CHAPTER FOUR

1435 Words
NAYA MALIA Tinikman ko ang niluluto kong beef soup para sa pagdating ni Fabian, gabi araw ng lunes saktong umuulan. Kaya napatingin ako sa labas ng bintana ng kusina hawak ang sandok at kutsurang ipinangtikim ko at sandali kong ibinaba at pinagmasdan ang bawat pagpatak ng ulan… Parang gusto kong lumabas para damhin at hayaang pumatak ito sa akin… Ang mga mata kong malamlam hindi ko namalayan napatulala na lang kaya napapitlag ako sa gulat nang mag-salita si Manang Agnes mula sa likuran ko na pumasok pala ng kusina. “Malia, tapos na ba iyan? Parating na si Fabian.” Dali-dali naman na akong kumilos pagkasabi ni Manang at in-off ko agad ang stove. “O-Oho, Manang. Tapos na.” Bahagya ko pang hinalo ang ilalim at inalis ang potholder na nakasuot sa kanang kamay ko at mabilis na nag-hugas sa lababo at nagtuyo rin ng kamay. Hinubad ko na rin ang suot kong apron. “Lalabas na ho ako at sasalubungin ko na po siya,” nagmamadali ko nang paalam at akmang lalabas na nga ako at lalagpasan ko na sana siya nang hawakan niya ako sa braso at sandali akong pinigilan. “Hindi mo kailangan parating magmadali at mataranta.” Naroon ang hinahon at awa niya para sa akin buhat ng malamlam niyang mga matang may linya na dala na ng katandaan. Pero ngumiti lang ako. “Hindi ho pwedeng hindi ako magmadali, Manang…” Hinawakan ko ang kamay niyang nakawak sa akin. “Ayos lang ho sanay na po ako sa paspasang kilos at alam niyo naman po ang mangyayari kapag pabagal-bagal—” “NAYA.” Nanlaki ang mga mata ko ganoon din si Manang nang marinig ang buo at malagong na boses ni Fabian mula sa b****a ng bahay tawag na ang pangalan ko kaya dali-dali na akong lumabas mula sa kusina na may pangangatal. Ang akala ko ay nasa biyahe pa lang narito na pala! “What took you so long?” tanong niya nang makalapit ako saktong kapapasok niya lang ng bahay pero dapat bago siya dumating nakaabang na ako sa pintuan para salubungin siya pero hindi niya ako naabutan kaya agad akong hinanap. “P-Pasensya na! N-Nag-luto kasi ako,” sagot ko buhat ng malambing na boses na medyo nauutal pa. Hindi na ako nag-abala pang tingnan siya sa mukha, hinubad ko na lang ang coat niyang medyo nabasa dahil naampiyasan ng ulan sa lakas ng hangin sa labas. Buti binigyang ako ng kasambahay ng malinis na tuwalyang nakaabang na at kinuha ko agad ito at maingat na ipinunas sa nabasa niyang mukha at buhok habang lihim naman ako napapalunok dahil sa paninitig niya sa akin habang masuyo ko siyang pinupunasan nang nakatingala at nakatingkayad dahil matangkad siya ng husto sa akin kaya hindi rin maiwasang magtama ang aming mga mata pero ako kaagad ang unang umiiwas. Kahit isang beses hindi ko pa natagalan ang titig niya na takot lang ang hatid sa akin… Nang ayos na agad akong lumayo at nagbaba ng mukha at itinuon ang tingin sa sahig na magkadaop ang kamay hawak ang tuwalya. "Balik lang po ako ng kusina ihahanda ko lang ang pagkain niyo…” paalam ko na sandali at mabilis na tumalikod ako pero agad din akong natigilan nang magsalita siya. “Let the maids prepare my food. Follow me.” Mariin na lang akong napapikit at tumango. Nauna na siyang mag-tungo sa hagdanan at ako, tahimik na lang na sumunod sa kanya paakyat habang nilalamukos ang sarili kong mga kamay sa kaba habang nakatingin sa malapad niyang likod at malaking pangangatawan suot ng black plain long sleeve polo dress na naka-tuck in sa black slacks niyang pamasok sa trabaho… Sa katunayan kung hindi siya kilalang masamang tao una mong mapapansin sa kanya ay ang kakisigan niya at ang magandang pamumustura at katawan, ngunit sa kabila nito… hindi mo siya gugustuhin makilala. Tumigil siya sa tapat ng pintuan ng kanyang silid siyang tigil ko rin nauna siyang pumasok sa loob kasunod ako. Tumigil ako nang nasa loob na kami at tahimik lang din akong sinundan siya ng tingin nang mag-tungo siya sa tabi ng kama at hinubad ang suot na relo at ipinatong sa ibabaw ng bedside table. Saka niya ako hinarap at itinupi naman ang magkabilang mahabang manggas hanggang sa siko. Hindi ko alam bakit hindi maganda ang pakiramdam ko sa katahimikang ipinakikita niyang ito. Pero kailan ba gumanda ang pakiramdam ko sa tuwing nandiyan siya. “Naya…” tawag niya sa akin buhat ng mahinahong boses at tiningnan ako saka siya humakbang ng mabagal papunta sa akin kaya bahagya akong napaatras at humigpit ang hawak ko sa tuwalya. “P-Po?” Hirap akong napalunok. Patuloy pa siya sa pag-lapit sa akin nang magtanong siya. “Did you try to contact someone secretly over the phone to ask for help, hmm?” Namilog ang mga mata ko hindi ako agad nakasagot. Muli akong humakbang paatras at nag-umpisa na manginig ulit ang mga binti ko nang tumalas at dumilim na ang mga mata niya. How did he… But before I could speak I just found myself hanging in the air and my body forcefully and painfully hit the wall by him holding my neck using his only one hand through his fast movement and because of shock, I got stunned. Hawak niya na ako sa leeg at nabitiwan ko na rin ang hawak kong tuwalya kahit sigaw hindi ko na nagawa sa bilis ng pag-salya niya sa akin sa dingding. Bukod tanging singhap at igik lang ang nagawa ko kasabay nang impit na pag-iyak hawak ang kamay niyang nasa leeg ko gamit naman ang dalawa kong kamay pilit niluluwagan but I have no strength… Napaawang na lang ang bibig ko sa hirap nang huminga, ang mga paa ko nakaangat na sa sahig at nakita kong iba ang galit niya ngayon kumpara nitong nagdaang araw parang hindi niya na ako bubuhayin… “You think I wouldn't know?” He smirked darkly. "We already talked about this, as far as I remember." He chuckled but his eyes are getting dark and more intense. "Trying to call a cop, huh?" It happened this morning. Nakita ko naiwan ng isang bantay ang phone nito sa may labas sa likod ng bahay malapit sa pintuan palabas ng kusina at sinamantala ko ang pagkakataon. Kinuha ko and I tried to dial 911 out of desperation kaso naudlot dahil narinig ko agad ang boses ng mga pabalik na niyang mga tauhan at naguusap tungkol sa phone na naiwan ng may-ari kaya binalikan. At bago pa ako mahuli ibinalik ko rin kaagad sa pinagkunan ko. Marahil nakita nila sa may call history dahil napa-ring ko ng isang beses wala na akong oras para burahin pa at wala naman silang alam na ibang tatawag ng emergency hotline kundi ako lang… “I-I'm sorry!” Lumakas ang iyak ko. “H-Hindi na po…”’ Napahagok ako.”M-Mauulit—ack!" "You're so... innocent and very... naive." At sa halip na bitiwan ako ay tumawa lang siya at sunod napasigaw ako nang bigla na lang pahampas niya akong binitawan na may hustong lakas kaya humampas ako sa muwebles na sahig at namilipit nang mauna ang likod ko sunod ang ulo ko and it made a loud impact sound on the floor. Pansamantala natigilan ako sa paghinga at napahiga na lang habang awang ang bibig kong napatingin sa kisame pilit at pahagok na sumasagap ng hangin. Pero parang naipit ang baga ko kasabay ng pag-ubo ko at sa pagkabigla rin tila hindi ko na naramdaman pa ang katawan ko hanggang may naramdaman na lang akong mainit na dumaloy mula sa likod ng ulo ko na nakalapat sa sahig… I felt temporary paralized and my sight started to blur. Hindi na ako nakalikha pa ng ingay… At hindi lang ako sa ulo ko may naramdaman na mainit na dumadaloy sa akin kundi pati na rin sa pagitan ng aking mga hita na sinabayan pa ng matinding sakit at pag-kirot sa bandang puson na parang may bagay na hindi kaya ampatan, at doon ko na siya narinig na malakas na napamura. “SH*T… D*MN…” he sounds shocked by what he saw… When he walked closer to me, hindi ko man malinaw na makita pero naaninag ko ang takot at gulat sa mukha niya na kahit siya mukang nabigla sa ginawa niya. And the last thing I remember he scoop me from the floor but my body did not respond like a veggie and I heard him calling one of his men’s name outside the room and he immediately ordered to call a doctor…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD