THIRD PERSON'S POV Nangangalit na nakatanaw si Fabian sa malawak na dagat habang nakatayo sa labas ng bahay ng isla may hawak na isang baso ng matapang na alak at nanatiling kalmado. Iniisip niyang mabuti paanong nalalaman ni Vicente ang bawat hakbang na ginagawa niya? Pagak siyang natawa, nang mapagtanto na may traydor na naman sa paligid niya. At walang iba kundi ang isa sa mga tauhan niya kaya automatiko naging blangko ang mukha niya, hinarap niya ang mga ito na nakahanay sa magkabilang hiwalay na linya. "Paano..." Muli siyang natawa ng hilaw. "Nalaman ni Vicente na alam ko na kung saan sila nagtatago? Is there someone who can tell me, hmm?" Tumaas pa ang dalawa niyang kilay hinihintay na may isang sumagot sa kanila pero nanatiling tahimik ang mga ito, walang niisa ang may gusto s

