NAYA MALIA Sinikap ko kahit na ang hirap magpagaling sa lalong madaling panahon, para sa ikatatagumpay ng plano gagawin ko rin lahat ng makakaya ko para lang makaalis lang kami ng ligtas dito. Napag-alaman ko na papalapit na raw nang papalapit si Fabian sa kinaroronan namin matapos nito magkaroon ng hint kung saan nila ako itinatago pero wala pang kumpirmasyon. Ibinalita sa akin ni Vicente ang tungkol doon kaya pala niya ako minamadali na makalakad dahil kinalaunan hindi na rin magiging ligtas pa ang pananatili namin dito. At ngayon pa lang kinakabahan na ako, pero sa tulong ng magaling na therapist nabubuhay muli ang mga nerves ko sa katawan para tuluyan na akong makalaw sa mga lumipas na ilang araw. Dumalas na rin ang therapy session, sa isang araw ay dalawang beses na. Isa sa umaga

