NAYA MALIA Hindi ko alam paanong bungad ang gagawin ko... katabi ko si Warren at kasalukuyan na kaming lulan ng eroplano. Hindi na sa isang private plane, kundi flight na talaga pauwi ng Pilipinas, ang puso ko parang lumulundag sa kaba at lalabas na sa tadyang ko. Nanlalamig din ang mga kamay ko at napansin naman ni Warren ang aking pananahimik kaya napalingon siya sa gawi ko. "You okay?" But he smiled. "Kinakabahan ka, ano?" Tumawa siya. "Kahit ako rin naman ang nasa lagay mo, kakabahan din ako matapos mo siyang ipagtabuyan—" "Warren, don't make my feelings worse," I cut him off, I am not mad I'm just anxious but he just laughed. Alam ko naman itong ginagawa ko... alam ko na oo mayapos ko siyang pagsalitaan ng masasakit... Ito ako, uuwi na... pabalik sa kanya. Nanginit ang magkab

