NAYA MALIA Gusto ko sanang sabihin sa kanila na hindi kasalanan ni Vicente... kasalanan ko dahil tinulungan niya ako kaya hindi nila siya dapat saktan... Pero maagap akong pinigilan ni Vicente na wag akong sasabat at naiintindihan ko dahil mukang kakaiba ang mga magulang niya... Hindi nalalayo sa presensya ni Fabian na tingin pa lang mukang kay lulupit din nila lalo na ang Don, matigas ang ipinakikita nitong eskpresyon waring hindi umiiral ang takot o pagka-tinag. Kaya nagkaroon na ako ng ideya kung ano ba talaga si Vicente... at saan mundo siya galing. "Here's your room, Sir and young lady," one of the maids led me and Warren to the guest rooms and she pointed it for us, magkasunod lang ang mga kwarto namin. Hinarap ko ang kasambahay bago ako pumasok sa loob. "Thank very much, Ma'a

