NAYA MALIA Sa bandang Russia nila ako dinala... namangha ako sa laki ng bahay na pinagdalhan nila sa akin. Ang sabi ni Warren, ancestral house daw ito ng pamilya ni Vicente, may iilan silang miyembro ng pamilyang nakatira dito at hindi lahat dahil karamihan ay kanya-kanya na sila. Napalunok ako nang may sumalubong sa aming matatapang at seryosong mga na mukha ng mag-asawa pagpasok namin ng bahay. Tiningnan nila ako at sunod si Warren, panghuli si Vicente. Huminga ng malalim ang may edad ng babae at saka lumapit sa kinaroronan namin, tila ba kung ano itong bagay na gustong sabihin. "Who gave you permission to bring outsiders in our home?" bakas ang pagka-disgusto sa boses nito. "Kto?! Ty zhe znayesh', chto eto opasno! Ty i pravda prinos eto syuda!" (Sino?! Dito mo pa talaga dinala! Al

