Chapter 5

3485 Words
Si Adi nga ang naghatid sa kaniya pauwi. Nang huminto na sa harap ng mansion ang motor, bumaba na siya at tinanggal ang helmet sa ulo. When she raised her head, she found Adi staring at her. Tinaasan niya lang ito ng kilay. "Thanks... sa paghatid," mahinahon niyang saad. She still wants to stay outside but Adi insisted to bring her home this early. Alas-tres pa lang ng hapon, maganda sanang makapaglalakad-lakad siya. But she also want to change her clothes already. Gano'n na agad ang gagawin niya and maybe take some rest. "Walang anuman," saad ni Adi saka inilagay na ang helmet sa compartment ng motor niya bago muling sumakay roon. Umatras si Soledad para panoorin ang pag-alis ng binata. Akmang ililiko na sana ni Adi ang motor ngunit natigilan ito. Ilang segundo muna ang lumipas bago niya muling lingunin si Soledad na tila nag-aalangan pa siyang gawin 'yon. "Baka bibisitahin ka ni Sir Jake dito, malaki ang tyansa na gano'n ang gawin niya..." ani Adi. Kumunot ang noo ni Soledad kapagkuwan ay nagkibit-balikat. "So? Edi libutin niya 'tong mansion na hindi pa fully renovated..." Adi flicked his tongue over his lips then his jaw moved. He looks hesitant to speak but he still did. "Iimbitahan ka ulit niya, kung saan." Umiling si Soledad at agad sumimangot maisip pa lang 'yon. "Hindi ako sasama sa kaniya. He's annoying." Agad na tumango si Adi. "That's good. Lalo na sa pangangabayo at pagpunta sa club. Kung gusto mo sumakay ng kabayo, hintayin mo ang pag-uwi ko. Ako na ang... bahala sayo. O 'di kaya, kay Tatay Edgar ka sumama. Mapagkakatiwalaan siya." Hindi umimik si Soledad at pinagmasdan lang si Adi. Ramdam din kaya ng binata na may something kay Jake kaya tila protective ito ngayon? "Kung club o bar, kung gusto mo pumunta roon, magtatanong ako sa kaibigan ko kung saan may safe at maayos na gano'n, sasamahan kita." Soledad can't help but to chuckle. "Wala sa mind ko ang pumunta roon. Sawang-sawa na ako sa gano'n, Adi," aniya. Natigilan ang binata nang marinig ang pangalan niya mula sa labi ng dalaga. He stared on her intensely without him realizing it. Napakurap si Soledad nang tila may lumikot sa sikmura niya dahil sa titig ng binata. Agad niyang tinalikuran ang binata. Masyado talagang intense ito. "Sige na, papasok na ako," aniya at dire-diretsong naglakad papasok sa mansion. Ilang segundo matapos niyang tuluyang makapasok ay saka lang niya narinig ang pag-alis ni Adi. She inhaled sharply then shook her head. Jake was really weird. Ultimong si Adi na indifferent sa kaniya ay ayaw siyang pasamahin kay Jake. Wala rin naman siyang balak. Mas pipiliin din naman niya na kay Adi na lang na masungit sumama, kaysa kay Jake na napakakulit at weird. "Kumusta naman ang pamamasyal mo, Soledad? Maaga ka yata ngayon?" Salubong sa kaniya ng mayordoma na si Rona. Soledad smiled a bit. "It's fine, Nana Rona. Umalis po kasi si Adi dahil may trabaho siya kaya hinatid niya ako nang maaga..." aniya. Tumango-tango si Nana Rona saka tumitig sa kaniya. Ngumuso ito na tila nangingiti at may gustong sabihin pero pinipigilan nito. "May sasabihin kayo?" she asked. Napangisi ang ginang. "Kumusta naman si Adi? Ano'ng tingin mo sa kaniya?" Napakurap si Soledad at napaisip sa tanong nito. Kung kahapon ay inis at iritado siya rito, ngayong araw ay medyo nagbago ang ihip ng hangin. Bahagyang kumunot ang noo niya. "Well..." panimula niya at napaisip. "He seems good. He is handsome, super good-looking..." Napangiti siya na unti-unti ring napawi. "Friendly siya, sa iba, maliban sa akin." Tila nabigla ang mayordoma. "Masungit ba siya sayo?" Nagkibit-balikat si Soledad. "Not really masungit po pero you know, parang medyo malamig ang pakikitungo niya sa akin kumpara sa iba." Kumunot ang noo ni Nana Rona. "Siguro ay naiilang siya dahil nga anak ka ng isang Valerio. Isa pa ay kahapon lang naman kayo nagkita, hindi ba? Nahihiya siguro ang binata," aniya saka mahinang humagikhik. Alanganin na ngumiti si Soledad. "I don't know and..." Umiling siya. "It doesn't really bother me if masungit siya sa akin. Maybe he's protecting someone's feeling..." Tinitigan niya ang mayordoma habang sinasabi iyon. "You know, baka magselos ang girlfriend niya?" Dugtong niya. Bigla na lang pumasok sa isip niya 'yon. Nanlaki ang mata ni Nana Rona at humalakhak. "Naku, Señorita, walang nobya iyon si Adolfo!" Natigilan siya. "Really?" Totoo ba 'yon? Sa gwapo niyang iyon? It will not be hard for him to find a girlfriend. Baka kahit anak pa ng mga mayayaman o makapangyarihang tao ay mahulog kay Adi kahit gano'n pa ang social status nito. Umiling ang mayordoma at ngiting-ngiti. "Walang girlfriend iyon." Soledad slowly nodded and smiled. Bakit gumaan ang pakiramdam niya sa narinig? The old woman's answer was a relief for her. Napawi ang ngiti niya nang may mapagtanto. "Magpapahinga na ako, Nana Rona. Bababa na lang ako for dinner," aniya at dali-daling tinalikuran ang ginang at halos tumakbo paakyat sa hagdan patungo sa kwarto niya. Is she interested to him? "Shít," she whispered. "Hindi 'to pwede. And for pete's sake, pangalawang araw pa lang na nakasama mo siya, Soledad. You're not easy!" mariin niyang bulong sa sarili. Pagpasok niya sa kwarto ay agad siyang naghubad at dumiretso sa bathroom ng kaniyang kwarto para mag-shower. She can't be interested to anyone. Hindi pwede. Siya lang ang mahihirapan sa huli. Her life is already hard enough. Hindi niya na kailangan ng panibagong problema. Pumikit siya nang mariin at dinama ang pagdaloy ng malamig na tubig sa katawan niya. She needs to reset her mind. Kahit kaunting interest sa kahit sino, hindi maaari. Mabuti na lang, hindi niya makikita ang lalake nang ilang araw. Sa mga sumunod na araw ay si Oli ang naglibot sa kaniya dahil wala nga si Adi. Limitado lang din ang oras dahil may trabaho ito. Madalas ay do'n siya dinadala sa unang pinagdalhan sa kaniya nito kasama ang mga barkada ni Oli kaya kasama tuloy siya sa bonding palagi. "Adan, lagi ka ng sumasama, ha? Dati naman minsan lang. Dahil siguro sa Señorita, 'no?" pang-aasar ni Sonia. Umugong ang tuksuhan sa kumpol nila. Soledad was unbothered. Pinapanood niya lang ang mga kasama. Adan smirked playfully and scratched on his head. "Gusto ko lang kayo maka-bonding, guys. Siyempre para na rin mas masaya ang experience ni Soledad, 'di ba?" Ngumiwi si Oli. "Sinasabi mo bang mas sasaya experience niya kung kasama ka?" Soledad chuckled then rolled her eyes. "Parang gano'n na nga," ani Adan at nagkibit-balikat. Nagkwentuhan pa ang mga kasama niya samantalang si Soledad ay tahimik lang na nagmamasid mula sa kinauupuan niya. The view is breathtaking and she loves it. Komportable naman na siya sa grupo nina Oli. Mababait ang mga ito at masiyahin, pero siyempre, matagal na itong magkakasama kaya madalas ay hindi siya maka-relate sa usapan. "Si Adi, kailan ba 'yon babalik?" tanong ni Ruben. Doon napalingon si Soledad sa mga ito. Si Adan ay nagkibit-balikat. "Hindi niya nasabi sa amin ni Nanay. Pero malapit na rin siguro. Never naman siyang lumampas ng isang linggo sa malayo," ani Adan. Nagsalubong ang tingin nila ni Soledad. He winked at her while Soledad just rolled her eyes. "Pag-uwi niya, swimming tayo sa may falls. Para ma-try na ni Señorita do'n!" ani Sonia. Nagtanguan ang magkakaibigan at mukhang excited lahat para sa kaniya. "Tamang-tama, medyo matagal na rin tayong hindi nakapag-swimming," saad naman ni Eliza. Soledad smiled at them. That sounds exciting. Gusto niya rin maranasan 'yon siyempre. "Tell me when para makakapagpa-prepare ako ng food natin," saad niya. Naghiyawan ang mga ito lalo na si Oli. "Pwede ba ako mag-request ng gusto kong pagkain, Señorita?" malaki ang ngiti na tanong ni Oli. Pabiro itong sinapok ng nobya niya. "Nakakahiya ka, Oli!" ani Ruben habang tumatawa. Soledad giggled as she watched them hit Oli playfully. "Pwede, Oli. Just tell me," natatawa niyang saad. Lalo naman natuwa si Oli at damay na roon ang buong barkada. ON the fifth day since Adi left for work, Soledad wondered in her mind when will he come back. Iyon ang una niyang naisip pagkagising. Limang araw na simula nang umalis ito. Ano kayang trabaho nito sa kabilang bayan? Wala siyang maisip na gagawin ngayon but she is feeling so energetic today kaya kailangan niya maghanap ng gagawin. Naligo lang siya at nag-ayos ng sarili. She wore a powder blue colored summer dress. Bitbit ang malaking sumbrero ay bumaba siya para mag-breakfast na. "Good morning, Nana Rona. Nakapag-water na ba ng plants sa front yard?" she asked enthusiastically. Umiling ang matanda habang sinasalinan ng tubig ang baso ni Soledad. "Hindi pa, hija. Maya-maya pa." "Ako na lang po ang magdidilig. I wanna do something," aniya at nagsimula ng kumain. Natigilan ang mayordoma. "Sigurado ka, Soledad?" She just nodded while chewing her food. "Sige, ipapahanda ko 'yong gagamitin mo. Kumain ka lang diyan," ani Nana Rona at umalis na. Nang natapos na siya kumain ay tumungo na siya sa front yard nila suot ang malaki niyang sumbrero. Maayos na ang mga halaman at bulaklak do'n. Mukhang freshly cleaned ang ibang parte, tinanggal na ang mga wild grass na panira sa view. Sa gilid-gilid ay marami pang hindi natanggal kaya do'n siya mag-focus muna sa maayos na. She opened the water source para may dumaloy na sa hose na hawak niya at nagsimulang magdilig. Soledad thought that she will enjoy it pero ilang minuto pa lang ang nakalilipas ay natulala na siya habang nagdidilig. She's thinking of a lot of things, some of it are about Adi. Specifically ay kung kailan ba ang balik nito. Pakiramdam niya ay boring na ang mga araw na lumilipas. She also wants to ride a horse na pero ayaw niyang pumunta kina Don Esteban nang wala ito dahil kay Jake. Atleast Adi seems to be able to handle that annoying guy. She sighed loudly and shook her head. Napaatras siya nang may umagaw bigla sa kaniya ng hose. "What the heck?" mataas ang boses na saad niya at masama ang titig na nilingon ang salarin. Dahan-dahan siyang kumalma nang makita kung sino ito. "Adi... you're here," aniya at nabahiran ng ngiti ang labi. Adi seems tanner than the last time she saw him and for her, it just made him look more attractive. Iyon ang gustong-gusto niyang kulay sa lalake, moreno. Nakasando ito at pantalon na may bahid ng mga dumi, mukhang maaga itong nagtrababo. On the other hand, Adolfo didn't know how to react when he heard how sweet and soft Soledad uttered his name. Iyon na yata ang pinakamagandang pagbigkas ng pangalan na narinig niya sa kaniyang buhay. His jaw moved as he clenched his jaw. Tumaas ang kilay niya nang makita na naka-summer dress ang Señorita at malaking sumbrero, akala mo ay nasa beach. "Ako na ang magdidilig, mamamatay ang halaman dahil nilulunod mo," aniya nang makabawi at umiwas ng tingin. Soledad's surprised reaction turned into a frown. "What? I'm watering the plants really well!" Itinuro niya ang mga halaman at binalingan. Umawang ang labi niya nang makitang basang-basa ang mga iyon pati ang lupa na kinatataniman. "Well, uhm..." "Ako na," ani Adi at ito na nga ang nagpatuloy no'n. Napasimangot siya at pinagmasdan na lang ang binata. Her eyes landed on his arm down to his forearm and hand that was holding the hose. Napakurap siya. The veins are protruding. Kailan pa siya naattract sa gano'n? "What are you doing here? Kailan ka pa nakauwi?" tanong niya. "Kagabi ako umuwi. Nagtatabas ako ng mga ligaw na halaman at damo rito sa inyo," sagot ng binata. Soledad's gazed went to his face. She can't help but to appreciate his face. It's close to perfection. Panga pa lang ay masyado ng maganda pati ang ilong. His thick brows and lashes emphasized the intensity of his amber eyes. And his lips, they are so red. Something snapped in her mind. Is she really crushing over this beautiful man? This is really bad. She promised to herself na hindi dapat siya magiging interesado kahit kanino and she was confident na madali iyon tuparin. She can't let herself be attached to anyone when her freedom will be taken away from her soon. But Adi... he's something. Pinalala pa yata ng pagkawala nito nang ilang araw ang munti niyang interes dito. "Kumusta ka?" tanong ni Adi at sumulyap sa kaniya. Halos mapatalon si Soledad sa pagkabigla sa baritono nitong boses dahil tulala siya. She composed herself. "I'm fine..." tipid na sagot niya. Nilibot niya ang tingin sa paligid. Sa 'di kalayuan ay nakita niya na may balde na may lamang mga iba't ibang tools na ginagamit sa mga ligaw na halaman at talahib. Kailangan niyang ilayo ang sarili kay Adi. Walang sabi-sabi na iniwan niya ang lalake at nilapitan iyon. Kinuha niya ang malaking tila gunting doon. "Ano'ng gagawin mo?" rinig niyang tanong ni Adi mula sa kinatatayuan nito. "I'll cut the grass!" sagot niya at dinampot na 'yon. "Tigilan mo 'yan, Señorita. Ako na ang bahala riyan," mariin na saad ni Adi. Hindi niya ito pinakinggan at nagsimula ng gawin ang gusto. She cut the grass in a really not good way but she thought that there's no rule when cutting them. The important thing is, she's getting rid of them at malayo siya kay Adi. Humakbang siya palapit sa mga damo para putulin ang mga bandang nasa likod ng mga naputol na niya. Si Adi naman ay malalaki ang hakbang na nilapitan siya. Bago pa siya mahila palayo ni Adi ay nadikitan na siya ng ilang talahib sa may kamay at braso. "Ouch!" she grunted. Nabitawan niya ang malaking gunting at napaatras. "What the—" Hinuli ng malaking palad ni Adi ang isa niyang braso at marahan siyang hinila palayo roon. Iniharap siya ng binata at agad ineksamin ang balat niya sa magkabilang kamay at braso. Nakagat ni Soledad ang labi at tinignan din ang mahahapding parte. She has no idea that those grasses could cut skin. "Ang hapdi! Why are they sharp?" aniya at napalabi. Napaangat siya ng tingin at nakita ang madilim na ekspresyon ni Adi. Tumitig ito sa kaniya nang mariin at ilang beses gumalaw ang panga dahil sa pagtiim nito. "Sinabi ko na kasing tigilan mo, ang tigas ng ulo," mariin na saad ni Adi. Her lips parted. He sounds mad at her. "I didn't know—" "Kaya nga dapat mas nakikinig ka sa akin," Adi said coldly to her. Sabay silang napatingin sa mga sugat na natamo niya mula sa mga talahib. Maninipis na hiwa iyon na may bahid ng dugo. Adi looks really mad. Tila tensyunado ang katawan nito pero kahit gano'n, marahan pa rin ito nang hinila siya papasok sa mansion. "Andi? Leandra?" tawag ni Adi sa mga anak ng mayordoma pagpasok sa loob ng mansion. Si Andi ang lumapit mula sa may sala. "Oh, Adi, bakit?" "Pakigamot ang Señorita..." ani Adi at inalalayan pa sa pag-upo si Soledad sa sofa. "Nahiwa ng mga talahib," dagdag nito. His expression still looks unhappy. Ginamot nga siya ni Andi. Si Adolfo naman ay nasa may tabi, pinapanood ang paggamot sa maliliit niyang sugat. "Naku, nasugatan tuloy ang makinis mong balat, Señorita," aniya. Soledad pouted a bit. "It's fine. Mawawala rin naman 'yan." Bumuntong-hininga si Adi. "Meron ka bang cream para hindi 'yan maging peklat?" he asked. Napalingon si Soledad sa binata. "Wala but I think my lotions will do the work. Hindi naman siguro ito mag-scar," aniya. Parang si Adi pa ang mas nag-aalala sa posibleng peklat na matamo niya kaysa kay Soledad. Maselan ba ito sa mga peklat? She examined his body and found few scars on his skin. Hindi naman pala maselan pero bakit alalang-alala ito sa scars? "Okay na Señorita," ani Andi. Soledad smiled. "Salamat," aniya at tumayo. "Lalabas—" Tumayo si Adi at inilingan siya. "Dito ka na lang. Ako na ang bahala roon." Kumunot ang noo ni Soledad. "What? No! I want to go outside." Umiling ulit si Adi. "Hindi na, Señorita. Matigas ang ulo mo. Magpahinga ka na lang dito sa loob," mariin nitong saad at tinalikuran na siya. Napasimangot siya. "Desisyon..." aniya at napairap. Nahagip ng paningin niya si Andi na nangingiti. "Para kayong magkasintahan kung mag-away, Señorita." Napakurap si Soledad kapagkuwan ay umiling. "No way, Andi!" aniya at nagmartsa paalis. Tumungo na lang siya sa second floor. May terrace doon kung saan makikita niya ang front yard. Papanoorin na lang niya si Adi. Umupo siya at nakangiting pinagmasdan ang binata na ngayon ay nagtatabas na ng mga ligaw na halaman. Pinagkrus ni Soledad ang mga braso habang pinagmamasdan ang binata. She can't help but to appreciate his well-built body. Nagpi-flex ang muscles sa bawat galaw ni Adi. Naramdaman yata ni Adi na may nagmamasid sa kaniya. He looked around then up to the terrace. Doon niya nakita ang Señorita na maganda ang upo sa teresa at pinagmamasdan siya nang mabuti. Si Soledad ay napaupo nang tuwid at tinaasan lang ng kilay ang lalake. Adi unconsciously shook his head and went back to his work. Ilang sandali ang lumipas ay nagsisimula ng tumirik ang araw. Naisipan na ni Soledad na umalis sa teresa dahil mainit na. She also decided to bring some food and drink to Adi. He must be feeling hungry now. Bumaba siya sa kusina at nagpatulong kay Leandra at Andi na maghanda ng pagkain at inumin. Naglagay siya ng pitsel sa tray, isang baso, at mga tinapay. Siya rin ang nagtimpla ng juice. She's smiling while preparing that. "Swerte naman ni Adolfo, inaasikaso ni Señorita," komento ni Leandra at may kakaibang ngiti sa labi. "Kung wala ka, hindi naman siya napaghahandaan ng ganiyan." Soledad shrugged. "He must be feeling thirsty or hungry now, eh," aniya. "Ako na ang magdadala, Señorita, samahan na kita," nakangiti na saad ni Andi. Agad siyang ngumiti. "Ah, no need, Andi. Ako na ang bahala. Thanks to the both of you." She smiled a bit before carrying the tray and then she walked away. Nasa porch pa lang siya patungo kay Adi ay bumagal ang lakad niya nang makita na hindi na nag-iisa ang binata. Ibinaba niya ang tray sa may mesa roon nang hindi inaalis ang tingin sa dalawa. Adi was smiling genuinely and the woman was giggling like crazy. "Adolfo," ani Soledad habang nakataas ang kilay. Sabay na lumingon ang dalawa sa banda niya. Napawi ang ngiti ni Adi habang ang babae naman ay nanatiling nakangiti. One thing she noticed to the girl, maganda ito. Angat ang mukha nito sa karamihan ng mga nakita niyang babae rito sa probinsiya. "Ikaw ba si Señorita Soledad?" tanong nito. Soledad nodded. "Yes. Who are you?" she asked. Humagikhik ang babae. "Ako si Angeline. Bestfriend ni Adi," ngiting-ngiti na saad nito. "Oh..." tanging saad ni Soledad saka tumango at sinulyapan si Adi na nakatitig lang sa kaniya. "Andi and Leandra prepared food for you, Adi. Kumain ka muna," aniya. Agad umiling si Angeline habang nakangiti. "Hindi na, Señorita. Meron na. Nag-abala pa ang dalawang iyon. Alam naman nila na hinahatiran ko si Adi ng snacks lagi," saad nito at inangat ang hawak na maliit na bag sa kamay. Kumunot ang noo ni Soledad ngunit nagkibit-balikat na lang. It's fine. Kung alam niya lang, hindi na dapat siya nag-abala. "Alright." Humakbang si Adi no'ng akmang aalis na siya kaya natigilan si Soledad. "Hinanda 'yan para sa akin, hindi ko sasayangin," ani Adi at lumapit na sa porch. Si Angeline ay napahabol habang kunot ang noo. "Huh? Paano ang dala ko, Adi?" tanong agad nito. "Mamayang lunch na lang 'yan, Angeline," sagot ni Adi at nagsalin na sa baso ng juice saka uminom do'n. Pagkaubos no'n ay natigilan ito saglit bago ibinaba ang baso. "Painom nga rin," singit ni Angeline at kinuha ang baso na ginamit ni Adi. Napangiwi si Soledad nang makita na gagamitin ni Angeline ang baso na 'yon. "You can go inside and get another glass," suhestiyon niya. Napatingin sa kaniya si Angeline at nakita ang ekspresyon niya kaya natawa ito. "Ayos lang 'to, Señorita. Sanay na kami ni Adi na nagshi-share ng gamit." Soledad doesn't know what to feel. That sounds... disgusting? Paglagok nito ng juice ay natigilan ito. "Matabang yata 'yung timpla ng juice?" Natatawang saad ni Angeline. Natigilan si Soledad. What? Juice na lang hindi pa niya natimpla ng maayos? Si Adi naman ay umiling. "Sakto naman ang lasa, Angeline. Hindi matabang," kontra nito. Napatingin si Soledad sa binata at naabutan niya ang titig nito. Hindi agad naputol ang eye contact nila. "Ay, gano'n ba? Siguro hindi maayos ang panlasa ko ngayon," inosenteng saad ni Angeline at kumuha na ng tinapay. Si Soledad ang naunang umiwas ng tingin sa titigan nilang dalawa ni Adi. She swallowed hard. "Papasok na ako, enjoy the food," aniya sa dalawa. Pahakbang pa lang siya nang magsalita si Adi. "Salamat. Pakisabi sa naghanda nito, salamat," he uttered. Agad tumango si Soledad at ngumiti nang tipid. "Sige. I'll tell Andi and Leandra."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD