NAYA MALIA Tumatawa siya habang kasalukuyan na kaming magkakaharap, nakatayo ako at katabi ko sina Vicente at Warren, ang mag-asawa naman nakaupo sa mahabang sofa. Kaharap namin siya habang nasa kabilang kabisera naman siya ng mahabang sofa hindi pa rin siya makapaniwala. Nasapo niya ang ibaba niyang labi at pinadaan ang mga daliri niya rito. Wala na sanang paguusap na mangyayari dahil hindi naman ako sasama. But he insisted on this conversation and invited us to face him and tell him how come it happened. Gusto ko matawa sa kanya pero nanatiling seryoso ang mukha ko, hindi niya makitaan ng lambot o ano pa man kaya panay ang igting ng panga niya kanina pa at wala akong pakialam. "So you taught her how to..." Tumaas ang dalawa niyang kilay sa dalawa, kina Warren at Vicente na tulad ko

