NAYA MALIA Dinala na nga ako ni Warren sa sinasabing bagong bahay ni Fabian, isang modernong mala-penthouse at malaki rin ngunit hindi kasing laki ng bahay na ibinenta niya pero mas makabago... Nanginginig pa ang kamay ko at ang mga binti ko hindi ko malaman kung paanong hakbang ang gagawin ko. Nakagat ko ang ibaba kong labi habang nananatili kaming nasa sasakyan pa rin, hindi ko magawang bumaba kinakabahan ako. "N-Nasa loob ba siya?" tanong ko. "Yes, ihahatid lang kita sa loob," sagot niya nang humirit pa ako dahil akmang bababa na siya hinawakan ko siya sa braso. "Papasukin naman kaya tayo?" alanganin ko pang tanong kaya tumawa siya. "Oo naman. Kilala ako at mas lalo ka na ng mga tauhan niya kaya imposible hindi. Kaya tara na, baba na." Nauna na nga siyang bumaba kaya huminga mun

