NAYA MALIA "Darling, Darling!" Humahangos na tawag sa akin ni Tita Cressia pagkakita niya sa akin lumabas ng elevator. Nabigla ako nang hawakan niya ako sa magkabilang braso kaya nagtataka ko siyang tiningnan. "Bakit po, Tita? Why you look pale?" nagaalala kong tanong dahil muka siyang kinakabahan. "Tara sa labas! Mamamasyal tayo!" Nanlaki ang mata ko. Sa labas? Mamasyal? Eh, sa buong isang taon ko rito sa bahay nila hindi niya naman ako inanyayahan lumabas. At kung lumabas man ako kasama sina Vicente at Warren todo balot pa para hindi ako makilala. "Po? Bakit po? Teka Tita magbibihis lang ako sandali—" Humigpit ang hawak niya sa akin kaya hindi ako nakaalis. "NO, HIJA. DON'T GO, LET'S GO." Ano raw? Don't go tapos let's go? Nililto niya ako kaya napatawa ako bigla. "Tita, wait f

