion. Ang rancho kasi ay malapit lang din sa mansion ni Esteban. Soledad was bored to all of Jake's bragging stories and she's not hiding that. Nakasandal siya sa upuan, magkakrus ang braso sa may dibdib niya habang halos walang emosyon sa mukha. "I'm into car race. You know, palagi akong champion do'n. Maybe pwede kitang isama soon so you can watch me compete," nakangisi na saad nito, may bahid ng pagyayabang ang mukha at tinig. Kumibot ang labi ni Soledad saka sumimsim sa baso ng juice na nasa harap niya bago nagsalita. "You know what? We just met and yet, sobrang dami mo ng invitation sa akin," aniya at tinaasan ito ng kilay. Natigilan si Jake kapagkuwan ay ngumisi. "Kaya nga get to know each other na tayo ngayon so you know me na? Right? Then sasama ka na sa akin," maangas nitong saad. She stared at him with sarcastic expression. "No way. Just, no way, Jake," she uttered simply. She was setting her boundary but the guy thought that she's just playing hard to get. He's taking her as a challenge. Ramdam iyon ni Soledad and she just can't believe his audacity. "Come on, Soledad. Quit playing around. I know I am your type. You're a city girl, you like a wild and adventurous guy like me," confident na saad ni Jake sa kaniya. Soledad chuckled in disbelief. Tumayo siya at akmang aalis na ngunit nakita niya ang Don na palapit na sa kanila, kasama si Adi. Nagkatitigan pa sila bago siya tumitig kay Don Esteban. "How are you, hija? Did you enjoy talking with my nephew?" nakangiting saad ng Don nang makalapit na sa kanila. Nasa gilid nito si Adi. Nagkibit-balikat si Soledad at ngumiti. "Not really," aniya saka umiling. Humalakhak ang Don habang si Jake ay namula ang mukha sa pagkapahiya ngunit tumawa na rin. Si Adi naman ay mariin lang siyang pinagmamasdan. "Oh, that's bad. Anyway, let's go inside. Ready na ang lunch natin," ani ng Don. Nauna ang Don maglakad habang si Jake naman ay pinantayan si Soledad. Si Adi naman ay nasa likod nila, naririnig pa rin ang mga pamimilit ni Jake. "You will enjoy my company, Soledad. I'm telling you, give it a try. Sumama ka sa akin. I know a good club, 3 hours away from here. It will be worth it," ani ng lalake. Hindi na siya pinansin ni Soledad at mas binilisan na lang ang lakad patungo sa dining area ng mansion. Hanggang do'n ay hindi siya tinitigilan ni Jake na tinabihan pa siya sa mesa. Sa tapat naman niya si Adi at ang Don Esteban naman ang nasa puno ng mesa. Nakararamdam na siya ng iritasyon sa pangungulit nito na kahit ang Don yata ay napapansin na kaya pabiro ng pinahihinto si Jake ngunit tila wala yata itong pakialam. Ibinaba niya ang kubyertos na hawak saka nilingon si Jake. "I prefer to enjoy the province life, Jake. I came from Metro Manila, I'm not hungry for a city lifestyle. Kaya nga I went here sa province," mariin niyang saad. Kumunot ang noo ni Jake. "But—" "Hayaan mo na ang Señorita, Sir Jake," mariin na saad ni Adi na ikinalingon nilang tatlo sa lalake. Tiim ang bagang nito at seryoso ang mukha. "Alam niya ang gusto niya at hindi. Tanggapin mo ang pagtanggi niya." Nakatitig ito kay Jake habang sinasabi iyon. Soledad was surprised. He had the guts to stand up for her against the Don's nephew. Nilingon niya ang Don na tumango lang at hindi nagsalita sa sinabi ni Adi. Si Jake naman ay mukhang nainsulto pero bago pa ito magsalita ay sinulyapan na ito ng Don at inilingan. Nagkatitigan si Soledad at Adi. Tipid niya itong nginitian pero wala lang itong kibo na tumutok sa pagkain. Nagbukas ng topic ang Don para mabasag ang katahimikan. Tinigilan na rin siya ni Jake at nanahimik na ito sa buong durasyon ng lunch. Matapos kumain ay nilapitan ni Soledad si Adi bago pa siya madikitan ulit ni Jake. Hindi na natuloy ang paglapit nito nang magkalapit na sila ng binata. "Kailangan kong umuwi. Kailangan ni Nanay ng tulong ko. Gusto mo na ba umuwi sa mansion niyo o gusto mo manatili muna rito kina Don Esteban? Babalikan na lang kita mamaya..." ani Adi. Tumingala si Soledad para magkatitigan sila. "Sasama na lang ako sayo sa inyo. Ayoko pa umuwi and I don't like to stay here lalo na't mag-siesta naman si Don Esteban. I'll be alone with Jake na naman." Napasimangot siya nang maisip kung gaano kakulit ang lalake. "Are you sure?" ani Adi. "Baka ma-bored ka lang sa amin..." Nagkibit-balikat si Soledad. "Mas boring sa mansion kapag umuwi ako," aniya. Huminga nang malalim si Adi at tumango. "Magsasabi na muna ako sa mayordoma rito na kasama kita sa pag-alis para siya na ang magsabi sa Don," saad nito at naglakad na. Matapos magpaalam ay umalis na rin agad sila sakay ng motor. Nagkusa ng magsuot ng helmet si Soledad pati na rin sa pagkapit kay Adi. Nadaanan nila ang pinanggalingan niya kahapon kasama si Oli at ang mga kaibigan nito. Matapos ang ilang minuto na biyahe ay nakarating na sila sa bahay nina Adi. May kalakihan iyon, pawang gawa sa mga kahoy, kawayan, at pawid. Malawak tignan ang bahay nila Adi sa labas pa lang. Napapaligiran din ito ng malalaking puno ng mangga, tapos sa gilid ay may tambayan na gawa rin sa kawayan tapos may duyan pa. There is also a mini garden there dotted with vegetables and lots of plants. Soledad was amazed. Simple pero napakaganda ng bahay at paligid noon. Nagkatitigan sila ni Adi na sumulyap sa kaniya pero umiwas ito agad ng tingin. Bumaba na sila sa motor at itinabi na iyon ng binata. "Adolfo?" rinig niyang tawag ng ina ni Adi mula sa loob, malamang ay narinig ang ugong ng motorsiklo ng binata. "Sabi ko naman sayo ay kaya ko namang mag-igib, anak—" Paglabas nito sa pinto ay nanlaki ang mga mata nito nang makita si Soledad. Napangiti ito nang malaki at dali-dali siyang nilapitan. "Narito ka pala, Señorita! Isinama ka ni Adi..." tuwang-tuwa na saad nito. Soledad smiled sweetly. "Opo. Ayoko naman maiwan sa mansion ni Don Esteban and wala rin ako magagawa sa amin kaya sumama na po ako..." "Mag-iigib na muna ako, 'Nay..." paalam ni Adi. "Magbibihis lang ako." Tumango si Ayen ngunit nakatitig pa rin kay Soledad at humawak sa braso nito. "Halika sa loob, Señorita. Mabuti naman at napabisita ka. Ito kasing si Adi, kahit maraming gagawing trabaho sa maghapon ay walang palya na uuwi ng ganitong oras para ipag-igib ako ng tubig diyan sa kalapit na balon. Kaya ko naman pero ayaw akong hayaan gawin iyon kahit gaano pa kalayo ang pinanggagalingan niya," kwento ng ina ng binata. Pagpasok nila sa loob ay mas namangha siya sa bahay. Napakalinis sa loob at maganda ang interior pati na rin ang furniture na lahat ay gawa sa kahoy. Nasulyapan niya si Adi na nagbibihis sa kwarto nito. He was removing his shirt, showing his glorious body. Soledad unconsciously gazed on his body. He's really hot, she thought. Pag-angat niya ng tingin mula sa abs nito ay nahuli pala siya ni Adi. Tinaasan niya lang ito ng kilay at ibinalik ang tingin kay Nanay Ayen. "Maupo ka rito, Señorita..." Sumunod naman siya at tinignan ang ginang. "Sabi ko naman sa inyo Nanay Ayen, na Soledad na lang po ang itawag mo sa akin," aniya. "Hindi ko maiwasan," saad nito at humalakhak. "Sandali lang at ikukuha kita ng maiinom. Tamang-tama dahil magluluto rin ako ngayon ng banana cue para sa meryenda..." Pinagmasdan niya ang pag-alis ni Ayen. Soledad realized that his mother has a soft features. Maganda ito kahit bakas na ang katandaan sa mukha pero hindi ito kamukhang-kamukha ni Adi at Adan. Sa ama siguro nagmana ang magkapatid. Nasaan kaya ang tatay nila? "Dito ka muna. Mag-iigib ako," ani Adi paglabas ng kwarto niya. Tinignan ni Soledad ang binata. Nakapantalon pa rin ito pero sando na ang pang-itaas kaya lalong kita ang malalaki nitong braso. She licked her lower lip and tried to focus. "Okay, pero pwede ba akong sumama? Saan ka mag-iigib?" tanong niya. Kumunot ang noo ni Adi, kapagkuwan ay may bahid ng ngisi ang mga labi, nagpipigil. "Clingy type ka ba? Gusto mong sumama sa akin palagi." Napakurap si Soledad, kasunod ay ang pag-init ng pisngi niya. "What?" Inirapan niya ito, pinagtatakpan ang pagkapahiya sa pagtataray. Adi sighed and shook his head a bit, pinipilit na muling maging seryoso ang ekspresyon. "Dito ka na lang, mainit do'n. Maarte pa naman balat mo, pati ikaw, maarte," aniya at naglakad na palayo. "What? I'm not maarte, 'no?! I am just taking care of my skin," depensa niya pero hindi na siya pinansin ni Adi. Napairap ulit siya. Maarte? No, I'm not, isip niya. She can live here in the province pa nga. Naglapag ang ginang ng isang pitsel ng juice at baso sa maliit na mesa sa harap niya at pinagsalin pa siya. Bumalik ito sa kusina para magsimula na magluto ng meryenda. Si Soledad naman ay sumimsim sa juice bago tumayo at nilapitan ang pader kung nasaan nakalagay ang certificates and awards ng magkapatid. May cabinet pa na puno rin ng mga trophy. Her lips parted in surprise. Adan excelled in sports-related stuff. Basketball player pala ito. May iilan din sa academic. Samantalang si Adi ay puro academic ang awards. Mula elementary hanggang college. Lahat yata ng academic contest ay nasalihan at pinanalo ni Adi. Impressive ang lahat ng iyon, palaging champion. "Wow..." she whispered. "Adolfo Linarez is not just handsome and hot, he got a good brain." Puro dean's lister pa ito. Kumunot ang noo niya nang mapansin na hanggang 3rd year first sem lang ang awards nito sa college. "Señorita— Ah, awards ng dalawang anak ko 'yan. Ang sarap i-display. Nakakaproud..." ani Ayen habang palapit at tumabi sa kaniya, nakangiting pinagmamasdan ang mga awards na naroon. "Si Adan, 2nd year college ngayon, engineering ang kinukuha." "Si Adolfo po?" tanong niya habang ang mga mata ay nasa awards pa rin ni Adi. "3rd year na sana siya, engineering din ang course kaso ay napilitan huminto 2 years ago no'ng nagkasakit ako at nagsimulang mag-aral din si Adan ng college. Nagpaubaya siya. Kahit naman kasi scholar sila, malaki ang gagastusin pa rin sa mga activities at projects dahil nga engineering. Nagsakripisyo siya para kay bunso. At para na rin maalagaan at alalayan ako..." Nalungkot ang himig ng boses nito. "Sabi ko nga ay dapat tinuloy na lang niya pero mas gusto niya na mag-provide na lang sa aming dalawa ni Adan." Soledad felt a pinch on her heart. Mag-second year college na rin siya sa darating na pasukan sa pinasukan niyang university. She never had to sacrifice her study for anyone because they had the means to pay for it whatever happens. May nakalaan na para do'n kahit nalubog sila sa utang dahil sa Daddy niya. Samantalang sa pamilya nina Adi ay hirap ituloy ang pag-aaral kapag nagkaroon lang ng isang problema. "Sayang nga dahil maganda ang future na naghihintay sa kaniya pero iniwan niya dahil mas gusto niyang alagaan ako at hindi masakripisyo ang kinabukasan ni Adan." She realized how privileged she was. "Ngayon, puro trabaho siya. Kahit anong trabaho, kaya niya. Marami kasing alam 'yon si Adi. Pinagkakatiwalaan nang marami. Simple man ang buhay namin, kahit kailan hindi kami naghirap nang sobra dahil na rin sa kaniya." Tumango si Soledad at napunta ang tingin sa pictures ng pamilya nina Adi. Wala talagang bakas ng tatay nila roon. Napangiti siya at pinagmasdan ang mga batang hitsura ng magkapatid. Gwapong-gwapo ang dalawa. They really look alike pero para sa kaniya ay angat si Adi. She enjoyed looking at them, hindi napapansin na unti-unti yatang nabubura ang inis niya sa binata. Saktong luto na ang meryenda nang natapos na rin sa pag-igib si Adi. Napasunod ng tingin si Soledad sa binata. Topless ito at basa ang buhok, mukhang dumiretso na sa pagligo matapos mag-igib. Napapatitig talaga siya sa magandang hubog ng katawan nito. Muli, nahuli na naman siya nito na nakatitig. Adi raised his brow to her, Soledad just looked away and looked at the food served in front of her. "Meryenda na tayo, 'nak. Ito, Señorita, kain ka na," ani Ayen. Sobrang appetizing tignan ang banana cue kaya sabik siyang kumuha. Si Ayen ay pumunta sa kapitbahay para magbigay ng meryenda roon. Nahinto siya sa akmang pagkagat nang tumabi sa kaniya si Adi matapos magsuot ng damit at kumuha din ng isang stick ng banana cue. She smelled his newly bath scent, he smells like a baby. Napatingin siya kay Adi na kumakain na. His sharp jaw moved as he chew. Sinulyapan siya ni Adi. "Bakit?" he asked. Pansin niya ang paninitig ng dalaga. Soledad shook her head. "Not that I like you but I must say that you're very good-looking," diretso niyang sagot. Natigilan sa pagnguya si Adi at tila hindi makapaniwala sa narinig. Of course, he knows that he's good-looking. Aware siya roon, pero binigla siya ng pagiging straight forward ni Soledad. Napakurap siya at tumikhim, hindi alam ang magiging reaction. He hears a lot of compliments everyday, so why can't he take it one from her? "It seems like God took all his time to make you perfectly," simpleng dagdag ni Soledad at tuluyan ng kumagat sa banana cue. 'Paano niya nagagawang maging sobrang casual sa gano'ng klase na pag-compliment sa akin?' tanong ni Adi sa isip. Unti-unting tumiim ang bagang niya nang may maisip. 'Sanay ba siya pumuri sa mga lalake? Playgirl ba ang Señorita?' Soledad glanced at Adi again and found him looking so upset. Bumuntong-hininga pa ito. "Bakit?" tanong niya. Adi just glanced at her, kunot ang noo. "Wala," masungit nitong sagot at nagpatuloy na sa pagkain. Kumunot ang noo ni Soledad at halos mapairap. Parang nagalit pa yata si Adi sa compliment niya. Parang nawala sa mood. Maya-maya ay dumating si Adan, galing sa sakahan. Biglang-bigla ito nang makita si Soledad. He displayed his usual playful smile. "Señorita, narito ka pala. Binisita mo 'ko?" he asked playfully. Soledad just glanced at him. Si Adi naman ay tinignan ang kapatid na lalapit sana kay Soledad. "Back off, Adan. Maligo ka muna. Amoy araw ka," mariin na saad ni Adi. Kumunot ang noo ni Adan at napaamoy sa sarili. "Nagpalit ako ng damit, Kuya bago umuwi. Nag-freshen up ako," nakasimangot nitong sagot. "Maligo ka. Hindi mo lang naaamoy ang sarili mo," sagot lang ni Adi. Soledad inhaled silently at tama naman si Adan, amoy fresh naman ito. Hindi halatang galing sa sakahan. "Tsk," ani Adan kapagkuwan ay sumulyap kay Soledad saka ngumiti. "Mabilis lang ako. Usap tayo," saad nito bago dali-daling pumunta sa sarili nitong kwarto. Paglabas ay may dalang tuwalya at damit, kumindat pa kay Soledad bago pumunta sa may banyo para maligo. Napailing si Soledad sa ikinilos ni Adan. Masyado itong playful. "How old is he?" she asked out of nowhere. "20," malamig na sagot ni Adi. Napatango si Soledad. "Oh, he's just one year older than me..." Hindi na umimik ang binata at nagpatuloy lang sa pagkain. Nagsalin ito ng juice sa baso niya at nang makitang wala na ring laman ang baso ni Soledad ay sinalinan niya rin iyon. She watched his movement closely. Ilang sandali pa ay may tumunog na cellphone. Tumayo si Adi at kinuha iyon sa ibabaw ng cabinet sa tabi. Soledad looked at his phone curiously. De-keypad iyon. Hindi siya makapaniwala na may gumagamit pa pala ng gano'n. "Señor, magandang hapon..." bati ni Adi sa nasa kabilang linya at humakbang palabas ng bahay. Tama-tamang nakabalik na ang ina ni Adi nang natapos na rin si Adan sa pagligo at bihis na rin. Fresh na fresh ang hitsura nito at ngisi agad ang bungad kay Soledad. "Adan, andiyan ka na pala..." ani Ayen nang makita ang anak. "Kumain ka na, sabayan mo si Señorita Soledad," saad nito saka nilingon siya. "Kumusta naman ang banana cue, hija? Nagustuhan mo ba?" Agad tumango si Soledad nang nakangiti. "Opo, Nanay Ayen. Sobrang sarap po." Natuwa naman ang ginang sa sagot niya samantalang si Adan ay tumabi na sa kaniya. Inilagay nito ang braso sa may likod ni Soledad kaya umupo siya nang tuwid at inirapan ang binata. Humalakhak ito. "Sungit mo pero ang ganda-ganda mo." Nagkibit-balikat si Soledad. "I know." Napatingin siya kay Adi na pumasok na sa bahay at tinawag ang ina. "May boyfriend ka na ba, Señorita?" ani Adan habang ngumunguya. Natigilan si Adi sa pakikipag-usap sa ina at nilingon ang dalawa. Umiling si Soledad. "Wala," aniya. Iyon ang totoo. Kaso asawa, meron. She sighed when she remembered that. "And I dont have plan na magkaroon," she added. Lalong lumawak ang ngisi ni Adan. "Mabuti naman." Akmang magsasalita ulit ito nang nagsalita na si Adi. "Tara na, Señorita. Ihahatid na kita sa inyo. Kailangan ko pumunta sa kabilang bayan, may trabaho ako." Napaangat ng tingin si Soledad. "Mamaya mo na lang ako ihatid pag-uwi mo. I wanna stay here pa and walk around kapag 'di na mainit masyado," aniya. Tumango si Adan. "Ako ang maglilibot sayo," presenta agad nito. Pinaningkitan ni Ayen ng mata ang bunso niya. Umiling si Adi. "Hindi ako makakauwi mamaya. Ilang araw ako ro'n. Halika na. Kailangan ko na rin umalis agad." Tumayo si Soledad, gano'n din si Adan. "Kung ako na lang maghatid kay Soledad, Kuya? Tutal nagmamadali ka. Ako na ang bahala sa kaniya mag-uwi mamaya..." determinadong saad ni Adan. Okay lang naman kay Soledad kung iyon ang mangyari. Hindi niya alam kung bakit pero komportable siya sa presensya ni Adan kahit makulit ito, kumpara kay Jake. Natigilan si Adi at matiim na tinignan ang kapatid. Bahagyang gumalaw ang panga niya. "Ako na, Adan. Ako ang kumuha kay Soledad doon, kaya ako lang din dapat ang maghahatid sa kaniya pabalik sa kanila," mariin na sinabi ni Adi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD