NAYA MALIA "A-Ako na..." hiyang-hiya ako dahil siya na naman ang nagpapaligo sa akin, oo nakita na niya lahat wala na akong maitatago. Pero naroon pa rin ang hiya ko. "Nahihiya ka pa eh nakita ko nang lahat." Natawa siya. "Marami na ako nakitang ganyan mas sexy pa sa iyo," pabiro niyang dagdag kaya lalo akong pinamulahan. Ayoko lagyan ng malisya pero lalaki pa rin siya... pero wala na akong nagawa nang siya na ang naghubad sa akin at binuhat ako mula sa wheelchair at ibinaba ako sa bathtub. Nakagat ko na lang ang ibaba kong labi, hindi naman siya nagpapakita ng anumang nakakailang na ekspresyon pero alam ko hindi pa rin maganda ito kaso walang ibang gagawa nito kundi siya lang dahil siya parati ang kasama ko. Hindi naman pwedeng si Warren at nasa ibang bansa raw ito may inaasikaso, n

